Chapter 43 "Who will be the Prom Queen and King"

227 18 1
                                    

Sa wakas ay natapos ko na rin na kumanta. Gumaan na ang pakiramdam ko at tuwang-tuwa ako sa sarili ko dahil nagawa ko 'to ng maayos.

"What a beautiful voice you have! Your voice is soulful, I love it! Thank you Ms.Mihaela.." Sabi ng emcee.

Nag-sara na rin naman ang kurtina at bumalik na ako sa backstage. Nakita ko agad si Lulu na hinihintay ako.

Nang makita niya na ako, nginitian niya ako at hindi siya makapaniwala sa 'kin.

"Sobrang galing mo! Sabi ko naman sa'yo eh! Kaya mo 'yan!" Sabi niya at nagtawanan naman kaming dalawa.

Inihatid niya ako kila Allison kung sa'n ang pwesto namin kanina. Nang maka-punta na kami do'n ay agad naman akong niyakap nila.

"Ang galing mo Sahara!" Sabi ni Yasmin.

"Alam mo kung kami 'yan ni Amelia, jusko kanina pa kami naihi niyan sa sobrang kaba."

"Yeah right."

Natawa naman kaming apat sa biro ni Allison. Pinakilala ko na rin si Yasmin kay Lulu pero hindi ko sinabi na step-sister siya ni Kairos.

Mayamaya, may biglang tumawag sa phone ni Lulu.

"Sandali lang, sagutin ko lang 'to." Paalam sa amin ni Lulu. Hindi naman siya nag-tagal at agad rin naman siyang bumalik.

"Sino 'yon?" Pagtatakang tanong ni Amelia sa kanya.

"Si Coach." Malungkot niyang sabi. May nangyari na naman siguro sa coach nila.

"Sinugod na naman ba siya sa hospital?" Tanong ni Allison at tumango naman sa kanya si Lulu. Sabi ko na nga ba may nangyari na naman sa coach nila. Dapat kasi nagpapahinga nalang siya.

"I'm sorry Sahara pero kailangan ko ng umalis. Sayang talaga, gusto pa naman sana kitang i-sayaw ngayong gabi. Gusto ko pa naman sana na ako ang maging last dance mo." Malungkot niyang sabi.

"Ok lang Lulu ano ka ba. At least narinig mo na rin akong kumanta."

"Kaya nga eh.. Sige na alis na ako! Kayo ng bahala kay Sahara ha!" Sabi niya kila Allison bago siya umalis.

Umupo nalang kami sa upuan namin at nagkuwentuhan nalang kaming apat.

"Good evening everyone! Nag-enjoy ba kayo ngayong gabi?!" Masiglang pahayag ng lalaking emcee na nasa stage. Sumagot naman kami ng "Opo" sa kanya.

"But before this end, may we call up here the nominees to be our Prom Queen and King this school year!" Excited na excited ang lahat dito na malaman kung sino ang magiging Prom Queen at King.

"Kapag narinig niyong tinawag namin ang pangalan niyo, please do join us here in stage." Sabi naman ng babaeng emcee.

"Unahin muna natin ang mga nanominate to be our Prom king!" Tatlong lalaki ang tatawagin nila, 2nd and 1st runner up and Prom King. Ganon din sa babae. Sa tingin ko ay may pag-asa talaga sila Allison na maging Prom Queen.

"Mr.Liam Flazer!" Hiyawan naman lahat ng babae na tagahanga sa kanya. Isa sa mga kaibigan ni Kairos si Liam kaya kilala rin siya dito ng maraming tao.

"Mr.Joshua Limar!" Nagulat nalang kaming tatlo nila Allison at Amelia dahil biglang humiyaw si Yasmin. Todo hiyaw siya dahil natawag ang crush niya.

"Oh my gosh Yasmin crush mo si Joshua?"

"Oo eh.." Pabebeng sagot nito.

"Don't worry, tropa kami niyan at akong bahala sa'yo."

"Talaga? Salamat Amelia!" Todo kilig naman 'tong si Yasmin. Ito talagang si Amelia. Hays..

Nasa stage na sina Liam at Joshua. Hinihintay nalang namin kung sino ang panghuli na tatawagin. Sa tingin ko, siya na 'yon.

My Door of HappinessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz