Chapter 55 "Secrets"

188 12 0
                                    

Shaun Hayden Zacharias POV

Lumiko na ako at nagpaalam na kay Sara. Hindi ko alam kung magiging ok ba siya kung hahayaan ko siyang umuwi ng mag-isa. Mabuti nga nag-kita kami sa grocery. Mas maganda 'yon para may kasama siya. Nasungitan ko siya nung pag-abot ko ng gatas. Ang totoo niyan 'di ko talaga 'yon bibilhin. Inabot ko talaga 'yon para sa kanya.

Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may nagpigil sa sarili ko na iwanan si Sara. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na huwag siyang iwan pero parang may kutob ako na may mangyayari na hindi maganda kapag iniwan ko siyang mag-isa. Hindi ako lagi mapakali sa tuwing naiisip ko na mag-isa si Sara. Lagi akong nag-aalala at kung anu-ano ang mga pumapasok sa isipan ko.

"Bahala na.. Mukhang kaya niya naman sarili niya.. Wala na dapat akong ipag-alala pa." Sabi ko at sabay na huminga ng malalim.

Hahakbang palang sana ako nang may narinig akong boses ng mga lalaki. Binalewala ko nalang 'yon hanggang sa..

"SHAUN! TULONG! TULUNGAN MO A__"

Narinig ko ang boses ni Sara. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba. Mukhang may nangyayari na masama sa kanya kaya hindi ako nag-dalawang isip na tumakbo papunta sa kanya.

"Sara?" banggit ko sa pangalan niya ng makita ko siya na buhat-buhat ng mga kalalakihan. Nang makita nila ako, dali-dali nilang pinasok sa loob ng van si Sara.

"Sara!"

Binilisan ko ang takbo pero huli na ako. Mabilis na pinaandar nila ang sasakyan at hindi ko na sila naabutan pa.

Fuck! Kasalanan ko 'to! Dapat hindi ko siya hinayaan na mag-isa! Sabi ko na nga ba hindi siya ligtas kapag siya lang mag-isa. Buwiset! Anong gagawin ko ngayon? Paano ko malalaman kung sa'n nila dinala si Sara?

ring-ring-ring

Nakuha ng atensyon ko ang cellphone na nasa kalsada. Agad ko 'tong kinuha at alam kong cellphone ito ni Sara. Agad kong sinagot ang tawag at..

"Hello? Sara? Buti nalang ligtas ka! Asan ka? Sabihin mo, pupuntahan ka namin agad ni Kairos!" Isang boses ng lalaki ang aking narinig. Anong ibig niyang sabihin na ligtas si Sara? Alam niya bang may mangyayaring hindi maganda kay Sara?

"Hindi 'to si Sara.." sagot ko.

"A-Ano? Sino ka? Sa'n mo siya dinala? Anong ginagawa mo sa kanya?! Bakit na sa 'yo ang cellphone ni Sara! Ibalik mo 'yan sa kanya!"

"Una, hindi ako ang kumidnap kay Sara. Pangalawa, nahulog niya ang cellphone niya. At pangatlo, kaklase niya ako." Mahinahon kong sagot sa kanya.

"Kung ganon na sa'n siya?"

"Sasabihin ko nalang sa 'yo kapag nagkita na tayo. Itetext ko ang lugar kung na saan ako ngayon." sabi ko at sabay siyang binabaan. Agad kong sinend sa kanya ang lugar kung na saan ako ngayon.

Hindi rin nagtagal, may dalawang lalaki at dalawang babae na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko ngayon.

"What the-- Shaun?" sabi ng babaeng kaibigan ni Sara, si Allison. Kasama niya si Amelia na gulat na gulat na makita ako. Kilala ko ang isang lalaki na kasama niya, si Kairos. At ang isa naman ay.. Teka.. Bakit gan'to? Bakit ang pamilyar ng mukha niya sa 'kin? Nakita ko na ba siya noon?

Magkatinginan kaming dalawa at pati siya at parang nakikilala ako.

"Na saan si Sara?"

"Sinakay siya ng mga lalaki sa isang itim na van. Doon sila dumaan." sabi ko at sabay turo sa daan.

"Paano na 'to?! Paano natin maliligtas si Sara kung hindi natin alam kung saan siya dinala?" pag-aalalang tanong ni Kairos. Bigla naman kaming napa-isip kung paano nga ba siya maliligtas.

"Sa tingin ko, may makakatulong sa 'tin"

"Sino?" pagtatakang tanong nila sa 'kin.

Sinabi ko sa kanila ang dalawang tao na makakatulong sa amin. Agad naman kaming pumunta at umaasa na matutulungan nila kami.

Kumatok ako sa pinto at nakita ko ang itsura nina Amelia at Allison na waring nagtataka. Alam kong alam nila ang bahay na 'to.

Biglang nag-bukas ang pinto at lumabas ang isang kong kaibigan sa higher section, si Vincent.

"Hoy Shaun? Bakit naparito ka? May kai---" naputol siya sa pagsasalita nang makita niya si Allison. "Love? Magkakilala kayo?" Gulat na gulat na tanong ni Allison.

"Hoy! Sino ba 'yan?" tanong ng isa ko pang kaibigan na lumabas rin ng bahay, si Yoki.

"Shaun? Hoy! Anong ginaga---" napatigil din siya sa pagsasalita nang makita niya sa likuran ko si Amelia.

"Babe? A-Ano.." Gulat na gulat rin na sabi ni Amelia.

"Magkakilala kayong tatlo?" pagtatakang tanong sa amin ni Allison.

"Long story.. Siya nga pala, ano kailangan niyo?" sabi ni Yoki.

"Kailangan namin ang tulong niyo.." sabi ni Amelia.

"May dumukot sa kaibigan namin. At kailangan namin malaman kung sa'n nila dinala si Sara," pahayag ni Allison. Agad na napa-lingon sa 'kin ang dalawa kong kaibigan dahil sa narinig nilang pangalan. Kilala nila si Sara dahil lagi ko sa kanila kinukuwento siya.

"Ganon ba? Walang problema.. Pasok kayo.."

Pumasok na kami sa bahay at dinala nila kami sa isang kuwarto na puno ng computer.

"Babe, bakit sobrang daming computer ang nakalagay dito?"

"Uhmm.. Kasi babe.."

"Hacker kayo?" pagtatakang tanong ni Kairos.

"Ganon na nga pero huwag kayo mag-alala. Sa mabuting gawain naman namin 'to ginagawa." sagot ni Yoki sa kanila.

"By the way, saang lugar ba nangyari?"

Sinabi ko sa kanila kung saang lugar at agad naman silang nagkalikot sa computer. Agad naman nilang na-hack ang CCTV sa lugar na 'yon. Pinakita nilang dalawa sa amin ang nangyari kung paano nadukot si Sara. Kita ko pa kung paano nila saktan siya. Naghanap pa sila ng ibang CCTV sa ibang lugar para makita kung saan dumaan ang itim na van.

"Alam ko na! Nasa bagong gawang building sila malapit lang sa school!"

"Ano pang hinihintay natin? Ligtas na natin siya! Akong bahala sa sasakyan"

"Talaga love? Salamat!"

Lumabas na ng kuwarto sina Allison at Vincent para asikasuhin ang sasakyan. "Teka Allison 'wag mo ko iwan!" sigaw ni Amelia. Kitang-kita ko ang mukha niya na galit na galit kay Yoki. Sa tingin ko nagagalit siya dahil ngayon lang niya nalaman na hacker pala siya. Sumunod si Amelia sa kanila samantala si Yoki ay hinabol siya.

"Nag-text sa 'kin si Yasmin.."

"Anong sabi?" pagtatakang tanong ng kasama niyang lalaki.

"Nag-aalala daw siya kay Sara. Tawagan ko muna siya, sandali lang.." sabi ni Kairos at sabay na lumabas rin ng kuwarto. Kaming dalawa nalang ng kasama niyang lalaki ang naiwan. Lumingon ako sa kanya at nahuli ko siyang naka-tingin sa 'kin.

Naisip ko nalang na sumunod kila Vincent pero pinigilan niya ako.

"Matagal tayong hindi nag-kita.. Nosh.."

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon