Chapter 45 "Harsh words"

197 11 1
                                    

Dalawang araw kaming walang pasok, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-move on about sa prom night. Iyon ang lagi nilang pinag-uusapan dito sa school. Ang mga babae naman ay todo kilig pa rin sila sa mga lalaking naka-sayaw nila sa prom.

Recess na namin ngayon at niyaya naman ako ni Yasmin na kumain sa Canteen. Pumayag ako sa gusto niya dahil napapansin ko sila Kaesha sa classroom na palagi akong tinitingnan at pinag-uusapan. Ayoko naman na ganon kaya pumayag nalang ako kay Yasmin na pumunta sa Canteen at kumain. At saka na-isip ko rin na baka may gawin na naman sa 'kin sila Kaesha. Mahirap na at saka absent pa naman si Shaun ngayon. Walang akong ideya kung bakit absent siya ngayon. Siguro tinatamad pang pumasok ang mokong na 'yon. Teka bakit ko nga pala na-isip ang lalaking 'yon? Hindi dapat ako pwedeng umasa lang sa kanya. Hindi sa araw-araw ay magagawa niya akong ipagtanggol kila Kaesha. I think pagod na rin siyang ipagtanggol ako sa kanila.

"Alam mo Sara, 'di pa rin ako makapaniwala na ikaw ang naging prom queen this year!"

"Oh Yasmin, pwede bang huwag na natin 'yon pag-usapan? Sa tingin ko hindi ko deserve ang maging Prom Queen this year. Dapat sina Kaesha or Kayleigh..." Malungkot kong pahayag. Tama naman ako 'di ba? Hindi naman talaga ako karapat-dapat sa position na 'yon. Hindi ko deserve 'yon. Kun'di dahil sa tulong sa 'kin nila Lulu, hindi ako ang magiging Prom Queen.

"But... Ok, fine"

"Kumusta naman kayo ni Joshua? Napansin ko na palagi ka niyang sinusulyap ah! May namamagitan na ba sa inyo?"

"W-What? No! Actually, umamin na ako sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya." Wow! Siguro nung niyaya niya na isayaw niya si Josh, do'n na siguro siya umamin.

"Then?"

"Pagtapos kong umamin sa kanya, tumahimik nalang siya bigla-bigla kaya tumahimik nalang rin ako. I don't think he likes me."

"Huwag mong sabihin 'yan! Malay mo mayroon din siyang gusto sa'yo kaya wala siyang nasabi sa'yo no'n!"

"Nevermind! Kain na tayo!"

Nginitian niya nalang ako at ganon din ako. Imposible na hindi siya magustuhan ni Josh. Maganda si Yasmin at mabait pa. Tanggalin niya nga lang yung salamin niya sa mata at ayusin ang buhok siguro mas maganda pa siya kaysa kay Kayleigh.

Pagtapos namin kumain sa Canteen ay bumalik na kami sa classroom. Na-una nang pumasok si Yasmin sa classroom. Papasok palang sana ako sa classroom nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'to sa bulsa at may one message ako. Tiningnan ko kung sino ang nag-message sa 'kin. Walang iba kun'di si Charlotte.

Hey, punta ka sa CR ng girls. We have something to say.

"Something to say?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hey Sara, what are you waiting for?" Sabi ni Yasmin. Nagtataka na siguro siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pumapasok sa classroom.

Nag-dadalawang isip ako kung papasok ba ako sa classroom o pupunta sa CR para makipag-kita kila Charlotte. Paano kung may gawin na naman silang hindi maganda sa 'kin? Pero pa'no rin kung hihingi na sila ng tawad sa 'kin? Nakakainis! Hindi ko alam kung ano ang balak nilang gawin.

"Yasmin punta muna ako sa CR, kanina pa kasi 'to eh.." sabi ko at nagkukunwari na naiihi.

Hindi ko alam kung bakit siya tumingin sa loob ng classroom. Mayamaya ay bigla nalang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

"Samahan na kita!"

"Huwag na ako nalang, dito ka nalang."

"Are you sure?"

"Yes."

"Dalian mo ah!" Sabi niya at agad naman akong nag-paalam sa kanya. Dali-dali akong pumunta sa CR ng girls kung na saan sila Charlotte. Bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako. Iba ang nararamdaman ko ngayon at parang may mangyayari na hindi maganda.

"There you are!" Sabi ni Charlotte nang makita niya na ako. Lumapit ako sa kanya at bigla niyang hinawakan ang braso ko at pumasok kami sa loob ng CR. Nakita ko naman dito sa loob sina Zenith, Carla at Kaesha. Napansin ko ang mukha nila na parang may balak na gawin na naman sa 'kin.

"What's this?"

"Huwag mo nga akong i-english-english diyan dahil hindi bagay sa'yo! Alam mo kung bakit? Mahirap ka lang at huwag kang feeling rich!" Inis na sabi sa 'kin ni Kaesha at bigla niya nalang ako sinabunutan at tinulak sa pader. Nauntog naman ang ulo ko sa pader at bigla akong nahilo sandali. Napa-luhod ako sa sahig at sinamaan nila ako ng tingin.

"Please, don't hurt me!" Pakikiusap ko sa kanila habang naka-yuko ang aking ulo.

Lumuhod din sa harapan ko si Kaesha at hinawakan ang aking balikat ng sobrang higpit at nasasaktan ako.

"You know Sara, hindi mo naman talaga deserve ang maging Prom Queen kaya huwag kang feeling at magmayabang sa amin! Ako.. Ako dapat 'yon at hindi ikaw!" Sabi niya na may pagdiin ng boses.

"Kaesha nakikiusap ako sa'yo. Ayoko ng gulo! Gusto mo ibigay ko nalang sa'yo yung korona at yung sash!"

"What? Are you pity me? Seriously Sara? Sa tingin mo ba papayag ako? Are you really that stupid? Alam na ng buong school na ikaw ang Prom Queen at hindi ako. Anong sasabihin sa 'kin ng iba diyan? Inagaw ko ang pwesto mo dahil naiinggit ako sa'yo? Never! Hindi ako naiinggit sa'yo dahil hindi mo talaga deserve ang maging Prom Queen! Ako dapat! Ako!" Sabi niya sa 'kin at nagtatangis ang mga ngipin niya sa panggigigil.

"Sa tingin namin, ginamit mo lang yung dalawa mong kaibigan sa high section para maging Prom Queen ka. Kapal din naman ng mukha mo eh noh? Sila pa nga mismo ang nag-make up sa'yo, tapos ikaw lang pala ang mapipili? Isang malaking kalokohan, right?"

Mas lalo pa niyang diniin ang pag-hawak niya sa balikat ko at mas lalo akong nasasaktan, pero hindi ko nalang pinapahalata.

"And Sara.. Are you blind or you're just stupid? Hindi mo ba napapansin na kaya lagi silang kasama mo dahil lang diyan sa gwapo mong kaibigan? What's his name again? Oh, It's Lulu.. Ginagamit ka lang nila para maka-lapit sa kanya at maging ka-close. Wala silang pakialam sa'yo Sara dahil mga plastic sila! Iiwan ka rin nila Sara, dahil malalaman din nila na isa kang worthless! Opps mali pala ako, pare-parehas kayong mga worthless at plastic!"

Naikuyom ko nang mariin ang mga kamao ko at nagpipigil ng galit. Hindi ko natiis ang lahat ng sinabi sa 'kin ni Kaesha. Sobra akong nagalit at nasaktan nang i-damay nila dito sila Allison, Amelia at Lulu. Ayoko pa naman sa lahat ang dinadamay sila. Mas lalong uminit ang ulo ko ng magsitawanan sila ng malakas at tiningnan ako nang nakakainsulto. Nagtatangis ang mga ngipin ko sa sobrang panggigigil nila sa 'kin at sa walang tigil nilang kakatawa.

May naramdaman akong tumulo sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Tiningnan naman nila ako na parang nagtataka kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Pero hanggang ngayon ay tuloy pa rin sila sa pag-halakhak.

"Lagi ka nalang ba maghihintay ng tutulong sa'yo? Lagi ka nalang ba aasa na may taong magpoprotekta sa'yo?"

"Ang hirap kasi sa'yo masyado kang mabait kaya inaabuso ka ng iba. Try mo rin naman kaya lumaban ng mag-isa? Hindi yung maghihintay ka pa ng taong dadating at tutulong sa'yo."

Bigla akong natulala nang maalala ko ang sinabi sa 'kin no'n ni Shaun. Nabigyan ako nito ng tapang at lakas loob na lumaban.

"Nagkakamali kayo!" Sigaw ko sa kanila dahilan para tumigil sila sa kakatawa.

"Bawiin mo lahat ng sinabi mo" Nakayuko kong sabi sa kanila.

"A-Ano?"

"Everything.. Everything!"

Tinaas ko ang ulo ko at tiningnan sila ng seryoso. Nagsalubong naman ang kilay ni Kaesha at sinamaan ako ng tingin.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now