Chapter 48 "Feelings"

189 13 0
                                    

Athena Sahara Mihaela POV

Nagising nalang ako nang may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa paligid ko. Napansin ko ang uniform nila. Hindi 'to ang uniform namin kun'di ang uniform ng school ni Lulu. Mas lalo akong naguluhan nang malaman ko kung na saan ako, nasa school ako ni Lulu.

A-Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari sa 'kin?

Tiningnan ko ang sarili ko. Naka-handusay ako sa kalsada sa labas ng school ni Lulu. Ang dalawang kamay ko naman ay may tali na naka-kabit sa isang sasakyan. Nang makita ko ang sasakyan, saka ko nalang naalala ang nangyari kanina.

Tumayo ako at nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Giezell sa likod ko. Masama ang tingin niya sa 'kin pero bigla nalang siyang ngumiti na parang may balak na gawin sa 'kin.

"G-Giezell... Ano 'to? Pakawalan mo ako!"

"No!" Diretso niyang sagot sa 'kin.

"Please Giezell, huwag ka naman gan'to oh! Pag-usapan natin 'to.." Pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Lumapit siya sa sasakyan at kinausap ang dalawang lalaki sa loob ng sasakyan. Sila yung lalaki kanina na sinuntok ako sa mukha at tiyan dahilan para mawalan ako ng malay kanina. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pananakit ng pisngi ko at ng tiyan ko sa ginawa nila sa 'kin kanina.

Pagtapos niyang kausapin ang dalawang lalaki sa loob ng sasakyan, lumapit siya sa 'kin.

"Giezell maawa ka.."

"Maawa? Dapat ba akong maawa sa isang tulad mo? HELL NO!" Sabi niya sa 'kin na may pagdiin ng boses.

"Naawa ba kayo ni Luther sa 'kin? 'Diba hindi? Kaya hindi ako maaawa sa'yo kahit na anong gawin mo! Ipaparanas ko sa'yo kung gaano ako nag-hirap at nasaktan nung iniwan ako ni Luther!"

Hanggang ngayon ba ay ako pa rin ang sinisisi niya sa paghihiwalay nilang dalawa ni Lulu? "Giezell wala akong kinalaman sa paghihiwalay ninyong dalawa ni Lulu. Kaya please! Itigil mo 'to!"

"Wala? Are you really that stupid? Nagbubulag-bulugan ka ba?! Napaka-manhid mo Sara! Ikaw ang pinili sa 'ting dalawa ni Luther at alam mo kung bakit? Dahil ganon ka ka-halaga at ka-mahal ni Luther!"

Nagulat ako sa sinabi ni Giezell sa 'kin. Mahal? Mahal ako ni Luther? Oo mahal niya ako bilang kaibigan. Pero yung sinabi ni Giezell sa 'kin.. Parang may ibang meaning..

"Giezell.."

"Alam mo, sobrang tanga ni Luther. Sinasayang niya ang oras niya sa isang babae na worthless, ugly, poor, and coward like you Sahara. I hate him! I hate you too!" Sabi niya habang nagpipigil siya ng galit sa 'kin. Naiyukom niya ang kamay niya at sinamaan ako ng tingin. Sobrang laki talaga ang galit niya sa 'kin. Ano pa bang magagawa ko sa kanya? Sa tingin ko wala na.. Malabong maayos ko pa 'to. Sobrang labo. Ang hinihiling ko nalang ay mahanap ako nina Luther at Kairos. Sana dumating na sila.. Sana maabutan nila ako..

Tiningnan ko ang kamay ko. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung bakit naka-tali ang kamay ko sa likod ng sasakyan.

"What are you going to do?"

"Just wait and see.." sabi niya ng naka-ngisi.

"Oh my gosh.. Papaandarin ba nila ang sasakyan habang naka-tali ang babae do'n"

"I think so.."

"But what if she dies?"

Usapan ng mga estudyante sa paligid namin ni Giezell. Hinawakan ni Giezell ang kamay ko at mas lalo pang hinigpitan ang tali nito. Pinahaba niya pa ng kaonte ang tali nito.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now