Chapter 8 "My Dad"

295 16 1
                                    

"Ayos lang 'yan, umiyak ka lang hanggang gusto mo", pahayag niya. Dahil sa sinabi niya, hindi ko na talaga napigilan na umiyak pa ng umiyak. Naalala ko lahat ang mga pinagsamahan namin dati nila dad at mom. Hindi lang si dad ang naalala ko, pati na rin ang taong nakilala ko noon. Parehas nila akong iniwan at sakto pa sa araw ng laban namin ng volleyball.

Nahimasmasan na rin naman ako kahit ka-onte kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Ngayon ko lang na-realize na basa na pala ang damit ni Shaun dahil sa mga luha ko.

"Oh no! I'm very sorry!" pahayag ko habang pinupunasan ang basa niyang damit. "It's ok", aniya at sabay na hinawakan ang aking kamay para pigilan akong punasan ang kanyang damit. Natulala naman ako sa ginawa niya, dahan-dahan kong tiningnan ang kanyang mukha at nahuli ko siyang naka tingin sa mga mata ko. Binaba niya ang kamay ko at saka niya binitawan. Shocks! Ano 'tong pinag-gagawa ko? Nababaliw ka na ba Sara?! "Kumusta naman yung kuya at dad mo.. Nakikita mo pa rin ba sila? Binib___"

"Wala na akong pake sa kanila, matagal na silang patay para sa akin.." He said it seriously. I was shocked and I can't believe he said that. Kahit na may nagawa silang mali, hindi pa rin tama na sabihin niya 'yon sa kanila.. Dahil kahit na ganon ang nangyari sa kanila dati, pamilya at pamilya pa rin sila.

"I'll take you home", he said. Sumunod nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami pauwi, walang umiimik sa aming dalawa. Diretso lang ang tingin ni Shaun sa daanan, samantala ako ay minsan naka tingin sa dinadaanan pero minsan sa kanya naka tingin. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kanina. Nu'ng hinawakan ni Shaun ang kamay ko. Tiningnan ko ang aking kamay ko at pinalo 'to ng patago.

Malapit na kami sa bahay pero nakarinig kami ng ingay at kalabog sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad at ganon rin siya. "Walang hiya ka!" Rinig kong sigaw ni mom. T-Teka.. Ano bang nangyayari?

"Na saan si Athena?! Tinatanong kita kaya sagutin mo ako!" Si papa ba 'yon? A-Anong ginagawa niya sa bahay?!

"Hindi ko sasabihin sa'yo! Hindi mo siya makukuha sa akin!"

"Bakit? Kaya mo bang tustusan ang pag-aaral niya? Diba hindi?! Eh wala ngang kwenta 'yang trabaho mo! Ano pinagmamalaki mo? Huh? Mas mabuti na ako ang magpalaki sa kanya! Wala siyang mapapala sa'yo!" pahayag ni dad at bigla nalang kami nakarinig ng basag na plato. Ano 'tong mga naririnig ko? Balak ba akong kunin ni dad kay mom?

"Sara?"

"Uhm sorry Shaun, sige na pwede ka ng maka alis. Salamat sa paghatid.."

Magpapaalam palang sana sa akin si Shaun ng makita namin na lumabas si dad sa bahay. Gulat na gulat siya ng makita ako. Lumapit siya sa akin at hinablot ang braso ko.

"S-Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo ako!"

"Sasama ka na sa akin!"

"A-Ano?! A-Ayoko sumama sa'yo! Let go of me!" Pilit akong pumapalag kay dad pero hindi ko magawa dahil malakas siya. "Sahara!" Tawag ni mom sa akin at lumabas siya sa bahay para kunin ako kay dad. "M-Mom!"

"Bitawan mo ang anak ko! Hindi siya sasama sa'yo!"

"Sasama siya sa akin kahit na anong gawin mo! Tara na Sahara!"

Sa sobrang lakas ni dad ay nabitawan ako ni mom kaya tuluyan na akong nakuha ni dad. Napa-upo naman sa sahig si mom at iyak siya ng iyak at wala ng magawa. Naluluha na rin ako dahil sa sobrang takot ko kay dad. "Don't take her away from me! Please!"

"Manahimik ka!" sigaw ni dad habang hila-hila ako papunta sa sasakyan niya.

"Bitawan mo ako!"

Maya-maya, biglang sumulpot sa harapan ko si Shaun. Laking gulat ko ng suntukin niya sa panga si dad. Napa-sandal nalang si dad sa sasakyan niya habang hawak-hawak niya ang kanyang panga.

"S-Shaun?"

Nakita kong kalma lang si Shaun pagtapos niyang suntukin si dad.

"Hayop ka!"

Susugudin palang sana ni dad si Shaun pero pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Tama na!"

"Athena?"

"Enough! Hindi ko na kaya 'to! Itigil niyo na 'to!" sabi ko habang unti-unting bumabagsak ang aking mga luha. Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Shaun kanina.

"Hindi ka namin kailangan! Kaya naming mamuhay ni mom ng wala ka! Matagal ka na naming kinalimutan! Wala na kaming pakialam sa'yo! Matagal ka na naming itinuring na patay!"

Pagtapos kong sabihin sa kanya 'yon, tulala lang siya. Tiningnan ko si Shaun sa likod ko at tulala rin siya sa akin. Hindi ko akalain na masasabi ko 'yon kay dad.

"Ganon ba? Ok! Fine! Huwag kang lalapit o iiyak sa akin, kailanman. Magsama kayo ng nanay mong walang kwenta!" sabi niya at sabay na sumakay sa sasakyan niya at sinara 'to ng malakas. Binuksan niya muna ang bintana at dumura sa tabi bago siya umalis.

"Sara!" Lumapit sa akin si mom. Niyakap niya ako at ganon din ako. "A-Ayos ka lang ba anak? Hindi ka ba nasaktan sa ginawa niya?"

"Ayos lang po ako, kayo po?"

"Ayos na ayos, buti hindi ka niya nakuha sa akin.." pahayag niya. Napansin niya si Shaun sa likod ko at ningitian niya 'to. "Salamat sayo iho, kung hindi dahil sa'yo baka tuluyan ng nakuha sa akin 'tong si Sara. Maraming salamat talaga.." pahayag ni mom. "Wala pong anuman.." seryoso niyang sabi.

"MAMA!"

Bahagya kaming nagulat ni Shaun nang biglang mawalan ng malay si mama. Tinulungan ako ni Shaun na ipasok sa bahay si mama. Hiniga namin siya sa sofa. Ayos lang naman daw siya at pagod lang daw siya. Hindi na kami nag-alala pa ni Shaun sa kanya at hinayaan nalang namin siya na magpahinga. Lumabas kami ng bahay ni Shaun at balak niya ng umuwi.

"Shaun, salamat ulit"

"No problem"

"Ingat ka sa pag-uwi"

Nag-paalam na ako sa kanya at ganon din siya. Hinintay ko siya na makalayo sa bahay bago ako pumasok. Binantayan ko muna si mama at inalagaan siya. Nang maayos na talaga ang pakiramdam ni mama ay pumunta na ako sa kwarto para mag-pahinga na rin. Humiga ako sa kama at naalala ko bigla ang ginawa ni Shaun kanina kay dad. Alam kong hindi tama ang ginawa niya pero salamat sa kanya dahil hindi ako tuluyan nakuha ni dad kay mom.

Hindi ko akalain na magagawa 'yon ni Shaun. Siguro naalala niya ang papa niya sa papa ko kaya matindi ang galit niya. Gusto kong tanungin si Shaun kung ayos lang ba talaga siya pero hindi naman madaling tanungin 'yon sa kanya. Sana maging close kami sa isa't isa at gagawin ko ang lahat mapabago lang siya.

"Shaun.."

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon