Chapter 24 "Saving her"

237 12 1
                                    

Shaun Hayden Zacharias POV

Nagising nalang ako dahil parang may bumubulong sa 'kin na babae na tulungan ko siya. Bumangon ako agad at laking gulat ko na malaman ko na wala pa rin dito si Sara.

"Sahara?"

Kinuha ko ang phone ko sa tabi ng kama ko para tingnan ang oras. It's already 1AM, pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Na saan na naman kaya siya.."

Kinuha ko ang jacket ko at sinuot ko 'to bago ako lumabas sa kwarto para hanapin siya. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong hindi mapakali tuwing hindi ko alam kung na sa'n si Sara. Lagi akong nag-aalala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang gusto ko..

Nilibot ko ang buong lugar pero hindi ko pa rin mahanap si Sara at hanggang sa...

"Gosh kawawa naman si Sara, ano na naman kaya ang balak na gawin sa kanya ng mga tatlong bruhang 'yon.."

"Alam mo girl kung matapang lang sana ako at palaban, matagal ko na siguro pinagtanggol si Sahara!"

Nagulat ako sa usapan ng dalawang kaklase ko kaya lumapit ako sa kanila para magtanong.

"Anong nangyari kay Sara?" diretso kong tanong.

"Uhmm, nakita kasi namin sila Kaesha, Zenith at Charlotte na pinatulog si Sahara kanina. Pero hindi namin alam kung sa'n nila dinala si Sara.." Fuck! Ano na naman ang balak na gawin nila Kaesha kay Sara? Kahit ano talaga ang panakot ko sa kanila hinding-hindi pa rin nila tinatantanan si Sara.

Inisip ko ulit ang sinabi sa 'kin ng kaklase ko. Kaesha, Zenith at Charlotte? Kung ganon hindi nila kasama si Carla?

"Teka.. Alam niyo ba kung sa'n banda ang room ni Carla?"

"Nope, pero kakadaan lang namin sa CR at nakita namin siya sa do'n kasama yung iba pa nating kaklase"

"Salamat.."

Agad akong pumunta sa CR ng mga babae at nakita ko si Carla at ang dalawa pa naming kaklase na palabas na ng CR. Nang makalayo na sila sa CR, lumapit ako kay Carla at hinawakan ko ang kanyang braso at pilit ko siyang sinama sa 'kin. Litong-lito naman ang dalawa kong kaklase at tulala lang silang naka-tingin sa amin.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

Dinala ko siya sa lugar kung saan walang makakarinig sa amin.

"Let me go!"

Itinulak ko siya sa pader at sinamaan siya ng tingin.

"What the hell is your problem?!"

"Saan nila dinala si Sara?"

"What are you saying?" Tanong niya sa 'kin na parang walang alam.

Sinuntok ko ng malakas ang pader at natakot naman siya sa ginawa ko.

"Saan dinala nila Kaesha si Sara?!"

"H-Hindi ko alam, at saka wala akong alam sa mga plano nilang gawin sa kanya! At saka bakit sila Kaesha na naman ang sinisisi mo? Lagi nalang ba sila Kaesha ang pagbibintangan mo kapag nawawala or may nangyayari na naman na masama kay Sara?" Sinasabi ko na nga ba, alam kong magsisinungaling 'to sa 'kin si Carla at tama nga ako sa hinala ko.

"Tsk! Hindi mo sasabihin ang totoo? Dahil kung hindi, pagsisisihan niyo ang lahat ng 'to.." panakot ko sa kanya. Kilala ko si Carla, mabilis siyang kabahan o matakot kahit na ilang masasamang salita lang ang sinasabi ko.

"O-Ok Fine! Habang nag-gagala kami kaninang umaga, nagpaplano kaming apat kung ano ang pwedeng gawin kay Sara. Napadpad kami sa gubat at may nakita kaming isang malaki at malalim na hukay. Naka-isip agad si Kaesha na pwedeng gawin.."

"Ano naman 'yon? Ano naisip niya?!"

"P-Plano nilang ihulog do'n si Sara at pabayaan nalang.."

Nagulat ako sa sinabi sa 'kin ni Carla. Huli na ako.. Alam kong kanina pa ginawa nila Kaesha 'yon kay Sara. Paano na? Anong gagawin ko?

"But don't worry, hindi mo na kailangan pang sayangin ang oras mo sa babaeng 'yon. Sobrang lakas ng ulan ngayon at sinisiguro kong puno na ng tubig sa hukay na 'yon. Balita ko hindi marunong lumangoy si Sara. OMG! Hindi kaya nalulunod na 'yon sa gan'tong oras?" Umuulan ngayon ng malakas? Hindi 'to pwede! Kailangan kong mag-madali!

Tatakbo palang sana ako ng marinig kong nag-salita ulit si Carla.

"I don't understand.. I know you don't even care about us or everyone else. So why do you always help her? Don't tell me that you love her?"

I love... Her?

Humarap ako sa kanya at kinalma ang sarili ko.

"Nagkakamali ka, wala akong gusto sa kanya. Pero isa lang ang gusto ko.. Ang makabawi sa kanya.."

"Makabawi? Bakit may nagawa ka ba sa kanya na mali?" Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ako agad sa labas. Sobrang lakas ng ulan pero wala akong paki alam kung mabasa man ako ng ulan. Binilisan ko ang pagtakbo at agad na pumunta sa gubat. Medyo maliwanag rin naman dito dahil sa liwanag ng buwan. Bawat pagtakbo ko, kinakabisado ko ang lahat ng dinadaanan ko.

"Sara?!"

"Na saan ka Sahara?!"

Nilibot ko ang buong gubat at hanggang sa..

"Ahh!"

Narinig kong sumigaw si Sara kaya dali-dali kong hinanap kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon.

"Sahara!"

Sa kamamadali ko sa pagtakbo, hindi ko namalayan na may malaking bato pala sa baba kaya napatid ako. Muntikan pa akong matumba.

"Fuck!"

Kinalma ko ang sarili ko at inisip si Sara. Sana ayos lang siya at sana hindi pa huli ang lahat.

Parating na ako Sara..

"Sara.."

May nakita akong hukay na sobrang puno na ng tubig. Hindi kaya 'to na 'yon?

Hindi ako nag-dalawang isip pa na sumisid sa tubig at sa wakas nakita ko na rin si Sara. Lumangoy ako papunta sa kanya at in-angat siya paitaas. Nang makaahon na kami sa tubig, tinapik-tapik ko ang kanyang balikat at hanggang sa magising na siya. Bumangon siya ng dahan-dahan at umubo siya ng umubo ng may kasamang tubig.

Buti nalang sakto ang pagpunta ko.

"S-Shaun?" mahina niyang sabi.

"Ayos ka na ba?"

"Oo pero nanghihina na ako.."

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka na.." pahayag ko.

Nagpahinga na muna kami saglit. Sinakay ko siya sa likod ko at saka nalang siya nawalan ng malay. Dahan-dahan akong lumalakad dahil baka mapatid na naman ako.

Naawa ako kay Sahara. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para hindi na siya guluhin nila Kaesha ulit. Patagal ng patagal mas lalo nilang pinahihirapan si Sara. Paano nalang kung wala ako dito? Sino ang magliligtas sa kanya? Sino ang magtatanggol sa kanya? Bakit naman kasi gan'to siya? Bakit ayaw niyang lumaban? Natatakot ba siya? Naduduwag? Hindi ko na alam ang gagawin ko..

Umaga na ng makarating na kami sa bahay. Nakita ko ang lahat ng kaklase ko at pati na rin ang adviser namin.

"Oh my god anong nangyari sa inyo?" pagtatakang tanong sa 'kin ng adviser namin. Tiningnan ko na muna si Kaesha at gulat na gulat siya ng makita akong kasama si Sara na walang malay.

"Si Sahara nalang po ang tanungin niyo, wala po akong alam sa nangyari sa kanya"

"Ok sige.. Guys dalhin niyo si Mihaela sa Clinic. Bilisan ninyo!" Utos ng adviser namin sa dalawang lalaki na kasama niya.

Tiningnan ko si Kaesha at nahalata kong kinakabahan siya sa oras na sabihin ni Sahara ang nangyari sa kanya.

Ligtas ka na, Sara...

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now