Chapter 36 "The Past"

212 16 2
                                    

"Kairos?"

"Sara, anong ginagawa mo dito?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya pero hinabol naman ako ng security guard at pilit na pinababalik ako sa upuan ko.

"Miss ano pong ginagawa niyo?"

"Kairos, tulungan mo ako! Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako!"

"Manong guard, ok lang po. Kakausapin ko lang po siya.."

"Sige po pero hindi ko po siya maaaring iwanan" pahayag ng security.

"Sara, ano bang ginawa mo?"

"Kairos wala akong ginagawang masama. Gan'to kasi 'yon, may nabangga akong babae kanina at hindi ko sinasadya na matapon yung buko shake niya na binili niya dito sa restaurant na 'to. Nag-sorry ako sa kanya at sabi ko na bibilhan ko siya ng bago, pero tumanggi siya sa gusto ko. Ang gusto niya ay siya ang mag-bigay sa 'kin ng pera at 'yon ang ipambayad ko sa buko shake na bibilhin ko dito. Pero pagkabigay ko ng pera sa babae ay sabi niya na peke 'to at wala akong kaalam-alam.. Kairos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil tumawag na sila ng police. Kairos tulungan mo ako.." pagmamakaawa ko sa kanya. Napahawak nalang ako sa kamay niya sa sobrang taranta ko. Hindi ko muna pinansin ang feelings ko sa kanya kundi kung paano masosolve ang problema ko dito.

"Ganon ba? Huwag kang mag-alala, akong bahala sa'yo.. --- Manong, na sa'n po si ninong?"

Ninong? Sino ang itinutukoy niya? At bakit siya sa security nagtanong?

"Nasa office niya po sir.."

"Salamat.. Dito ka lang Sahara, hintayin mo ako.."

"S-Sige..."

Umakyat siya sa taas kung sa'n naroon ang ninong niya. Bumalik ako sa in-upuan ko kanina at hanggang ngayon pa rin ay binabantayan ako ng security nila dito.

Hindi naman nagtagal ay bumaba na rin si Kairos na may kasamang matandang lalaki. Siya na siguro ang ninong ni Kairos.

"Siya ba Kairos?"

"Opo ninong, siya nga po.."

"Sige, ako ng bahala.."

"Salamat po ulit ninong, babalik nalang po ulit ako mamaya"

Lumapit sa 'kin si Kairos at hinawakan ang kamay ko at hinigit ako papalabas ng restaurant.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa hindi malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Kairos? Papaano na yung restaurant? At saka yung tungkol sa pekeng pera?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Huwag mo ng intindihin 'yon, maayos na ang lahat. Si ninong ang manager ng restaurant na 'yan at sinabi ko sa kanya ang totoo"

Sabi ko na nga ba yung matandang lalaki na kasama niya kanina ay ang kanyang ninong, pero hindi ko akalain na siya pala ang manager ng restaurant na 'to. Buti nalang nandito si Kairos para tulungan ako. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa sa 'kin ng nakabanggaan ko na babae kanina. Sa tingin ko sinadya niya talaga na ibigay sa 'kin ang pekeng pera na 'yon. Maganda nga siya pero masama naman ugali niya. Hindi ko akalain na naisahan niya ako do'n.

"Salamat Kairos... Buti nalang nandito ka, salamat talaga"

"Nako wala 'yon, at saka ikaw pa ba." Medyo kinilig ako sa sinabi niya pero seryoso ang usapan namin ngayon kaya inayos ko ang sarili ko.

"Hindi ko akalain na niloko ako ng babaeng 'yon. Sinasabi ko na nga ba't may hindi magandang dulot ang picture na 'yon eh!" Sabi ko sa sarili ko at umupo sa upuan sa tapat ng restaurant.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now