Chapter 44 "He left again"

200 15 0
                                    

"N-Nosh?" Kabado kong sabi.

"I-Ikaw ba 'yan?"

"Kumusta ka, Ange?"

Parang biglang tumigil ang aking pulso sa sobrang tuwa na si Nosh pala ang lalaking sinasayawan ko ngayon. Hindi rin ako makapaniwala na nakita ko na si Nosh. Parang gusto kong tanggalin ang kanyang maskara at tingnan ang mukha pero 'di ko magawa.

"N-Nosh! B-Bakit ngayon ka lang nag-pakita? Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin na parehas na school pala tayo na pinapasukan? At bakit hindi ka nagpaalam sa 'kin na iiwan mo na pala no'n? Sa'n ka nagpunta dati? Nosh bakit? Bakit?!" Sabi ko habang na-iiyak ako. May halong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Ang lalaking matagal ko ng hinahanap-hanap ay nasa harapan ko na ngayon. Ang lalaking sinasayaw ko ngayon. Ang lalaking inibig ko noon, si Nosh.

"I'm sorry Ange pero alam kong nasaktan kita noon. Pero alam m ba.. Araw-araw, ikaw lagi ang laman ng isip ko" Natigil ako sa pag-iyak nang sabihin niya 'yon sa 'kin.

"Araw-araw kong iniisip na kung ayos ka lang ba o kaya kung nasa maayos kang lagay.. Lagi kitang naaalala.." pahayag niya.

"At alam mo ba.. Alam mo bang gusto kita simula pa no'ng bata pa tayo? At hanggang ngayon Sara, ikaw pa rin ang laman ng puso ko..."

Natulala ako sa sinabi niya at parang gusto kong ipaulit sa kanya ang sinabi niya sa 'kin. Parang gusto kong itigil ang oras at hayaan na gan'to nalang kami ni Nosh. Hindi ko akalain na si Nosh ay may gusto rin pala sa 'kin.

"N-Nosh.."

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ang noo ko.

"I'm sorry and goodbye.."

Bigla siyang umalis at iniwan ako.

"Nosh! Sandali!"

Nakipagsiksikan ako sa mga tao na sumasayaw at hinabol si Nosh. Hindi ako makakapayag na umalis ulit siya. Ayokong iwan niya ulit ako. Ayokong maulit pa sa 'kin ang nangyari sa 'kin dati.

Habol lang ako ng habol sa kanya at wala akong pakialam kung nababangga ko na ang ibang tao na sumasayaw. Nagagalit na nga sila sa 'kin pero nagsosorry nalang ako.

"Nosh!"

Bigla siyang nawala sa paningin ko kaya nataranta ako. Hindi ko na alam kung sa'n siya nag-punta. Hindi ko na siya nasundan pa. Paano na 'to? Iiwan niya na naman ba ako ulit?

"Nosh na sa___" naputol ako sa pagsasalita dahil nagulat ako ng may nabangga ako na waiter. May hawak siya na tubig at natapunan ako nito. Nabasa ang aking suot na gown at nataranta naman ang waiter. Hindi niya alam ang gagawin niya.

"Ma'am sorry po! H-Hindi ko po sinasadya!" Taranta niyang sabi.

"Sorry talaga!"

"Ayos lang."

"Sahara!" Nakita ako ni Allison at nilapitan niya ako. Napansin niya na basa ang aking gown kaya nag-alala naman siya sa 'kin.

"Anong nangyari sa'yo? Tara nga dito!" Hinila niya ang kamay ko.

"Allison hindi mo ako naiinitindihan! Kailangan kong hanapin si Nosh at hindi ako papayag na iwan niya ulit ako!"

"A-Anong sabi mo? Si Nosh?" Pagtataka niyang tanong. Kilala na niya si Nosh dahil naikuwento ko na rin siya sa kanila.

"Nandito siya at sinayaw niya pa ako sa gitna! Sa school din natin siya nag-aaral! Inamin niya rin sa 'kin na simula pa noong bata pa kami ay gusto niya rin ako! Allison please tulungan mo akong hanapin siya!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Naiyak na ako habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Nagmamakaawa ako sa kanya na tulungan niya ako. Wala na akong pakialam kung masira man ang make-up ko. Ang mahalaga ay mahanap ko si Nosh.

"Hey, hey, hey! Kumalma ka!" Sabi niya at sabay niyang tinanggal ang buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"Imposible na makita mo si Nosh, Sara. Kung talagang dito siya nag-aaral at alam niyang ikaw si Angeles, hindi ba dapat matagal na niyang sinabi sa'yo 'yon?" Paliwanag niya. Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Pati nga rin ako sa sarili ko ay hindi makapaniwala.

"Pero gusto ko pa rin siya makita at alamin kung siya ba talaga si Nosh!"

"Teka nga lang! Nakita mo ba ang mukha niya?" Tanong niya at agad naman akong umiling.

"Sahara, marami ng loko-loko ngayon. Malay mo at nagpanggap lang 'yon na siya si Nosh para lang makasayaw ka. Alam mo Sahara pagod ka lang. Halika na! Basa ka oh! Bumalik na muna tayo sa sasakyan nila Amelia at suotin mo ang gown na dinala namin."

Wala na akong nagawa pa dahil hinila niya na agad ako palabas ng venue. Tinawagan niya naman si Amelia at agad naman 'tong lumabas ng venue. Sinabi ni Allison sa kanya ang nangyari sa 'kin kanina. Sinabi niya rin na nakita ko si Nosh at hindi rin naman siya makapaniwala. Hinanap namin ang sasakyan nila. Nang makita na namin 'to ay agad na binuksan ni Amelia ang likod para kunin ang gown na dinala nila. Sinamahan nila akong dalawa na mag-palit ng gown sa CR. Bumalik rin naman kami sa sasakyan pag-tapos kong mag-palit.

"Ano Sara? Ayos ka lang ba? Mukhang pagod ka na talaga eh!" Sabi ni Allison.

"Ano balak mo Sara? Gusto mo na bang umuwi? Kakausapin ko si papa para i-hatid ka sa inyo. Ano?" Sabi naman ni Amelia.

Hindi ako maka-sagot sa kanilang tanong dahil iniisip ko ang nangyari kanina. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na naka-sayaw ko kanina si Nosh. Hindi ko siya makalimutan. Parang sasabog na ang isipan ko kakaisip kung sa'n ko ba siya mahahanap. Nakakainis! Bakit ko pa siya hinayaan na maka-alis? Iniwan niya na nga ako dati tapos iniwan niya na naman ako ulit ngayon? Nakakasawa na!

"Oo nga pala Amelia, bakit hindi mo kasama si Yasmin?" Tanong ni Allison sa kanya.

"Ay nako ayon sinasayaw pa rin si Josh at mukhang may something na silang dalawa. Hindi niya na pala kailangan ang tulong ko." Sabi ni Amelia habang naka-pameywang.

Tiningnan nila akong dalawa at ang mukha nila ay parang naaawa sa 'kin.

"Sahara namumutla ka!" Pag-aalalang sabi ni Amelia sa 'kin. Agad naman akong tumingin sa side mirror ng kanilang sasakyan. Tama nga siya, namumutla nga ako.

"Amelia kausapin mo na si tito at sabihin mo na i-hatid na si Sahara sa kanila."

"T-Teka!"

"No Sahara! Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Pagod ka na at baka kung ano pang mangyari sa'yo. Mas mabuti pa na magpahinga ka na." Sabi ni Allison. Tumahimik nalang ako at hindi na nag-reklamo pa.

Tinawagan ni Amelia ang kanyang papa at agad naman 'tong pumunta. Sinabi ni Amelia sa kanya na i-hatid na ako sa bahay kahit na ayoko pa. Wala na rin naman akong magagawa pa dahil parang nawawalan na rin ako ng gana. Wala na akong energy.

Nagpaalam na ako kila Allison bago kami umalis ng dad ni Amelia. Safe kaming nakarating sa bahay namin. Pagbaba ko ng sasakyan ay nagpasalamat at nagpaalam na ako sa dad ni Amelia. Iniwan ko ang gown na regalo sa 'kin ni Lulu sa sasakyan. Sabi kasi ni Amelia na siya na daw ang bahala sa gown ko. Pagpasok ko sa bahay ay agad naman akong nilapitan ni mom. Nag-alala siya sa 'kin dahil sa itsura ko.

Sinabi niya sa 'kin na magpahinga na ako sa kwarto ko. Agad naman akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama kahit na naka-suot pa rin ako ng gown. Tinanggal ko na rin ang sash at korona sa ulo ko. Itinabi ko 'to sa gilid ng kama ko.

Pinikit ko ang aking mata at biglang pumasok sa isipan ko ang pagkikita namin ni Nosh kanina. Kahit na saglit lang kaming nagkasama kanina ay ramdam na ramdam ko na siya talaga si Nosh. Iniisip ko kung ano na kaya ang itsura niya ngayon. Wala pa rin kaya nagbabago sa itsura niya? Siya pa rin ba si Nosh na nakilala ko dati? O iba na siya ngayon?

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now