Chapter 49 "Finally"

196 10 1
                                    

"Lulu!"

Lahat kami ay nagulat sa ginawa ni Lulu kay Giezell. Binigyan niya 'to ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Namula 'to at bumakat ang kamay ni Lulu sa pisngi niya. Halos mangiyak-iyak siya at masamang tumingin kay Lulu.

"Pero dahil sa ginawa mo kay Sara, gusto kitang saktan."

Tulalang naka-tingin si Giezell kay Lulu at hindi makapaniwala na nagawa ni Lulu 'yon sa kanya. Halos ako rin ay hindi makapaniwala. Hindi ko aakalain na magagawa ni Lulu 'yon kay Giezell para lang sa 'kin.

Nanginginig ang katawan ni Giezell at hindi maka-galaw. Para siyang na-freeze sa ginawa ni Lulu sa kanya. At sa tingin ko hindi niya tanggap na nagawa sa kanya 'yon ni Lulu.

Tinalikuran ni Lulu si Giezell at bumuntong hininga. Lumapit siya sa 'kin at dahan-dahan akong binuhat. Hindi ako makapag-salita dahil iniisip ko pa rin ang ginawa ni Lulu kay Giezell.

"Kairos tama na 'yan! Kailangan pa natin dalhin si Sara sa ospital!"

Sumunod naman si Kairos sa sinabi ni Lulu. Lumapit siya sa amin pero tumigil siya at tiningnan niya ang tatlo niyang kaibigan na tuloy pa rin sa pag-sira ng sasakyan.

"Tama na 'yan guys, umuwi na kayo!" Utos ni Kairos sa kanila. Agad naman sila sumunod kay Kairos.

"H-Hindi pa tayo tapos! Babawi ako! Maghihiganti ako!" Galit na sabi ng lalaki habang naka-tingin siya ng masama sa 'kin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at mas lalong sumikip pa ang dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko at nag-aalala naman sa 'kin si Lulu.

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Hinihintay ko sila Lulu at Kairos dito sa waiting area. Si Lulu ay nasa office ng doctor na nag-gamot sa 'kin kanina at kinakausap siya ngayon. Si Kairos naman ay nasa labas kasama ang tatlo niyang kaibigan. Nagamot na ang mga galos at sugat ko at hindi na rin sumisikip ang dibdib ko. Inabot kami ng dito ng ilang oras. Inaalala ko ang mama ko. Pa'no kung makita niya ang mga natamo kong galos at sugat? Anong ipapaliwanag ko sa kanya?

"May masakit pa ba sa'yo?"

Hinanap ko kung kanino ang tinig na 'yon. Nakita ko si Kairos sa hindi kalayuan. Nakatayo siya at pinagmamasdan ako ng mabuti.

"Ok na ako Kairos kaya wala ka na dapat pang ipag-alala."

"Don't lie to me," seryoso niyang sabi habang palapit siya sa 'kin. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang mga galos at sugat ko.

"Hindi namin inakala ni Luther na magagawa 'yon sa'yo ni Giezell. Hindi namin alam na.. Iyon pala ang totoong siya. Sorry for what happened earlier and please.. You might say that's all ok, but I don't think it's ok. Ayoko sa lahat ang nagsisinungaling sa 'kin, ok?" Mahinahon niyang sabi habang naka-ngiti siya ng matamlay. Nakatitig siya sa mga mata ko at parang sinasabi na huwag akong mag-sisinungaling ulit sa kanya. Natuwa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Syempre hindi ito ang tamang oras para humarot.

"I'm sorry Kairos.."

"No it's ok.. Huwag mo nalang ulitin sa susunod.."

"By the way, yung tatlong mong kaibigan.. Over protective sila sa'yo ah!" Pag-iba ko ng topic.

"Oh yeah.. Magsisisi ang mga 'yon kapag hindi nila ako nagawang protektahan o kaya malalagot sila sa dad ko." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit naman malalagot ang mga kaibigan niya sa dad niya? "Why?"

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon