Chapter 39 "Telling the truth"

228 14 2
                                    

Hindi ako makapaniwala na si Giezell pala ang babae na pinagsimulan nila ng away.

"Pero Lulu, kung alam mo naman pala na gusto ni Kairos si Giezell. Bakit hindi mo sinabi kay Giezell ang nararamdaman ni Kairos para sa kanya? At bakit naging kayo kung alam mo naman na masasaktan mo si Kairos?"

"Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko no'n kaya nagawa ko 'yon."

Ang hirap talaga kapag iisa lang ang nagugustuhan niyong mag-kaibigan.

"Kung ganon, bakit kayo nagkahiwalay?"

"Nalaman ko kasi na may gusto pa si Kairos kay Giezell no'n kaya pinalaya ko na si Giezell para sa kanya. Akala ko magkakaayos na kami no'n pero hindi pala."

Iyon pala ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa ni Giezell. Pero bakit ako ang sinisisi ni Giezell kung bakit sila nagkahiwalay? At kaya naman pala ayaw ng makipagbalikan sa kanya ni Lulu dahil gusto na ni Lulu na magkaayos na silang dalawa ni Kairos. Dapat malaman 'to ni Kairos. Kailangan kong gumawa ng paraan para mag-kaayos na silang dalawa.

"Huwag kang mag-alala Lulu, tutulungan ko kayo na mag-kaayos na dalawa."

"Talaga Sara? Salamat pero mukhang malabo nang mangyari 'yon." Mahinahon niyang sabi. Bigla siyang nalungkot at parang nawalan ng pag-asa na magkaayos pa silang dalawa ni Kairos.

"Pero Lulu ___"

"Sahara.. Nakita mo naman siya kanina kung paano siya magalit sa 'kin? At alam kong sobrang laki ng galit niya sa 'kin sa lahat ng nagawa ko sa kanya."

Hindi nalang ako nag-salita pa. Wala na akong magagawa pa kung wala na talagang pag-asa na magkaayos pa sila.

"Sahara, bakit hindi mo rin sa 'kin sinabi na magkakilala pala kayo ni Kairos?" Pagtataka niyang tanong sa 'kin.

Sinabi ko ang lahat sa kanya pero hindi ko sinabi na may gusto ako kay Kairos. Hindi ko 'to sasabihin sa kanya hangga't hindi pa rin sila nagkakaayos ni Kairos. Mas mabuti kung itatago ko nalang 'tong nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa bahay pagtapos na pag-uusap namin ni Lulu. Sinabi niya rin kasi sa 'kin na may mahalaga daw siyang pupuntahan at hindi naman niya 'yon sinabi sa 'kin. Dumiretso na ako sa CR para maligo at ayusin ang sarili.

Luther Winston POV

Nag-paalam na ako kay Sahara at pumunta sa lugar kung sa'n kami magkikita ni Giezell. Nag-text kasi siya sa 'kin at gusto niya daw ako maka-usap. Hindi naman ako tumanggi sa gusto niya at may sasabihin rin naman ako sa kanya. Hindi ko talaga inaasahan na magagawa ni Giezell kay Sahara ang mga ganong bagay. Pati ba naman si Sahara ay pagseselosan niya. Hindi ako papayag na guluhin niya pa si Sara kaya kakausapin ko si Giezell ngayon.

"Babe!" Tawag niya sa 'kin nang makita niya na ako. Lumapit siya sa 'kin at hahalikan sana ako sa pisngi pero pinigilan ko siya.

"Babe, are you mad at me?"

"Giezell, you're not my girlfriend anymore so itigil mo na ang pag-tawag mo sa 'kin na babe." Seryoso kong sabi sa kanya na may pag-diin sa bawat salita na binabanggit ko.

"Luther please comeback to me, I-I can't live without you! Luther, mahal pa rin kita at hindi na magbabago pa 'tong nararamdaman ko." Sabi niya na may paglambing. Hinawakan niya ang pisngi ko at umiiyak siya sa harapan ko. Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan 'to ng madiin.

"Why did you do that to her? Tell me! Bakit mo 'yon ginawa kay Sara?!". Sigaw ko.

"A-Aray Luther! Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Pati ba naman ang kaibigan ko pagseselosan mo? Giezell wala kang karapatan na mag-selos o magalit sa kanya. Tandaan mo, wala ng tayo!" Pagtapos kong sabihin sa kanya 'yon ay kitang-kita ko ang mukha niya na parang hindi siya makapaniwala na nasabi ko 'yon sa kanya. Para siyang nawala sa sarili niya. Binitawan ko ang kamay niya. Yumuko siya at hindi siya maka-alis sa kinatatayuan niya.

"Maiwan na kita." Pagpapaalam ko sa kanya. Lumakad na ako palayo sa kanya at hindi ko siya nililingon.

"Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya o gusto mo na siya?" Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin niya 'yon. Hindi agad ako naka-sagot sa tanong niya.

"Luther tell me the truth! Do you love her?" Sabi niya na may halong kaba. Nilingon ko siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Naka-tingin lang siya sa 'kin habang may mga namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Yes, I love her. So what?" Seryoso kong sabi sa kanya.

Oo inaamin ko, gusto ko si Sahara. Mahal ko na siya. Simula palang noong bata kami ay nagustuhan ko na siya. Hindi ako makaamin sa kanya dahil natatakot ako kung ano ang mangyayari sa amin sa oras na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Naisip ko na baka masira ang friendship namin. Naisip ko na baka layuan ako ni Sahara. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong masira ang friendship namin nang dahil lang sa lintik na nararamdaman ko.

Lumapit siya sa 'kin at bigla akong binigyan ng malakas na sampal.

"I hate you Luther! I really hate you! You're so fucking idiot Luther! Bakit siya pa ang pinili mo? Ako ang nagmamahal sa'yo ng tapat at totoo so why you choose her? I don't understand you! Ano bang mayroon ang babaeng 'yon na wala ako? Mayaman ako, may boobs naman ako at malaki ang pwet, sexy din ako Luther at handang i-sakripisyo ang lahat-lahat alang-ala lang sa'yo! But why? Why?! I don't really get it! Damn you!" Inis niyang sabi sa 'kin habang hinahampas-hampas niya ang dibdib ko. Nagtatangis rin ang kanyang mga ngipin dahil sa sobrang panggigigil.

"Kahit na wala siyang magandang mukha at katawan tulad mo, may maganda naman siyang kalooban at ugali na wala ka." Seryoso kong sabi sa kanya na mas lalong ikinagalit niya. Kita kong lumaki ang kanyang dalawang butas ng ilong at alam kong sobrang laki na ng galit niya sa 'kin at kay Sahara.

"Well, makikita mo na talaga kung sino ako!" Sabi niya at sabay akong binigyan ulit ng malakas na sampal bago siya tuluyan na lumisan.

Hindi maganda 'to. Baka kung ano pang pwede niyang gawin kay Sahara sa susunod. Hindi ako makakapayag na makalapit o saktan niya pa ulit si Sahara. Sa oras na malaman kong may ginawa siya kay Sahara, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now