Chapter 37 "Luther's ex-girlfriend"

212 13 1
                                    

Nagtinginan kaming dalawa ng masama sa isa't isa. Ang isa niya namang kasama ay bumaba sa bike niya at hinarap ako. Nakapameywang siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ang sama mo! Bakit mo nagawa sa 'kin 'yon? May nagawa ba akong masama sa'yo para gawin mo 'yon sa 'kin!"

"Tinataasan mo ba ako ng boses?"

"Hindi ba halata?" Matapang kong sabi.

"Max, alam mo na gagawin mo diyan."

"Oh! Yes, I am" sabi ng kanyang kasama. Bigla niya akong sinabunutan at hinigit bigla. Dinala niya ako sa hindi pamilyar na lugar at kung sa'n walang taong dumadaan. Binitawan niya na ang buhok ko at sabay tinulak niya ako sa pader. Pinilit niya rin kinuha ang bag ko sa 'kin.

"Anong balak niyong gawin sa 'kin?" Pagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa 'kin ng masama hanggang sa dumating na ang bruha at sabay bumaba ng bike niya. Lumapit siya sa 'kin at bigla akong sinampal. Napa-aray nalang ako sa sobrang lakas ng pagkasampal niya sa 'kin.

"Do you know who I am? Well, ako lang naman ang ex-girlfriend ng nilalandi mong kaibigan mo na si Luther."

"A-Ano?"

Siya ang ex-girlfriend ni Lulu? Pati ba naman ang ex-girlfriend niya ay isinikreto niya sa 'kin? Bakit walang sinasabi sa 'kin si Lulu about sa ex-girlfriend niya at kay Kairos? Akala ko ba walang taguan ng sikreto pero ano 'to?

"Tsk! Kawawa ka naman, hindi man lang sinabi sa'yo ni Lulu ang tungkol sa aming dalawa."

"Ano bang pakialam ko? Ang gusto ko lang malaman kung bakit mo ako binigyan ng pekeng pera kahapon."

"Iyon ba? Hahaha! Eh sino ba naman tanga at uto-uto na magbibigay ng ganong halagang pera sa hindi kilalang tao? Malay ko ba na magnanakaw ka or ano pa. At saka alam mo kung bakit ko 'yon nagawa? Dahil 'kaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagbabalikan ni Luther! At ang mas masakit pa do'n ay pinili niya ang isang tulad mong babae kaysa sa 'kin!" Pagpapaliwanag niya sa 'kin. Wala akong ma-isip na pwedeng sabihin sa kanya dahil naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung bakit ako ang pinili ni Lulu kaysa sa kanya.

"Alam mo naaawa ako kay Luther, alam mo kung bakit? Dahil wala siyang maaasahan sa'yo sa isang tulad mo na mahirap at masagwa!" She shouted. Nagulat ako sa sinabi niya sa 'kin. Nagngingitngit ako sa galit.

"Alam ko na kung bakit nagawa kang iwan ni Lulu, dahil diyan sa masama mong ugali! Alam mo maganda ka na sana eh, kaso nga lang ang sagwa naman ng ugali mo!" Inis kong sabi sa kanya. Nakita ko ang kanyang mata na lumaki pagtapos kong sabihin 'yon sa kanya.

"Tsk! Sige lang, ganyanin mo ako. Tingnan lang natin yang tapang mo." Maarte niyang sabi sa 'kin.

"Nice! Buti nalang nakarating ka na." Pahayag ng isa niyang kasamang babae o si Max. May isang babae na lumapit sa amin na sakay din ng bike na may dala-dalang paper bag.

"Arte ka pa ba? Buti nga nakahabol pa ako!"

Sandali.. Bakit hindi ko 'to naisip agad kanina? Yung babae na kakarating lang ngayon at si Max, parang narinig ko na ang boses nilang dalawa. Hindi ako pwedeng magkamali, silang dalawang babae yung nag-uusap sa likuran ko kahapon sa court! So ako pala yung babae na pinag-uusapan nila kahapon.

"Oh Giezell, ayan na yung pinabibili mo sa McDo. Large na French fries at dalawang bote ng ketchup." Giezell pala ang pangalan ng ex-girlfriend ni Lulu.

"Salamat naman Sandra." Sabi ni Giezell at sabay kinuha ang paper bag sa babae na nangangalang Sandra. Nilabas niya ang large French fries at ang dalawang bote ng ketchup. Binigay niya sa dalawa niyang kasama ang dalawang bote ng ketchup.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now