Chapter 56 "Remember me"

211 10 7
                                    

"Matagal tayong hindi nag-kita.. Nosh.." sabi niya.

"Kung ganon, naalala mo pa pala ako.."

"Hinding-hindi kita makakalimutan. Lalo na ang pangako mo na napako."

Magkababata kaming dalawa ni Luther. Hindi ko na siya nakita pa noon pagtapos nilang umalis sa lugar namin. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa pala siya ngayon. Malaki na ang pinagbago naming dalawa kaya medyo hindi na namin nakilala pa ang isa't-isa. Pero sa puso't isipan, kilala namin ang isa't-isa.

Flashback

Habang naglalakad na ako pauwi sa bahay, nadatnan ko si Luther sa labas ng bahay nila na umiiyak. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Luther bakit ka umiiyak?"

"E-Eh kasi aalis na kami sa lugar na 'to. Iiwan ko na ang kaibigan kong babae" sagot niya.

"Ganon ba? Alam niya ba?"

"Hindi eh!" sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-luha.

"Kapag sinabi mo sa kanya, alam kong maiintindihan ka niya. Ganon ang mag-kaibigan!" paliwanag ko sa kanya na ikinatigil niya naman sa pag-iyak.

"Ganon ba 'yon? 'Di ka nagbibiro?"

"Hindi Luther! Kaya tahan na!" sabi ko sa kanya at sabay siyang nginitian.

"Nosh.. Sa tingin mo, ano pwede kong gawin para maging masaya pa rin siya sa oras na mawala na ako sa tabi niya?"

"Hmm.."

Nag-isip ako na magandang gawin at hanggang sa..

"Aha! Alam ko na! Bakit hindi muna ako ang pumalit sa 'yo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ako muna ang magiging kaibigan niya hanggang sa bumalik ka na. Papasiyahin ko siya tulad ng pagpapasaya mo sa kanya. Ayos ba?" paliwanag ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti at sumang-ayon sa idea ko.

"Ang galing ng naisip mo! Basta Nosh, i-pangako mo sa 'kin na gagawin mo ang lahat para sa kanya ha! Huwag mo siya iiwan!"

"Pangako!" masiglang sabi ko sa kanya. Nginitian namin ang isa't-isa at tumawa.

End of Flashback

Nangako ako sa kanya na hindi ko iiwan si Ange at papasiyahin ko siya hanggang sa bumalik siya. Hindi ko natupad ang mga 'yon dahil nga sa nangyari sa pamilya ko.

"Anong ginawa mo? Tingnan mo ang nanyari kay Ange... Para siyang nawala sa sarili niya na hindi alam lagi kung anong gagawin. Kasalanan mo 'to lahat!" Inis na sabi niya sa 'kin.

Binalewala ko nalang ang sinabi niya. Lalakad palang sana ako paalis pero pinigilan niya na naman ako.

"Sandali.. Alam mo bang.. Si Sara at Ange ay iisa?"

"Oo.." tipid kong sagot.

"Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?"

"Luther, kung ano man ang nagawa ko noon, tutuparin ko na 'yon ngayon."

"Tutuparin? Paano? Eh 'di ba nga nadukot nila si Sara kaya paano mo tutuparin ang pangakong 'yon?!"

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now