Chapter 5 "My two old bestfriend"

328 15 0
                                    

"Allison? Amelia?"

"Bruh!"

Bruh ang tawagan namin sa isa't isa. Hindi uso sa amin ang bess, bessy, bessywap, besty, sis, at etc.

"Hey! Long time no see!" Pahayag ko at sabay kaming nagyakapan sa isa't isa. Hindi kami masyadong nagkikitang tatlo dahil malayo kami sa isa't isa. Magkahiwalay ang building ng higher section sa lower section. Gusto kong bisitahin sila minsan pero nakakatamad rin dahil na sa 9th floor ang section nilang dalawa. At hindi ko rin sila magawang kamustahin o sumama sa kanila dahil nagagalit sa 'kin sila Zenith. Hindi rin ako masyadong nakikipagdaldalan sa kanilang dalawa dahil may sarili akong mundo kapag kasama ko sila. Minsan nga hindi ako maka sabay sa mga topic nilang dalawa. Tungkol kasi sa mga KPOP ang mga topic nila eh hindi naman ako Kpop fan.. Anime lover kasi ako, hehehe!

"Namiss ka na namin bruh! Kumusta ka naman?"

"Ito ayos lang naman", pagsisinungaling ko. "How about you guys?"

"Ito dugong-dugo na yung utak namin dahil sa mga pinapagawa ng mga teachers namin dito." Kawawa naman sila. Buti napunta na ako sa lower section. Hehehe!

"Pasensya na kayong dalawa ha, hindi na ako masyadong sumasama sa inyo"

"Nako ano ka ba bruh! Ayos lang 'yon sa amin, at saka naiintindihan ka naman namin. Hindi ka rin naman namin pinipilit na bisitahin kami. At saka alam kong nakakapagod rin na umakyat sa hagdan papunta sa classroom naming dalawa. So it's ok, you don't need to apologize." Buti nalang nakilala ko silang dalawa. Napaka bait talaga nila, ibang-iba sila kumpara kila Zenith.

"Salamat sa inyo." Nagtinginan kaming tatlo at bigla nalang kaming tumawa. Maya-maya ay bigla nalang rin tumunog ang bell. Shit! Baka ma-late ako sa first subject ko!

"Patay! Kailangan ko ng umalis! Bye guys!"

"Bye Sahara, mag-iingat ka!"

Binilisan ko ang pagtakbo pababa ng hagdan.

"Shit! Shit! Shit!" paulit-ulit kong sabi kada apak ko sa hagdan. Ayoko pa naman ma-late sa first subject ko! Lalo na't masungit pa yung teacher namin do'n! Baka parusahan pa ako or bawasan ang grade ko. Ayoko nito!

"Shaun!"

Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ni Shaun. Si Shaun Zacharias ba ang itinutukoy nila?

Pa-simple akong sumilip sa kanila at tama nga ako.. Si Shaun nga.. May kasama siyang dalawang lalaki at isa-isa silang nag-brofist. Hindi ko akalain na may kaibigan pala 'tong si Shaun sa higher section.

Tiningnan ko ang mukha ni Shaun at laking gulat ko na makita kong naka smile siya sa harap ng dalawa niyang kaibigan. Iniwasan ko silang tingnan at gulong-gulo ang isipan ko. Totoo ba 'to? Nakita ko ba talaga siyang naka smile sa harap ng dalawang kaibigan niya? Bakit sa dalawang 'yon nagagawa niyang ngumiti, paano naman kaya yung isa pa niyang kaibigan kahapon?

Sandali nga lang! Nag-bell na ah! Bakit hindi pa rin siya pumupunta sa classroom?

"Bahala na nga siya"

Kumaripas ako ng takbo pababa ng hagdan at pumunta na sa classroom ko sa 2nd floor. Papasok palang sana ako sa classroom ng makita ko ang teacher namin sa 1st subject. Naka upo siya sa upuan sa likod at tumitingin ng mga papel. Mukhang nag-quiz sila ngayon. Bahala na! Wish ko nalang na hindi niya ako mapansin.

Yumuko ako at dahan-dahan na pumasok sa classroom. Naka tingin naman sa akin yung mga kaklase kong naka-upo sa harapan.

"Hoy Sara late ka?"

"Late ka Sara?!"

Sabi nila Zenith at Kaesha. Argh! Pahamak talaga 'tong dalawa! Tumayo ako ng dahan-dahan at tiningnan ng diretso ang teacher namin. Naka tingin siya ng masama sa 'kin. Patay!

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now