Chapter 20 "Record"

273 14 3
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom. Naka-sara ang pintuan ng classroom pero binuksan ko 'to ng kaonte. Sumilip ako at nakita ko si Yasmin na naka upo sa upuan niya at parang sinasabi ng mukha niya na huwag akong papasok.

Bakit kaya?

Pumasok ako sa classroom pero..

"Oh my G!"

Biglang may tatlong tao na bumato sa 'kin ng tatlong itlog. Ang dalawang itlog ay tumama sa katawan ko at ang isa naman ay sa ulo ko.

"We're so sorry about that! We taught you were Jasper but I guess we were wrong.." sabi ni Kaesha na naka-ngisi. Siya at sila Carla at Charlotte ang mga bumato sa 'kin ng mga itlog. Alam kong birthday ngayon ni Jasper, isa sa mga kaklase ko. Pero alam ko rin na sinadya talaga nila na batuhin ako ng itlog.

Muntikan pa akong maluha pero agad na akong lumabas ng klase at pumunta sa CR. Sinara ko ang pinto at humarap ako sa salamin. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, nandidiri ako sa sarili ko.

Ang pangit-pangit ko!

Ang duwag-duwag ko!

Ang dumi-dumi ko!

Wala na akong nakikita pang maganda sa 'kin. Nakakainis! Nakakabuwiset!

Binuksan ko ang gripo at pinunasan ang uniform ko. Hirap na hirap akong tanggalin ang mga itlog sa uniform ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Kaesha at Charlotte.

"Hahaha! Nakakaawa ka naman!"

Sinara nila ang pinto at pinaligiran nila akong dalawa.

"Hawakan mo siya Charlotte.."

"Yes boss!"

Sinunod ni Charlotte ang utos sa kanya ni Kaesha. Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko ng mahigpit. Bigla akong sinampal ni Kaesha ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang palda. May pinakita siyang picture at laking gulat ko nang makita 'to. Ang picture na 'yon ay ang araw na hinatid ako ni Kairos pauwi. Bakit mayroon silang picture na 'to? Sinundan kaya nila kami?

"Burahin niyo 'yan!"

"Hahaha! At bakit naman namin buburahin 'yan?", sabi ni Charlotte habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

"Gusto pa namin na ipakita sa buong school ang picture na 'to. At kapag nangyari 'yon, pag-uusap-usapan ng lahat ng tao ang tungkol dito. Akalain mo 'yon? Isang famous na lalaki ay may kasama na isang dudugyutin at pangit na babae katulad mo!". Hindi 'to pwede! Ayokong masira ang image ni Kairos nang dahil lang sa 'kin.

"Please Kaesha! Nagmamakaawa ako sa inyo! Gagawin ko ang lahat huwag niyo lang ipagkalat ang picture na 'yan! Please!"

"Hindi namin ipagkakalat ang picture na 'to, sa isang kondisyon.. Ikaw ang sasagot sa test naming apat mamaya, naiintindihan mo ba ako?"

"A-Ano? Pero wala akong alam diyan! Hindi pa ako nakakapag-review!"

"Kahit hindi mo na kailangan mag-review, matalino ka naman di'ba?"

Do I have to agree? But I don't have a choice.. This is for Kairos.. Kapag hindi ko 'to ginawa, siguradong ako ang dahilan kung bakit siya mapapahiya sa maraming tao.

"Oh sige na! Papayag na ako sa gusto ninyo basta huwag niyo lang ipagkalat 'yan. At siguraduhin ninyo na wala na 'yan sa cellphone mo.." matapang kong sabi.

"Sure why not? Siguraduhin mo rin na tama ang lahat ng sasagutin mo sa papel namin. Deal?"

"Deal"

My Door of HappinessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ