Chapter 26 "Bad news"

234 13 2
                                    

Mabilis kaming naka-uwi at mabilis ko rin natapos na basahin ang libro. Nagpasalamat at nagpaalam na muna kami sa adviser namin bago kami bumaba sa bus.

"Hatid na kita Sahara.."

"Nako hindi na at saka gabi na, sige ka mag-aalala yung mga magulang mo sa'yo.."

"Hays bahala na nga, sige ingat ka ha!"

"Ikaw rin!"

Nagyakapan na muna kami ni Yasmin bago siya umalis. Aalis palang sana ako ng makita ko si Shaun.

Alam kong galit siya sa 'kin pero bahala na..

"Shaun!"

Lumapit ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Ano kailangan mo?"

Galit ba talaga siya sa 'kin o hindi?

In-abot ko sa kanya ang libro niya at tiningnan niya na muna 'to bago niya kinuha.

"Thanks and I like the story. It's a beautiful and sad story that will make you cry." Tiningnan niya lang ako ng seryoso. Wala ba siyang sasabihin?

Lumakad siya paalis pero..

"Yung babae sa istorya, parang katulad ko rin siya.." Tumigil siya sa paglalakad ng sabihin ko 'yon.

"Duwag din siya katulad ko. Inabuso rin siya ng mga kaibigan niya at hanggang sa mapunta 'to sa gulo at nag-away-away sila. Hindi siya tinigilan ng mga kaibigan niya hangga't hindi nila nakikitang nahihirapan yung babae. Pero may isang lalaki na tagapagtanggol niya. Mag-childhood friend silang dalawa at talagang close na close silang dalawa sa isa't isa. One day, na kidnap 'tong babae at hinanap-hanap siya ng lalaki. Naka takas din naman ang babae pero hinabol nga lang siya ng mga kumidnap sa kanya. Napunta sila sa kalsada at may paparating na malaking truck. Masasagasaan nito ang babae pero imbes na siya ang nabangga, tinulak siya ng lalaki at siya ang nasagasaan. Umalis at pinabayaan nalang sila ng mga lalaki na kumidnap sa babae. Nilapitan ng babae ang lalaki at halos maluha 'to ng makita niya ang kalagayan ng lalaki. Napa-luhod 'to sa tabi niya at hindi niya alam ang gagawin niya. May sinabi ang lalaki sa kanya bago siya nawalan ng malay. Inamin ng lalaki ang tunay niyang nararamdaman sa kanya. Pero huli na ang lahat, nawalan na ng hininga ang lalaki at wala ng nagawa pa ang babae kundi ang umiyak at humingi ng tulong. Matapos ang lahat na nangyari, inisip ng babae na wala ng kwenta ang kanyang buhay kung wala 'tong lalaki. Hindi niya rin nasabi na mahal niya 'tong lalaki. Nagsisi siya ng buong buhay niya at hanggang sa ma-isip niya na magpakamatay nalang," pagkukuwento ko.

"Talagang na-iyak ako sa bandang huli dahil namatay silang dalawa.."

"Nagbago ba ang ugali ng babae sa huli?" tanong niya sa 'kin. Bakit niya natanong sa 'kin 'yon? Hindi niya pa ba nababasa ang manga na 'yon?

"Hindi ehh.. At saka hindi rin niya alam na gusto ng lalaki na mapabago ang buhay niya pero hindi nangyari 'yon.."

Lumapit sa 'kin si Shaun at tinitigan ako sa mata.

"Kung ganon huwag mo siyang gayahin.." sabi niya at saka lumakad paalis.

Tulala lang akong naka-tingin sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Tama siya.. Hindi ko dapat gayahin ang babae sa libro. Pero paano ko nga ba magagawang alisin ang pagkaduwag ko? Kailan pa?

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Stress na naman kami nito dahil papasok na naman kami sa school. Maayos na rin ang lagay ko pagtapos nung nangyari sa probinsya ng adviser namin. Hindi ako maka-focus sa klase dahil iniisip ko kung bakit wala ngayon dito si Shaun. Yes, absent siya ngayon at ni-isa sa amin ay walang nakakaalam kung bakit.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now