Chapter 40 "Preparation"

219 12 2
                                    

Nasa school ako ngayon pero wala daw muna kaming klase ngayon, dahil lahat daw kasi ng teachers ay may meeting kasama ang principal. Pinaghahandaan na nila ang prom na malapit ng ganapin. Ilang araw nalang ay prom na kaya kailangan ko ng i-handa ang kakantahin ko. Niyaya ako nila Allison na mag-ensayo sa bahay ni Amelia. Nasa kwarto niya kaming tatlo.

Gusto nila akong tulungan at gusto rin nila na marinig ang boses ko. Actually makakatulong talaga sila sa 'kin dahil kumakanta rin ang dalawang 'yon.

Paulit-ulit namin pinapakinggan ang kantang When I look at you by Miley Cyrus. Kinakabisado ko na rin ang lyrics nito at kung paano ang tono. Minsan naiisip ko na baka hindi ko kaya ang kantang 'yon dahil kailangan mataas ang boses mo. Hindi naman ganon kataas ang boses ko tulad ng kay Miley Cyrus kaya pwede akong mahirapan din.

"Sige Sahara, kantahin mo nga ulit yung part na 'to." Sabi ni Amelia sabay turo sa chorus.

"When my world is falling apart. When there's no light to___." Natigil ako sa pagkanta dahil pinatigil ako ni Amelia.

"Wait, mababa yung boses mo kaya kailangan mo pang taasan." Pahayag niya.

"Guys alam niyo hindi ko na talaga 'to kaya." Pahayag ko at sabay akong humiga sa sahig.

"Argh! Sa dinami-dami kasi na students na may magagandang boses bakit ako pa?! Hindi pa naman ako ganon kagaling kumanta so why they chose me?"

"Sara, hindi ka naman pwedeng um-atras ngayon lalo na't ilang araw nalang Prom na. You don't have a choice and you know that."

"Allison is right Sahara, you shouldn't give up. We know that you can do this and you know you can."

"Let's see." Sabi ko sa kanila.

"So ano? Itutuloy pa ba natin 'to?"

Bumangon ako at ningitian sila. Tinuloy namin ang pag-eensayo ko at kada mali ko sa tono ay tinatama nila ako. Buti nalang may mga kaibigan pa akong tulad nilang dalawa.

Inabot kami ng limang oras hanggang sa makuha ko na ang tono ng kakantahin ko. Napagdesisyonan ko na umuwi na muna dahil baka hinahanap na ako ni mom. Actually hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon. Siguro nando'n na 'yon sa bahay ngayon. Sana nga.. Nag-aalala na ako sa kanya.

Lumabas na kami sa bahay ni Amelia at hinatid nila ako hanggang sa gate.

"Sure ka ba talaga na ayaw mong samahan ka namin sa pag-uwi?"

"Oo naman."

"Sige Sahara pero kapag may nangyari sayo tawagan mo agad kami ha! Ingat ka sa pag-uwi!"

"Bye guys!" Pagpapaalam ko sa kanila bago ako umalis.

Nag-lakad lang ako pauwi. Hindi ako sumakay ng jeep o taxi dahil ayokong gumastos. Nagtitipid talaga ako ng pera dahil kailangan kong mag-ipon ng malaki bago matapos ang school year na 'to.

"Hey Sahara!" Laking gulat ko na biglang sumulpot sa harapan ko si Giezell. Kasama niya rin ang dalawa niyang kaibigan na sina Max at Sandra. Napa-atras ako ng kaonte dahil bigla akong kinabahan sa kanila.

"Bakit kayo nandito? Sinusundan niyo ba ako?"

"Actually.. Yes? Hahaha!"

Sinabunutan niya ako at hinawakan naman ng dalawa niyang kaibigan ang braso ko. Dinala nila ako sa gilid ng isang malaking bahay.

Itinulak nila ako sa pader at binigyan ako ni Giezell ng malakas na sampal ng tatlong beses. Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Pinagtatawanan naman ako ng dalawa niyang kaibigan.

"Alam mo Sahara, mas lalo mo akong ginagalit tuwing nakikita ko 'yang pagmumukha mo!" Asik niya na may kasamang batok sa ulo ko. Napa-luhod naman ako sa sobrang sakit.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now