Chapter 53 "Forgive"

194 10 0
                                    

"Becuase you're special to me.."

Hindi ako nakapagsalita nang sabihin niya 'yon sa 'kin. Wala akong masabi. Tinitigan ko lang siya hanggang sa na-isipan ko nalang na umalis. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya at balak kong pumunta nalang sa clinic. Ramdam ko na sumusunod pa rin siya sa likod ko. Nang lingunin ko siya, bigla siyang napahinto at tiningnan lang ako.

"Huwag mo kong sundan!"

"Aalis ako 'pag nasa clinic ka na"

Wala na akong nagawa kaya sinimulan ko ulit ang paglalakad hanggang sa maka-pasok na ako sa loob ng clinic. Pumasok din si Shaun sa clinic at napansin namin na walang tao sa loob. Humiga nalang ako sa kama at naisipan kong mag-hintay nalang ng nurse na gagamot sa 'kin.

Ang tahimik ng buong paligid at tanging kami lang dalawa ni Shaun ang nasa loob ng clinic. Aalis palang sana si Shaun nang pigilan ko siya. Hindi ko alam ang dahilan pero natatakot ako na mag-isa lang dito sa clinic.

"Huwag ka muna umalis.. Dito ka muna.. Nakiki-usap ako.."

Sinira niya ang pinto at naghanap ng upuan. Nang maka-kuha na siya ng upuan, tumabi siya sa 'kin.

"Salamat.." sabi ko sa kanya.

"Pahinga ka na.. Mayamaya, darating na rin yung nurse.. Huwag ka mag-alala.."

Tumango nalang ako sa kanya at pinikit nalang ang mata para matulog na.

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Pag-mulat ko ng aking mata, may nakita akong isang batang lalaki sa harapan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Nosh..

"Ange.. Malapit na.. Kaonteng tiis nalang.." pahayag niya at sabay akong nginitian.

Bigla akong nagising ng may maramdaman akong naka-hawak sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino, walang iba kun'di si Shaun. Nasa clinic pa rin kami at hanggang ngayon ay wala pa rin na dumadating na nurse.

Akala ko iniwan na ako ni Shaun, hindi pa pala. Binantayan niya talaga ako at sinigurado na ligtas ako.

Tinitigan ko ang maamong mukha ni Shaun na natutulog. Hinawakan ko ang kanyang buhok at sinuklay ito ng dahan-dahan.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin? Bakit mo ko pinagtatanggol? Ano ba ako sa'yo? Sino ka ba talaga?" bulong ko sa sarili ko.

Naramdaman ko na parang gising na siya kaya nagpanggap ako na natutulog.

"Huli ka na.." pahayag niya.

Binuksan ko ang aking mata at nakita ko siyang naka-titig sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko at tumingin nalang sa ibang direksyon.

"Gising ka na pala.." sabi ko.

"Mukhang walang nurse ang magbabantay sa'yo dito", pahayag niya.

Tumayo siya at pumunta sa cabinet kung sa'n nakalagay ang mga gamot. Pag-balik niya, may dala-dala na siyang first aid kit.

"Ako na mag-gagamot sa'yo at huwag ka mag-reklamo pa"

"Huh?! Uhmm.. Sige, salamat.."

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now