Chapter 13 "Defend"

276 18 2
                                    

Nagpaalam na muna sila sa 'kin bago sila umalis. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako sa kusina para ibigay kay mom ang mga pinamimili niya sa 'kin. Wala naman dito si mom pero inilapag ko nalang sa lamesa ang mga plastic. Pumunta na ako sa kwarto at humiga sa kama. Bigla kong naalala ang jacket ni Lulu, suot-suot ko pa rin pala 'to hanggang ngayon. Hinubad ko 'to at bigla ko nalang naalala ang sinabi niya sa 'kin kanina.

"Don't mind them.."

Tama.. Hindi ko dapat sila pansinin. Basta ako, alam ko sa sarili ko kung ano talaga ang totoo.

Pero..

Kahit na pilitin kong alisin sa utak ko ang mga sinasabi sa 'kin ng mga tao kanina, hindi ko magawa kaya naluha na naman ako.

Natuluan ko ng luha ang jacket ni Lulu pero wala na akong pakialam do'n. Niyakap ko pa ang jacket niya at pinagpatuloy na umiyak.

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Nagising nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko 'to.. Akala ko may tumawag pero wala naman pala. Namatay lang pala ang cellphone ko. Bumangon ako sa kama para kunin ang charger ko sa cabinet. Hahanapin ko palang sana ang charger ko ng makita ko ang bagay na binigay sa 'kin ng kaibigan ko noong bata pa ako, isang panyo. Nakilala ko siya noong oras na hinahabol ko ang sasakyan nila Lulu gamit ang bike ko dahil lilipat na daw sila ng bahay malayo sa lugar namin. Ang gamit ko pa na pangalan ko no'n ay Angeles at 'yon ang madalas na tawag nila sa 'kin. Si dad ang nagpauso ng pangalan na 'yon sa 'kin. Pero noong oras na iwan na niya kami ni mom, ginamit ko na ang tunay kong pangalan. Athena Sahara Mihaela, ginamit ko na rin ang apelyido ni mom.

Flashback

"Lulu! Huwag mo ako iwan!" sigaw ko habang binibilisan ang pagtakbo ng bike.

"Ahh! Huhuhu!"

Iyak ako ng iyak ng masemplang ako sa bike. Naipit ang paa ko sa bike at hindi ko 'to kayang alisin dahil namanhid ang aking paa. Kapag sinusubukan kong alisin ang paa ko ay sumasakit naman 'to. Hindi ko na nahabol pa ang sasakyan nila Lulu dahil lumiko na sila ng daan at nadisgrasya pa ako.

"Bata ayos ka lang ba?" tanong sa 'kin ng isang lalaki.

"Sa tingin mo ba ayos lang ako? Huhuhu! Hindi ko tuloy sila naabutan! Huhuhu!" sabi ko habang iyak ako ng iyak ng sobrang lakas.

"Huwag ka ng umiyak, tutulungan na kita!" sabi niya. Hindi man lang siya nagtawag ng mga tao para tulungan na tanggalin ang paa ko sa bike, siya na mismo ang tumulong sa 'kin.

Natigil ako sa pag-iyak ng matanggal niya na 'to. Tumayo ako agad at tumakbo para hanapin ang sasakyan nila Lulu kahit na iika-ika akong tumakbo. Sumakit bigla ang aking paa kaya nadapa ako. At ngayon, umiiyak na naman ako.

"Huwag mo ng pilitin na bumangon, masasaktan ka lang.."

"Huhugot ka pa eh! Huhuhu!"

"Hindi ako humuhugot, nagsasabi lang ako ng totoo"

Lumapit siya sa 'kin at tinulungan niya ulit ako. Dahan-dahan niya akong itinayo at ipinaupo niya ako sa tabi ng puno. May kinuha siya sa kanyang bulsa at panyo 'to. Pinunasan niya ang dugo sa sugat ko sa paa at tuhod. Binalutan naman niya ang tuhod ko gamit ang kanyang panyo.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon