Chapter 16 "He's Gone"

287 15 1
                                    

"Lulu?"

"Sara!"

Lumapit siya sa 'kin at tiningnan niya ako ng seryoso.

"Bakit ngayon ka lang? Pawis na pawis ka oh, may nangyari ba?" hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo..

"Uhmm may inutos lang kasi sa 'kin yung adviser namin.."

"Ganon ba?"

"Bakit ka pala nandito? Kanina ka pa ba nandiyan?"

"Hindi naman.." sinungaling talaga..

"Kumusta ka na pala? Ok ka na ba?"

Napa-lingon ako sa likod ni Lulu dahil nakita ko si Shaun. Pauwi palang ba siya? Bakit ngayon lang? At saka hindi naman siya dito dumadaan pauwi ah..

"Sara?"

"Huh? Ah sorry na-distract lang ako sa truck.." pagsisinungaling ko.

"Truck? Wala naman dumaan ah!"

"H-Huh? I mean yung laruan na truck ng bata..."

"Saan?"

Lilingon palang sana siya sa likod pero hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap ulit 'to sa 'kin. Sobrang kinis ng mukha niya at ang lambot. Tinanggal ko agad ang kamay ko sa pisngi niya.

"Huwag mo ng tingnan.. Ano nga pala ulit sinabi mo kanina?"

"Ang sabi ko kung ayos ka na ba? Nakalimutan mo na ba yung kumakalat na fake news sa'yo?"

"Oo naman, salamat sa taong 'yon.. Alam mo naman ata kung sino ang itinutukoy ko.."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang taong nag-post non. Wala rin akong ideya kung kaninong account 'yon. Tinanong ko naman si Shaun pero sabi niya hindi raw siya 'yon. Eh kung hindi siya, sino?

"Gusto ko sanang mag-paalam na sa'yo, Sara..." mag-paalam? Bakit? Saan ba siya pupunta?

"Bakit? Aalis ka ba?"

"Naalala mo pa ba kung ano yung nangyari sa Coach namin?"

"Oo?"

"Ililipat siya ngayon ng ospital sa Maynila. Walang pwedeng sumama o mag-bantay sa kanya do'n dahil busy ang mga kapatid niya, wala rin siyang asawa. Nag-desisyon kaming mga players na kami ang mag-bantay sa kanya. Excuse na nga kami sa school eh. At saka pasasalamat na rin naman 'yon sa pagtuturo niya sa amin sa paglalaro ng basketball.." sabi niya. Inatake kasi sa puso yung coach nila. Bakit naman ganon? Kahit na busy yung mga kapatid niya, karapatan pa rin nilang alagaan yung isa nilang kapatid. At saka anong klase silang kapatid?

"So it means, pupunta ka sa Maynila?"

"Ganon na nga.."

"Iiwan mo ako?"

"What? Hindi kita iiwan noh! Mga ilang araw lang naman kami do'n", hays.. Nakakalungkot naman.. Ayokong nangungulit siya sa 'kin pero nakakamiss rin kasi..

May narinig kaming bumusina na sasakyan sa likod ko. Nakita ko ang mga ibang kasamahan ni Lulu sa basketball sa loob ng sasakyan. Don't tell me na ngayon na agad sila aalis?

"Luther! Tara na, alis na tayo!",

"Mag-iingat ka ha! Huwag kang gagawa ulit ng mga katarantaduhan habang wala ako.."

"Oo..." malungkot kong sabi.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko at nginitian ako.

"Hindi mo talaga hilig mag-suklay, pero para sa 'kin ang ayos-ayos pa rin ng buhok mo kaya dapat ko pa rin guluhin. Mamimiss kita Sara, paalam na!" sabi niya na ngayon ay tumakbo na paalis habang kumakaway sa 'kin. Tiningnan niya na muna ako bago siya sumakay ng sasakyan.

Dumaan ang sasakyan sa harapan ko at para akong natulala.

Wala na si Lulu.. Wala ng magtatanggol sa 'kin.. Wala ng mangungulit sa 'kin.. Wala ng hahatid sa 'kin pauwi.. Wala ng iistorbo sa 'kin.. At higit sa lahat, wala na akong tatawaging Lulu. Ilang araw lang daw silang mawawala pero ngayon pa lang miss na miss ko na siya.

Naalala ko na naman tuloy yung nangyari sa 'kin noong bata pa ako.

"Parang parehas 'to dati noong iwan niya rin ako.."

Bigla nalang pumasok sa isipan ko si Shaun. Hinanap ko siya at nang makita ko na siya, lumapit ako sa kanya.

"Shaun!"

Tiningnan niya lang ako ng seryoso.

"Bakit dito ka dadaan pauwi?"

"Eh ikaw? Bakit ngayon ka palang uuwi?" ako nga dapat nagtatanong non sa kanya. At saka ako unang nagtanong.

"May inutos kasi sa 'kin si ma'am.. Eh ikaw?"

"Hindi pa ako uuwi, bibisitahin ko na muna si mama sa ospital." Kaya pala dito siya dadaan.

"Pwede ba akong sumama sa'yo?"

"Ikaw bahala.."

Ang cold niya pa rin hanggang ngayon.. Sa wakas makikita ko na rin ang mama niya.

Pumunta na muna kami sa Jollibee para daw bumili ng pagkain. Hindi ko alam kung siya ba ang kakain o ilalapag niya lang do'n sa lamesa. Last day kasi nakita ko siyang tinapon yung pagkain sa basura. Siguro binili niya lang 'yon at saglit na itinabi tapos itatapon din.

Pinigilan kong pumasok sa loob ng Jollibee si Shaun.

"Bakit?"

"Uhmm.. Hindi ka dapat dito bumibili ng pagkain kung bibisita ka sa mom mo, dapat mga prutas.." sabi ko.

Tumingin naman siya sa likod ko at sakto may nagtitindang mga prutas.

Lumapit kami at ako na mismo ang pumili kung anong mga prutas. May nakita akong basket na puno ng prutas kaya 'yon na ang sinabi ko sa kanya. Wala naman siyang pakialam sa presyo kaya binayaran niya na 'to agad. Ganyan talaga kapag mayaman..

Sunod na pinuntahan namin ay ang mga bilihan ng mga bulaklak. Kinuha niya ang kulay yellow na rosas at babayaran niya na sana 'to pero pinigilan ko ulit siya..

"Bakit yellow ang binibili mo? Hindi mo ba alam na may meaning ang lahat ng kulay ng mga rosas?"

"Meaning? Pati ba naman mga kulay ng rosas may ganon?" Reklamong sabi niya. Kinuha ko sa kanya ang kulay dilaw na rosas na hawak niya.

"Lahat ng bagay ay may meaning. Dapat white or pink ang mga binibili mo"

Lumapit ako sa mga iba't ibang kulay ng rosas at pinagtuturo ko 'to isa-isa.

"Red roses for love, passion, beauty, courage, and respect. Orange for fascination, desire and enthusiasm. Yellow for special friend, joy and delight. White for peace, purity, innocence, secresy, and silence. Pink for sympathy, grace, joy, and sweetness. Blue for ---"

"Enough.." sabi niya ng seryoso. Madaldal na ba ako masyado?

Kumuha siya ng basket na punong-puno ng mga iba't ibang klase ng kulay ng mga rosas. Pakahirap pa ako mag-explain sa kanya kung ano ang mga ibig sabihin ng mga kulay ng mga rosas. Hays.. Ibang klase.

Binayaran niya na 'to at agad naman kami lumakad papuntang ospital. Umakyat kami ng hagdan papuntang 4th floor dahil puno na ang elevator.

Pagpasok namin sa room 102, nakaramdam ako ng kaba.

Nasa tabi lang ako ng pinto at hindi ko kayang lumapit sa mama ni Shaun.

Siya na ba ang mama ni Shaun?

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon