Chapter 27 "Smile"

254 17 1
                                    

ft. Guardian Angel by Leah West

Nahimas-masan na si Shaun ng kaonte kaya pumunta na kami sa likod ng bahay niya kung sa'n mayroong maliit na kubo. Hindi kami makakapasok sa bahay niya dahil nasa kuya niya ang susi. Pansamantala muna kaming sumilong sa maliit na kubo. Buti nalang may isang jacket sa lamesa at nakalimutan daw 'tong kunin ni Shaun kanina. Sinuot ni Shaun ang kanyang jacket at samantala ako ay nagtitiis sa lamig.

Naka-upo kami sa lapag at hinihintay na tumila ang ulan. Buti nalang may ilaw dito kaya hindi kami nangangapa sa dilim.

Naka-tingin lang ako kay Shaun at awang-awa na talaga ako sa kanya.

"Shaun... A-Ayos ka na ba?" tanong ko. Tiningnan niya lang ako saglit at hindi sumagot sa tanong ko. Tanga ka ba Sahara? Anong klaseng tanong 'yon? Malamang hindi ang sagot!

Ano bang pwedeng gawin para pigilan ang kanyang lungkot na nadarama? Paano?

Little baby up in heaven says to God
"Do I really have to go?"
God replies "Yes it's your time to leave
But don't you worry you won't be there alone

Hindi ako maka-isip kung ano ang pwede kong gawin para i-comfort siya kaya kumanta nalang ako.

You see there's someone who's been waiting for you
Quietly hoping and praying
For your sweet and safe arrival
Down on earth

Everyone is born with a guardian angel
And on her wings she'll let you soar
Higher than you thought was possible
She'll love you and protect you like no other
And your guardian angel has a name
You can call her mother

Tiningnan ko si Shaun at nakita ko siyang naka-tingin rin sa 'kin. Siguro naguguluhan siya kung bakit ako kumanta. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot na nadarama niya. Huminga na muna ako ng malalim bago mag-salita.

"I was saddened to hear that your mother passed away. My heart aches for you and your family. I don't know what kind your mother she was but I think she's such a lovely, great and amazing person. Although I don't know what exactly to say, but I want you to know that I'm here with you and wishing you peace and comfort. I know na mahirap pero 'yon ang paraan para labanan lahat ng 'yan. I feel your struggle and pain, just please be strong. Hindi lang ikaw ang ganyan ang buhay, hindi lang rin ikaw ang nahihirapan, hindi lang rin ikaw ang nawalan ng mahal sa buhay. Palayain mo yung sarili mo sa pighati, galit, takot o kung ano man na pumipigil sa'yo, dahil sarili mo lang ang makakaalam non kung pa'no ka magiging tunay na masaya. Alam mo sabi ng mama ko, kapag namayapa na daw ang isa sa mga mahal mo sa buhay, hindi ka dapat maging malungkot. Kasi alam mo kung bakit? Masaya na sila dahil tapos na sila sa misyon nila dito at hindi na sila muling mahihirapan pa. Tiwala lang sa sarili na kaya mo. Just keep on praying, sabihin mo lahat kay God ang nararamdaman mo. My condolences.. But please be strong." Pagtapos kong sabihin ang lahat ng 'yon ay huminga ulit ako ng malalim.

Nakita ko siyang yumuko at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay at sabay na..

"Salamat, Sahara.." sabi niya sa 'kin at ang mas ikinagulat ko ay ang simpleng pag-ngiti niya ng sandali habang naka-tingin siya sa 'kin. Hindi ko inaasahan na magpapasalamat siya sa 'kin at kahit na saglit ko lang siyang nakitang ngumiti. At least nakita ko ang kanyang ngiti. Mas lalo siyang gumwapo nang ngumiti siya. Kailan ko pa kaya ulit makikita siyang naka-ngiti? Hindi ko akalain na mapapangiti ko si Shaun ngayong araw na 'to. Sana mapabago ko na talaga siya.. Sana...

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now