Chapter 42 "Prom Night"

202 17 1
                                    

ft. When I look at you by Miley Cyrus

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang pinaka-gusto ng lahat ng mga estudyante, ang Prom Night.

Nasa bahay ako ngayon ni Amelia. Silang dalawa ni Allison ang nag-offer na mag-ayos sa 'kin. Silang dalawa ang bahala sa make-up, sa susuotin ko na sandals, sa gagamitin kong bag, sa pag-ayos ng buhok, at ang mga susuotin ko na alahas. Tapos na silang dalawa na mag-ayos at sobrang gaganda nila. Kulay pink ang suot ni Amelia na gown na may may sinturon na puro perlas ang design. Si Allison naman ay kulay blue ang suot na gown na above the knee. May malaking ribon naman 'to sa gilid. Sa tingin ko may pag-asa sila na maging Prom Queen this year. Nahiya nga ako sa kanilang dalawa eh. 5:00 ay kailangan nando'n na kami kaya binibilisan nalang nila akong ayusan. 4:00 na kasi at babiyahe pa kami papunta sa venue kung sa'n gaganapin ang Prom. Nasa kwarto kami ni Amelia at aayusan na nila ako. Hindi kami pwede sa bahay, dahil hindi naman pwedeng makita ni mama ang regalo sa 'kin ni Lulu na gown.

Kailangan din namin mag-suot ng maskara dahil masquerade ang napili nila.

Todo ayos sa 'kin silang dalawa at nilagyan pa nila ako ng contact lens para gumanda lalo ang mata ko.

Pagtapos nilang ayusin ang buhok ko at lagyan ako ng make-up, pinasuot na nila sa 'kin ang 3 inches na takong ni Allison. Pag-suot ko dito ay medyo nahirapan akong tumayo kaya inalalayan nila akong dalawa.

"O.M.G Sahara! You look like a princess!" Sabi ni Amelia habang hinahawakan ang gown na suot ko.

"Alam mo Sahara, may pag-asa kang maging prom queen."

"Ako? Prom queen? Tigilan niyo nga ako." Seryoso kong sabi at tumawa lang silang dalawa.

"Kung mayroon lang talaga akong magic gagawin kong karwahe yung sasakyan na gagamitin natin." Birong sabi ni Amelia. Maganda at pang-sosyal ang sasakyan nila. At 'yon ang gagamitin namin papunta sa venue.

"Loka ka, tara na nga. Baka ma-late pa tayo." Sabi ni Allison.

"Gora na!" Sabi naman ni Amelia at sabay hawak sa kamay ko para alalayan akong lumakad. Hindi kasi ako sanay na naka-takong kaya nahihirapan ako.

Hinatid kami ng papa ni Amelia sa venue kung sa'n magaganap ang promenade.

Nang makarating na kami sa Venue ay isa-isa kaming nagbabaan sa sasakyan. Pero bago kami bumaba ay sinuot na muna namin ang maskara. Kulay itim ang maskara ko. Isa-isa rin kaming kinuhaan ng larawan habang lumalakad kami sa mahabang red carpet. Wow naman! Ang sosyal naman ng prom namin!

Habang lumalakad kami papasok sa loob ng venue ay pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Lagi naman dikit ng dikit sa 'kin si Amelia at sinasabi na nakaka-akit daw ang ganda ko ngayon. Tinulak ko naman siya ng mahina at sinabi ko na silang dalawa 'yon.

Pag-pasok namin sa loob ay may saglit na tumapat na spotlight sa amin. Tinginan naman ang lahat ng tao sa loob sa aming tatlo. May isang tao naman na lumapit sa amin at tinuro sa amin ang dinner table para sa aming tatlo. Agad naman kaming pumunta do'n at umupo.

"Sara? Ikaw ba yan?" Tanong ng isang babae sa 'kin. Kilala ko ang boses niya.

"Yasmin?"

"Sahara ikaw nga! Ang ganda mo ngayon ah!"

"Thanks, ikaw rin kaya!"

Kulay violet naman ang suot na gown ni Yasmin.

"Hey Yasmin right? May extra pa kaming upuan dito, gusto mo dito ka sa tabi ko?" Pagyaya ni Amelia kay Yasmin.

"Sure, thanks."

Actually naikuwento ko na rin sa kanila ang tungkol kay Yasmin kaya kilala na rin nila siya. Nagkwentuhan naman silang tatlo samantala ako ay naka-tingin lang sa entrance at may inaabangan na tao.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now