Chapter 57 "Escape"

185 16 2
                                    

"Hi dear!" bati naman sa 'kin ng foreigner.

Wala na ba talaga akong magagawa?

Lalapit palang sana siya sa 'kin ng sigawan ko siya.

"WAG KANG LALAPIT!"

"Oh no dear, please don't be mad at me. Just relax and let's make out."

Bigla niyang hinila ang paa ko at natumba naman ako sa kama.

"HUWAG!"

Sumampa siya sa taas ko pero lumaban ako sa kanya. Tinulak ko siya ng malakas at nahulog naman siya sa kama. Agad naman siyang tumayo at lalapit ulit sa 'kin pero pinigilan ko ulit siya.

"Fine! I'll do whatever you want but make sure that you give them a lot of money. Ok?"

"Sure, I'll give them half a million dollars but you are mine within one week. Ok?"

"Ok.. Now, let's do it.." kabado kong sabi. Huminga muna ako ng malalim at humiga sa kama ng maayos. Hinayaan ko siyang sumampa sa taas ko.

"You are so beautiful my dear" malambing niyang sabi. Hinalik-halikan niya ang aking leeg at hinawakan ang aking beywang.

Habang busy siya sa pag-halik sa leeg ko. Gagawin ko na ang plano ko. Pa-simple kong hinawakan ang kanyang likod at niyapos ito. Nakikiliti naman siya sa ginagawa ko. Pababa ng pababa ang kamay ko hanggang sa puwetan niya. Kinapa-kapa ko ang bulsa niya hanggang sa makapa ko na ang susi. Pa-simple kong kinuha ang susi sa bulsa niya. Pag-tapos kong makuha ang susi, inabot ko naman sa gilid ng kama ang flower vase. Nang maabot ko na 'to, bigla ko itong hinampas sa mukha ng foreigner.

"AHHH!!" napabalikwas ng kama ang foreigner at namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ko.

Agad naman akong bumangon sa kama at sinipa siya ng malakas para mas lalo siyang manghina. Agad akong kumilos para buksan ang pinto.

This is it! Pagkakataon ko na!

"Hey you! Anong ginagawa mo dito?!" agad naman nakuha ng atensyon ko ang dalawang lalaki sa hindi kalayuan. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.

"Hoy! Bumalik ka dito!"

Takbo lang ako ng takbo ng mabilis. Hindi ko alam kung saan ba ako patungo.

Dahil sa bilis ng pag-takbo ko, may nabangga akong babae. Siya ang babae na pinakiusapan ko kanina.

"Ikaw? A-Anong ginagawa mo sa labas? Hindi ba dapat---" hindi ko siya pinatapos na mag-salita.

"Wala akong oras para magpaliwanag basta kailangan kong maka-alis sa lugar na 'to. Nakikusap ako! Tulungan mo ako!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pero.."

"Na sa'n na siya? Hanapin niyo!" mas lalo akong kinabahan nang marinig ko na ang boses ng mga lalaki na kanina pa ako hinahabol.

"Please.." pakikiusap ko sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan na mapa-luha.

"Sumama ka sa 'kin" sabi niya at sabay na hinila ang aking kamay. Dinala niya ako sa isang room na puno ng mga kahon. Inalis niya naman isa-isa ang mga kahon na patong-patong hanggang sa may nakita akong isang maliit na lusutan.

"Dito ka na dumaan, papunta 'to sa labas. Malamang hindi mo pa alam ang lugar na 'ito. Basta kapag nasa labas ka na, pumunta ka sa gubat. Huwag kang pupunta sa harap ng building dahil maraming bantay do'n. Diretso ka lang at may mahahanap kang kalsada do'n. Naiintinidihan mo ba ako?"

"Salamat talaga!" sabi ko at sabay siyang niyakap.

"Sumama ka na sa 'kin!"

"Hindi puwede... Kapag tumakas ako, papatayin nila ang asawa ko na nasa ospital. Sige na umalis ka na, sabihin mo nalang sa mga pulis ang tungkol dito."

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon