Chapter 3 "Tune up"

387 22 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school. Hindi na kami nagkasabay pa ni Kaesha na pumasok dahil hindi siya maagang pumasok ngayon. Mabilis din naman natapos ang klase kaya umuwi na ako. Pero bago pa man ako maka uwi, naka salubong ko si Lulu na nag-aabang sa gate ng school. Susunduin na naman ba ako nito? Para siyang si kamatayan.. Hays.. Pero buti nalang hindi ko kasabay ngayon sila Zenith dahil kung hindi, baka pinagkaguluhan na naman ng mga 'yon si Lulu.

"Antena!"

"Lulu? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na susunduin mo ako?"

"I sent you a message earlier, you haven't seen it yet?" May message pala siya sa 'akin? Bakit hindi tumunog yung cellphone ko?

Kinuha ko sa bulsa ng palda ang cellphone ko. Kaya naman pala hindi tumunog ang cellphone ko kasi naka patay. Hindi pala ako naka pag charge kagabi.

"Lowbat pala ako, hehehe! Sorry about that, but ano ba yung message mo sa 'akin?"

"Gusto ko sanang manood ka ng laban namin mamaya, sige na oh! Please!" pahayag niya habang nagpapacute siya sa akin. Laban pala nila ngayon. Hindi man lang ako na inform tungkol dito. "As in laban niyo na talaga? Now na?"

"Nope, I mean tune up lang"

"Ahh so gusto mo ako manood sa inyo? I'm sorry but I can't, marami akong gagawin sa ngayon. Marami kaming assignment, project and etc", palusot ko. Actually ayoko na talaga ang sports. Volleyball player kasi ako dati noong elementary pa ako. Nagsimula akong mag-laro ng volleyball since grade 3 pa lang ako. Noong grade 4 ako, yung oras na ng laban namin, may nangyari na hindi ko inaasahan na mangyari. I stopped paying volleyball at naging hate ko na ang sports.

"If you don't want to go, just say it", malungkot niyang pahayag. Hindi nalang ako umimik at niyuko ko nalang ang ulo ko. "Hindi mo pa rin ba makalimu--", hindi ko siya pinatapos na mag-salita.

"Enough, past is past.. At wala na rin naman akong magagawa"

"Hmm.. Ahhh! Alam ko na kung paano ka makukumbinse. Gusto mong ilibre kita?" nabuhayan ako ng dugo ng marinig ko ang salitang LIBRE. Actually mahilig ako magpalibre, lalo na pagdating sa mga pagkain. Food is life kasi ako. "Sure! Manonood lang naman 'diba? No problem!" Pagsang-ayon ko sa gusto niya kahit na ayoko. Well wala na rin naman akong magagawa, at saka manonood lang naman. Manonood ka na nga lang, libre ka pa. Oh saan ka pa?

"But.. Kapag natalo kami ako ang manlilibre sa'yo. At pag nanalo kami, syempre ikaw ang manlilibre sa 'kin." A-Ano?! May pahabol pa pala.. Pero ok lang naman 'yon, pag nanalo sila tatakasan ko nalang siya. Hahaha!

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Nasa Court na kami at hinihintay nalang na mag-simula ang laban. Marami rin naman ang tao dito. Syempre sino ba naman hindi matitiis na hindi manood ng laban na 'to. Ang dami kayang hot dito, tulad nalang ni Lulu. Naghahanda na si Lulu at ang iba pa niyang ka-miyembro. Samantala naman ako ay naghahanap ng pwedeng ma-upuan. Nagulat at nataranta nalang ako ng makita ko dito si Shaun. May bag sa tabi niya at umiinom rin siya ng cokefloat. Anong ginagawa niya dito? Nandito rin ba siya para manood? Or may kakilala siya dito?

"Shaun?"

Nilingon niya ako pagtapos kong tawagin ang kanyang pangalan. Tumigil siya sa paginom ng cokefloat at tinitigan ako mula baba hanggang taas. Lumapit ako sa kanya at huminga na muna ako ng malalim bago mag-salita.

"Can I sit beside you?" tumango nalang siya bilang sagot. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kaya umupo na ako sa tabi niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

My Door of HappinessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant