Chapter 11 "Fake News"

291 17 2
                                    

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong nag-almusal. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Wala rin akong naiisip na pwedeng gawin ngayong araw na 'to, kaya matutulog nalang ako buong araw.

"Sara!"

"Po?"

"Tara dito!"

Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa hagdan. Pumunta ako sa kusina kung na saan si mama. Nakita ko siyang naghahalukay sa ref. "Anong ginagawa mo diyan mom?"

"Ay nandito ka na pala, oh 'to." May inilapag siyang papel at pera sa lamesa. Akala ko naman makakapagpahinga ako ngayong araw na 'to, hindi naman pala.

"Pumunta ka sa grocery at bilhin mo lahat ang mga naka sulat sa papel"

"Hays.. Yes mom.."

Kinuha ko ang pera at papel at inilagay ko 'to sa bulsa. "May 200 pa diyan na matitira, bilhin mo nalang kung ano ang gusto mo.."

"Talaga mom? Salamat", sabi ko at sabay hinalikan siya sa pisngi. Dali-dali akong pumunta sa kwarto para maligo at mag-bihis.

Nagpaalam na muna ako kay mom bago umalis sa bahay. Pumunta agad ako sa grocery para bilhin lahat ang mga naka-sulat sa papel.

Habang kumukuha ako ng mga pagkain, may mga babaeng nagbubulungan sa likod ko.

"Diba siya 'yon?"

"Oo nga siya 'yon, oh my gosh.. Ang tapang niya naman mag-grocery pagtapos na nangyari kahapon sa klase nila.."

"Ang kapal ng mukha, tsk. Tsk. Tsk"

Usap-usapan ng mga babae sa likod ko. Hindi ko alam kung ako ba ang pinag-uusapan nila o hindi.

Nakumpleto ko na ang lahat ng bibilhin ko na naka sulat sa papel.

Pumunta na ako sa cashier para mag-bayad pero hanggang ngayon, may naririnig pa rin akong usap-usapan.

"Siya ba yung nakita mo sa news feed?"

"What? Where? --- Oo nga! Siya nga 'yon bess, hindi ako pwedeng magkamali!"

"Grabe naman siya, hindi na siya nahiya.."

Sino ba talaga ang pinag-uusapan nila? Ako? Yung taong nasa likod ko? Pero bakit ganon? Bakit parang naka tingin sila sa akin? Ano bang mayroon?

Lumabas na ako sa grocery para umuwi na. Naisip ko na hindi ko nalang gastusin ang natirang 200, pandagdag ko nalang 'yon sa naipon ko. May mga barya pa nga eh!

"Girl siya 'yon diba?"

"Ang lakas naman ng loob niya.."

"Ang kapal naman ng mukha ng isang 'to.."

"Nakakahiya naman siya.."

Bakit lahat ng tao na nadadaanan ko ay laging tinitingnan ako at lumalayo sila sa akin? Mabaho ba ako? May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganon sila sa akin?

Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'to sa bulsa at nakita kong tumatawag sa akin si Allison. Ano naman kaya kailangan nito sa akin?

"Hel---"

"Sara! Ano bang ginagawa mo? Anong nangyari sa'yo? Ano 'tong kumakalat sa Facebook?!" Kumakalat sa Facebook? Oo nga pala, hindi pa ako nakakapagbukas ng Facebook ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin ni Allison?

"Anong mayroon?"

"Gaga ka talaga! Hindi ka pa ba nagbubukas ng Facebook mo hanggang ngayon?"

"Hindi pa.."

"Magbukas ka na! Now na! At tingnan mo, may post si Kaesha na naka-tag sa'yo!"

Pinatay ko na agad ang tawag niya at agad na nag-bukas ng Facebook. Agad na bumungad sa akin ang 78 notifications, 26 messages at 187 friend request. Ngayon lang ako nakatanggap ng gan'to karami. Pumunta ako sa timeline ko para tingnan kung ano ang sinasabi ni Allison na post ni Kaesha na naka tag sa akin.

"Kilala niyo ba si Athena Sahara Mihaela? Yes yung naka tag? Napaka sama niyan! Matagal ko na siyang kaibigan pero ngayon lang namin nalaman na pinaplastic niya lang kami. Lima kaming magkakaibigan at lahat kami ay mababait sa kanya. Hindi namin akalain na magagawa niya kaming traydorin kanina. Kanina kasi sa classroom, nalaman ng teacher namin sa Filipino na nagkokopyahan kami ng assignment. Yes karamihan sa amin ay pare-parehas ng sagot. At alam niyo ba kung kanino galing ang mga sagot namin? Walang iba kundi kay Sara. Ayaw namin kumopya sa kanya pero pinipilit niya kami kaya wala na kaming nagagawa. Bawat kaklase namin na walang assignment, pinapakopya niya. At alam niyo ba kung ano ang kapalit? Ang ilibre siya tuwing recess. Ang kapal ng mukha noh? At 'yon na nga, nahuli kami ng teacher namin. Pinatayo lahat kami na magkakaparehas ng sagot. Tinanong kami kung sino ang taong kinokopyahan namin at tumayo naman si Sara. Hindi namin inaasahan na magsisinungaling siya. Sinabi niya sa aming lahat na isa sa mga kaibigan ko ang nagpapakopya sa aming lahat tuwing may assignments kami. Naniwala naman sa kanya ang teacher namin kaya isa sa mga kaibigan ko ang napagbintangan. Pinatawag siya sa Principal office at balak ng Principal na palipatin siya ng ibang section. Hinintay namin na kausapin o mag-sorry sa amin si Sara pero hindi nangyari. Kami nalang ang kusang lumapit sa kanya para tanungin siya kung bakit niya nasabi 'yon. At ang ikinagulat namin ay wala daw siyang pakialam at wala daw kaming mga kwentang kaibigan. Halos maluha kami ng sabihin niya 'yon sa amin. Hindi namin alam na 'yon pala talaga ang tunay na ugali niya. At ngayon, hindi na namin alam ang gagawin namin dahil next month, lilipat na ng section ang kaibigan namin. Isa lang ang masasabi namin sa'yo Sahara, sana umamin ka at sabihin mo ang totoo"

A-Ano 'to? Bakit? Bakit binaliktad nila ang pangyayari? Bakit ako ang pinagmumukha nilang masama? I just told them the truth? Why? Bakit ganito sila sa akin? Grabe na sila sa akin.. Hindi ko na talaga sila kaya.. Sumusobra na talaga sila..

Wala man lang ako kaalam-alam na ako pala ang pinag-uusapan ng mga tao sa paligid ko. Para naman akong tanga na tinatanong ang sarili ko na kung sino ang pinaguusapan nila. Kaya pala dumami ang friend request, messages at notifications ko dahil sa post ni Kaesha. Famous si Kaesha kaya malamang marami na ang nakakaalam tungkol sa fake news na 'yon. Ang sakit sa damdamin na ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan sa kanilang apat ay siya palang sisira sa pagkatao ko.

Dali-dali akong tumakbo at lumayo sa mga taong kanina pa ako pinag-uusapan. Pumunta ako sa bahay ni Amelia dahil alam kong nandoon din sa bahay nila si Allison.

Binuksan ng kasambahay nila ang gate at pinapasok ako. Mag-hintay lang muna daw ako at tatawagin niya si Amelia sa kwarto niya. Wala pang ilang minuto, nandito na agad silang dalawa. Naiyak nalang ako bigla ng yakapin nila akong dalawa.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon