Chapter 22 "My Roommate"

259 16 3
                                    

Oh no..

Hindi man lang ako na-inform na si Shaun pala ang magiging ka-roommate ko.

"I-Ikaw pala ang ka-roommate ko.." tiningnan niya lang ako at hindi ako pinansin. Ok? Snob? Ganon? Sungit talaga nito! Pasalamat siya tinitiis ko yang ugali niya. Bakit naman kaya siya ganon? Minsan ok naman siya kausap pero minsan hindi naman. Gulo niya!

Inayos niya ang kabilang kama at humiga ng naka-talikod sa 'kin. Dalawa ang kama dito at mag-kaharap pa. Malaki rin naman yung kwarto dito. May dalawang malaking cabinet at may terrace din dito. May isa pang pintuan dito at alam kong CR na 'yon. May isang maliit na sofa, may malaking TV at may aircon din. Wow naman! Ang sosyal naman dito!

Pumunta na ako sa isang kama at nilapag ang aking bag. Tiningnan ko ulit si Shaun at nakikinig na naman siya ng music sa earphone. Lagi naman siya gan'to, hindi pa ako nasanay.

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Nandito kami ngayon ni Yasmin sa kainan. Nandito rin ang iba naming mga kaklase at yung iba naman ay namamasyal.

Magkatabi kami ngayon ni Yasmin at sabay kaming kumakain. Libre lang ang mga pagkain namin dito kaya kahit damihin namin ang ulam ay ok lang. Hindi naman kami ganon katakaw kaya sakto lang ang pagkain na kinakain namin ngayon.

"What? Si Shaun ang ka-roommate mo?" Tinakpan ko ang bibig ni Yasmin dahil sa sobrang lakas ng bibig niya.

"Ano ba tumahimik ka nga!"

"Opps sorry.. Nabigla lang talaga ako. And you know, pasalamat ka si Shaun ang naging ka-roommate mo hindi yung mga impakta. Swerte mo nga eh!" sabi niya sa 'kin na ikinagaan naman ng loob ko. Tama nga naman siya. Ma-swerte talaga ako at si Shaun ang naging ka-roommate ko.

"Bahala na.. Eh ikaw? Sino ka-roommate mo?"

"Si Joshua..." mahinhin niyang sabi. Si Joshua lang naman ang escort sa classroom namin. Mabait, gwapo at palatawa si Joshua kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya sa classroom.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Crush mo si Josh noh?!"

"Huh? Grabe ka naman sa 'kin! Matakot ka nga sa sinasabi mo.. Imposible na magustuhan ko 'yon. At isa pa hindi kami bagay," malungkot niyang sabi. Kahit na mag-deny pa siya sa 'kin, halata naman na may gusto siya kay Josh. May pagkakataon rin naman na magustuhan siya ni Josh, 'yon lang kung ayusin niya ang sarili niya. Kulot, may nunal sa gitna ng ilong at naka-salamin siya. Tulad nga ng sinabi sa 'kin ni Kairos no'n, ginawa niyang nerd ang sarili niya. Pero para naman sa 'kin ay maganda siya.

"Ewan ko sa'yo.."

Pagtapos naming kumain ni Yasmin, gumala-gala kami at nagpicture-picture. Tuwing nakikita namin sila Kaesha ay tinataguan namin sila. Gabi na ng maka-balik na kami ni Yasmin sa kwarto namin.

Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Shaun na walang suot na damit pang-itaas. Aksidente kong nakita ang kanyang katawan. Malalaki ang muscle at may abs pa.

Oh shit!

"Ahhh! T-Teka hindi ko sinasadya! Hindi kita sinisilipan!" Taranta kong sabi habang tinatakpan ko ang mata ko. Tumalikod nalang ako sa kanya at hiyang-hiya ako sa pangyayari. Nakakabuwiset! Bakit pa kasi dito siya nagpalit ng damit? May CR naman eh!

"Ok na.." pahayag niya kaya tumingin na ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nakita ko kanina. Humiga na siya sa kama niya at nakinig ng music sa headset.

Huminga ako ng malalim at pilit na inaalis ang nakita ko kanina. Ano ba naman 'to!

Pumunta na ako sa kama ko at humiga na para matulog.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now