Chapter 58 "Accident"

196 16 0
                                    

"Ange.. A-Ako si... Nosh.." sabi niya at sabay siyang nawalan ng malay.

Nabitawan niya ang pisngi ko pero agad ko naman 'tong nahawakan. Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng aking mga luha. Wala na siya.. Wala na ang lalaking parating nandito sa tabi ko.

"Shaun?"

Binanggit ko ang pangalan niya at hindi ko alam ang aking gagawin. Tinapik ko ng tinapik ang kanyang balikat pero hindi siya gumigising.

"Shaun?!"

Pinakiramdaman ko kung may pulso pa siya.. Pero... Wala... Wala akong maramdaman... Napaka-putla niya dahil sa maraming nawalang dugo.

"Hindi Shaun! Hindi mo ko pwedeng iwan!" Binigyan ko siya ng CPR. Paulit-ulit kong ginagawa ang CPR pero hindi pa rin siya nagkakaroon ng pulso. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan at pinagpapawisan.

"Shaun please! Lumaban ka! Wake up!" sabi ko at pinagpatuloy pa rin ang pagCCPR sa kanya.

"Shaun! Tulong! Tulungan niyo ako! Shaun!"

Parang gumuho ang mundo ko dahil wala na talaga akong magawa pa. Wala na akong pag-asa.

"Shaun! Please wake up! Don't leave me! Shaun!"

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Nasa operating room na si Shaun. Ginagawa lahat ng doctor ang makakaya nila. May isang sasakyan ang dumaan sa kalsada kanina at nakita nila kami. Tinulungan nila ako na dalhin si Shaun sa ospital. Pinagamit din nila ako ng phone kaya nagawa kong kontakin si Luther. Pupunta daw agad sila dito sa ospital at maghintay lang daw ako.

Nandito ako sa waiting shed habang iniisip ang nangyari kanina. Kitang-kita ko kung paano masagasaan si Shaun ng truck. Ako dapat ang nandoon. Ako dapat ang nag-aagaw buhay hindi siya. Paano ko 'to sasabihin sa pamilya niya? Paano ko sasabihin kina Luther na kasalanan ko kung bakit siya nasagasaan? Buwiset! Dapat ako nalang kasi ang nandoon. Ako dapat ang ginagamot ng mga doctor ngayon.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at parang wala ako sa sarili ngayon. Wala akong iniisip na iba kun'di si Shaun lang.

"Sara!"

Isang lalaki ang tumawag sa pangalan ko at alam ko kung sino 'yon.

Nakita kong tumatakbo si Luther papunta sa 'kin kasama pa ang iba. Lumapit sa 'kin si Luther at humarap sa 'kin.

"Sara ayos ka lang?"

May binabanggit siyang salita pero hindi ko marinig. Wala pa rin ako sa sarili.

"Hey? Are you alright?" pagtataka niyang tanong sa 'kin. Hindi ko namalayan na lumuluha na naman pala ako. Tiningnan ko si Luther sa mata at niyakap siya.

"It's all my fault.. N-Nasagasaan siya imbes na ako.. I'm sorry.. S-Sorry Shaun.."

"Sshhh.. Tahan na.."

"Luther.. S-Si Shaun at Nosh.. ay iisa.. Gusto ko pa siya makasama.. G-Gusto ko pa siya maka-usap.. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya.."

Hindi ko alam ang pinagsasabi ko. Siguro nadala na rin ako sa damdamin ko. Oo, mahal na mahal ko si Shaun. At mas lalo pang lumalim ang pagmamahal ko sa kanya nang malaman ko na siya si Nosh. Alam kong nasaktan ko ang damdamin ni Luther nang malaman niya na mahal ko si Shaun. Alam kong may feelings pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon. Pero ang importante, magkaayos na kami ni Luther ngayon. At ang isa pa, ang gumaling si Shaun.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon