Prologue

1.9K 35 3
                                    

"Sahara! Malelate ka na! Bilisan mo diyan!" sigaw ni mommy sa baba. "In a minute!"

Madaling-madali akong nagtatali ng buhok ko kahit hindi ko pa nagagawang suklayan 'to. Ganito talaga ako lagi. Kahit walang suklay-suklay go pa rin ako. Hindi rin kasi ako sanay mag-ayos ng sarili ko. At wala rin akong pakialam sa itsura ko kung mukhang bruha ba o hindi. Para sa 'kin hindi ako maganda, pero sabi nila maganda ako kung mag-aayos lang ako ng sarili ko. Hindi ko naman kailangan na maging maganda o ano pa. Katulad nga ng sinabi ko, wala akong pakialam sa itsura ko. Sabi nga ng iba, walang perpektong tao sa mundo. Ako si Athena Sahara Mihaela, Grade 10 na ako. Ilang months nalang at malapit na rin akong grumaduate.

"Sahara!"

"I'm coming!"

Kinuha ko na ang bag ko at sabay na lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina kung saan naka handa ang almusal ko. Nandito rin si mommy habang nagtitimpla ng kape. "Mom hindi na ako mag-aalmusal, bye!" Sabi ko sa kanya at sabay kiss sa pisngi niya. "Hindi pwede kahit magdala ka nalang ng tinapay"

"Mom, busog naman ako pero sige", kumuha ako ng tinapay at pinalaman 'to. "Bye!"

"Mag-iingat ka!"

Dali-dali akong lumabas ng bahay habang kagat-kagat ko ang tinapay. Malapit lang naman ang school ko sa amin kaya hindi ko na kailangan pa ng service. Hindi rin kami mayaman. Iniwan na rin kami ng dad ko at wala kaming kilalang kamag-anak, si mom lang talaga ang kasama ko dito. Wala rin akong kapatid.

"Sara!" naka salubong ko ang isa sa mga kaibigan ko. Sara ang tawag nila sa 'kin for short of Sahara. Her name is Kaesha, parehas lang kami ng dinadaan papunta sa school kaya minsan ay sabay na kaming pumasok. Inalis ko muna ang tinapay sa bibig ko bago ako mag-salita. "Ikaw pala Kaesha"

"Sabay na tayong pumasok"

"Sure!"

Inubos ko na ang tinapay ko bago pa kami maka-rating sa school. Last year ko pang kaklase si Kaesha. Magkaklase pa rin kami hanggang ngayon at hindi lang siya kundi ang buong squad namin. Siya rin ang class president ng classroom namin. Pagpasok palang namin sa classroom, sumalubong agad ang iba pa naming kaibigan. "Nandito na pala silang dalawa oh!" sabi ng isa kong kaibigan. Ang pangalan niya ay Carla, siya ang pinaka-matanda sa aming magkakaibigan.

"Hoy! May assignment kayong dalawa? Pakops naman kaming tatlo!" sabi naman ng isa naming kaibigan na bakla. Ang pangalan niya naman ay Zendrex pero naka sanayan na namin siyang tawagin na Zenith. Maraming babae na nanghihinayang sa kanya dahil sayang ang kanyang kagwapuhan kung siya naman ay isang bading.

"Hay nako ako pa ba aasahan ninyo diyan? Ito si Sara masipag 'yan gumawa ng assignment", pahayag ni Kaesha at sabay na pumunta sa upuan niya para mag pahinga. Ito na naman tayo, sa 'kin na naman sila aasa. Hindi ako sure kung lagi ba akong tama sa mga assignments na ginagawa ko. Pero wala naman silang pakialam do'n kung tama ba ako o mali. Ang importante lang sa kanila ay ang may gawa silang assignment. Damay-damay lang, hehehe!

Nilapag ko ang bag ko sa upuan. May nagbukas ng bag ko at kinuha nito ang assignment ko. "Ako na muna kokopya!" siya si Charlotte. Siya ang pinaka maganda sa aming magkakaibigan, sikat din siya sa ilang kalalakihan dito.

Umupo na si Charlotte sa upuan niya para umpisahan niya ng kopyahin ang assignment ko. Hindi rin naman nagpatalo ang tatlong bruha kaya kumopya na rin sila habang may time pa. Pupuntahan ko palang sana sila ng may iba akong naramdaman sa likod ko. Lumingon ako sa pinto at isang lalaki na pumasok sa classroom namin. Siya si Shaun Hayden Zacharias, isa siya sa mga sikat na lalaki dito sa school, pero hindi naman sa buong school. Hindi siya sikat sa mga lower section na katulad namin, sikat siya sa mga matataas na section. Siya ang pinaka matalino sa lahat ng lower section. Minsan kapag hindi namin alam ang sagot sa quiz at test, umaasa kami sa kanya. Wala naman siyang pakialam sa amin kung kumokopya kami o hindi ng sagot sa kanya. At isa pa, hindi lang siya matalino. Gwapo, hot, matangkad, at mayaman siya. Hindi namin alam kung bakit siya nag-aaral sa isang public school. Hindi rin namin alam kung bakit siya napunta sa lower section kung matalino naman siya. Kaklase ko pa siya since Grade 7, hindi kami nagkakahiwalay. Pero may iba sa kanya, hindi namin siya nakikitang ngumingiti at tumatawa man lang. Lagi siyang naka fierce at lagi rin siyang nakikinig ng music sa headset kahit na may klase. Hindi na siya pinapansin pa ng mga teachers dito dahil kahit na ganon siya, nagagawa niya pa rin sumabay sa lessons. Hindi rin siya mahilig makipagkaibigan. Para sa 'kin, napaka astig niyang lalaki.

Umupo na siya sa upuan niya habang nakikinig pa rin ng music sa headset. Malapit lang kami sa isa't-isa kaya nakikita ko lahat ang ginagawa niya. Kahit na matagal ko na siyang classmate, hindi pa rin kami gaanong ka-close sa isa't isa.

"Sara oh!" binalik na sa 'kin ni Charlotte ang assignment ko. Ang bilis naman nila matapos. Hays ganon ata kapag legend ka talaga sa pangongopya. "Ano 'to? Wala man lang sinabing salamat?"

"Ano ka ba? Kapag kaibigan mo ang nangopya sa'yo, wala talagang thank you 'yan. Kaya kung ako sa'yo masanay ka na", pahayag niya at sabay na umupo sa upuan niya. Hays, bahala na nga sila.

"Oh my gosh! Sara! Tara dito!" hinila agad ako ni Zenith papunta sa bintana. Bumilis ang tibok ng puso ko at lumaki ang mata ko ng masilayan ko ang ultimate crush ko simula pa noong elementary sa labas. Kasama niya na rin ang tatlo niya pang kaibigan. Sikat na rin sila dahil nga kaibigan nila si Crush. Siya si Kairos Caparas, ang pinaka sikat at pinaka gwapong lalaki dito sa buong school. Hindi lang siya sikat dito, sikat din siya sa iba pang school. Noong hindi pa siya sikat, crush ko na siya noon at never ko pa rin siyang naging classmate. Maraming nagsasabi na mabait siyang tao, pero para sa 'kin hindi lang siya mabait. Masipag, mapagmahal at may respeto rin siya sa mga matatanda at kababaihan. Lahat nalang ata ng kabutihan ay nasalo niya na. Shit! Kung ako ang tatanungin, siya na ang pinaka perpektong tao na nakilala ko sa buong buhay ko.

"AAAHHH! SI KAIROS! PUNTAHAN NATIN SIYA BILIS!"

"OMG! HEAVEN NA BA IS THIS?"

"WAAAHH! SI KAIROS, PARA TALAGANG SIYANG ANGHEL!"

Sigaw ng mga babae na todo kilig kay Kairos. Hindi ko pa rin maiwasan na mag-selos sa kanila. Alam ko naman sa sarili na wala akong karapatan na mag-selos. Buti pa sila, nagagawa nilang maka lapit kay Kairos. Ako? Hanggang silip nalang ata ako sa bintana.

Kitang-kita namin ang mga nangyayari dahil nasa itaas lang nila kami. Hiyawan ng hiyawan ang mga babae dito at hindi rin nila mapigilan na kiligin. Pinaligiran ng mga babae si Kairos, ang tatlo niya naman na kaibigan ay todo protektado sa kanya. "KAIROS, MATANGGAP MO SANA ANG REGALO KONG 'TO!" sabi ng babae at pilit na lumalapit kay Kairos. Tinaas ni Kairos ang kanyang kaliwang kamay, ito ang senyas niya para tumahimik ang mga taong naka paligid sa kanya. Lumapit naman si Kairos sa babae na may hawak na regalo para sa kanya. Hinayaan ng tatlong kaibigan ni Kai na maka lapit ang babae sa kanya. Napa luhod nalang ang babae sa sahig at hingal na hingal kakasiksik sa mga babae para lang makalapit lang kay Kai. Inabot naman ni Kai ang kamay niya sa babae at inalalayan 'tong tumayo.

"S-Salamat Kairos.."

Hindi ko mapigilan na mag-selos sa babae. Sana ako nalang siya.. Sana ako nalang 'yon.. Sana..

"I-Ito pala r-regalo ko s-sayo, g-galing pa yan s-sa Japan", kabadong sabi ng babae. Tinanggap naman 'to ni Kai at lumuhod sa harapan niya. Inabot niya ang kamay ng babae at hinalikan 'to. "Salamat binibini", pilit na pinipigilan ng babae ang kilig na nadarama niya. Tumayo na si Kairos at hinawakan ang balikat ng babae at saka umalis.

"AAHHH KAIROS!"

"SANDALI LANG KAIROS!"

Hindi pa rin mapigilan na kiligin ng mga babae dito kay Kairos. Kahit na sa loob na ng classroom si Kairos ay todo pa rin silang sumisilip at sumisigaw.

"Ang swerte naman ng babaeng 'yon"

"Correct ka diyan girl!"

Sana mangyari rin 'yon sa 'kin.. Nakakainis talaga! Bakit ba hindi ko magawang maka lapit kay Kairos? Kailan kaya ako sasaniban ng makapal na mukha? Argh!

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon