Chapter 6 "When I look at you"

309 14 1
                                    

"Ano?!"

Sigaw ni Lulu. Nagulat naman ako sa reaksyon niya. Ano bang nangyayari? May masama bang nangyari?

"Oh sige, sige.. Pupunta na agad ako diyan", pahayag niya at sabay niyang ibinaba ang phone niya. "Anong nangyari?"

"Inatake sa puso si coach at kailangan kong pumunta ngayon sa ospital. I'm very sorry Antena hindi kita maihahatid sa bahay niyo ngayon. Patawad talaga"

"No it's ok, mas importante 'yan kaya umalis ka na ngayon na. Kaya ko naman ang sarili ko so you should go"

"Salamat Antena, babawi talaga ako sa'yo. Ingat ka sa pag-uwi, bye Antena!" paalam niya bago siya sumakay ng taxi. Sana maging ok lang ang lahat..

Lumakad na ako kahit na pagod na pagod na ang paa ko kakalakad.

"Sara!" May tumawag sa pangalan ko sa likod kaya nilingon ko 'to. Nakita ko sina Amelia at Allison na papunta sa akin. Naka suot pa rin sila ng uniform. Nag-gala na naman siguro ang dalawang 'to.

"Kayo pala.."

"Are you going home now? Where did you go?"

"Oo pauwi na ako, nilibre kasi ako ni Lulu sa Jollibee. Ihahatid niya sana ako pauwi kaso may emergency eh kaya hindi natuloy." Matagal na nilang kilala si Lulu dahil araw-araw ko siyang kinukuwento sa kanila. Noong una nilang pagkikita, inakala nila na boyfriend ko si Lulu. Ka-close na rin nila si Lulu at lagi nila akong inaasar na magkakatuluyan daw kami balang araw. Hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi nila dahil mag-kaibigan lang talaga kami ni Lulu. Isa pa loyal ako sa crush ko, si Kairos. Actually si Kairos ang pangalawa kong nagustuhan. Ang first love ko? Mukhang malabo na makikita ko pa siya..

"Ganon ba? Hoy balita namin na ikaw daw ang napiling kakanta sa prom? Is that true?" Gosh! Ang bilis naman ata kumalat ng balita. "Oo nga eh, actually hindi ko talaga inaasahan 'yan. At ang isa pa, wala pa akong naiisip na pwedeng kantahin. By the way, as in kalat na talaga?"

"Don't worry sa higher sections lang naman kumakalat ang balitang 'yon. Naiinis nga sila bakit pa daw sa lower section sila pumili." Sabi ko na nga ba eh! Alam kong mangyayari talaga 'to. But its ok, sanay na kaming kinaiinisan ng mga estudyante sa higher sections. Pag-dating kasi sa mga talent na 'yan, kami ang panalo diyan. "Wala ka pang napipili kahit isa?"

"Amelia, kilala mo naman 'yan si Sara diba? Hindi 'yan masyadong mahilig sa music kahit maganda boses niyan! Kung ano lang ang sinabi sa kanya na kakantahin niya, 'yon talaga ang kakantahin niya." Kilala na talaga nila ako. Yep! Hindi ako masyadong mahilig sa mga music kahit na marunong akong kumanta. At saka puro rock lang naman ang hilig ko sa music. Alangang mag-rock ako doon sa prom edi nag-mukha akong ewan. At tama rin siya na kung ano ang sinabi sa akin na kakantahin ko, pag-aaralin ko 'yon at 'yon na talaga ang kakantahin ko. Ang weird ko ba? Hehehe!

"Paano kung tulungan ka nalang namin ni Allison?"

"Yeah! That's a great idea!"

Tulungan nila ako? Well, tatanggi pa ba ako?

"Sure why not?!"

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Pumunta kami sa bahay ni Amelia para tulungan nila akong pumili ng kanta para sa prom. Wala naman sila sinabi sa akin kung ilan ang kakantahin ko. Kaya kahit isa pwede na 'yon.

Mayaman sina Amelia dahil business man ang kanyang dad. Sa public school nalang daw siya pinagaral dahil do'n din naman grumadate ang mga kapatid niya. Nasa kwarto niya kami ngayon at naghahanap sa YouTube na kakantahin. Tahimik kaming naghahanap habang kumakain ng mga street foods.

My Door of HappinessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ