Chapter 25 "Lies..."

249 13 1
                                    

Athena Sahara Mihaela POV

Nagising nalang ako nang biglang sumakit ang aking ulo. Pagmulat ko ng aking mata, saka ko nalang nalaman na nasa Clinic ako. Naka-tayo sa tabi ko si Yasmin. Nandito rin ang adviser namin, nasa kabilang gilid ko naman siya at naka-upo siya at pinagmamasdan ako. May dalawang babae sa likod niya at naka-tingin sila sa 'kin.

Paano ako napunta dito? Papaano ako naka-ligtas? Wala man lang ako maalala.. Bakit?

"Mihaela? Ok ka na ba? Ano pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ng adviser namin.

"Ok naman po ako ma'am, ayos lang rin po yung pakiramdam ko.. Huwag na po kayo mag-alala.."

"Kung ayos ka na, pwede mo bang sabihin sa 'kin ang nangyari sa'yo kagabi?"

"Po? Kagabi po?"

Sila Kaesha..

Hindi.. I'm so sorry..

"Kagabi po kasi may pusa akong nakita, sobrang cute niya po kaya sinundan ko po siya. Pumunta po siya sa gubat at nang mawala na po siya sa paningin ko, saka ko nalang nalaman na naliligaw na po pala ako. D-Dahil po sa takot ko, napa-atras ako at hindi ko namalayan na may malalim na hukay po pala sa likod ko. Nahulog po ako sa hukay at dahil po sa sobrang taas na laglag ko, nagkaroon po ako ng maraming sugat at pasa. Iyon po ang lahat na nangyari.."

Sorry...

Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat na nangyari. Ayoko ng lumala pa ang problema ko. At hindi ko rin kayang sabihin ang totoo dahil baka ma-paano pa sila Kaesha.

"Hay nako Mihaela, sa susunod mag-ingat ka na ha."

"Yes ma'am, at nakikiusap rin po sana ako sa inyo na huwag niyo na pong sabihin sa mama ko ang nangyari sa 'kin", pakikiusap ko. Ayokong malaman ng mama ko ang tungkol dito, ayoko siyang mag-alala sa 'kin.

"Sige basta mag-iingat ka na ulit, pagaling ka na muna. Sinabi ko na sa lahat na mamayang hapon na tayo uuwi. Maiwan na kita at marami pa akong gagawin, nandito si Yasmin para bantayan ka"

"Sige po ma'am, maraming salamat po.."

Nang maka-alis na si ma'am at ang dalawa niyang kasamang babae, napansin ko ang tingin sa 'kin ni Yasmin.

"That's not true.. Am I right? You lied.."

"Sorry Yasmin, pero ayoko ng lumala pa yung problema.. Mas mabuti ng i-sikreto ko 'to.."

"Pero pa'no kung mas lumala pa ang pagpapahirap sa'yo nila Kaesha? Ano na mangyayari sa'yo niyan?" Bigla akong napa-isip ng sabihin 'yon sa 'kin ni Yasmin. Oo alam kong mas lala pa 'to kapag pinagpatuloy kong pagtakpan sila Kaesha sa lahat ng ginawa nila sa 'kin.

"I don't know, lalayo nalang ako sa kanila.."

"Lalayo? Jusko naman Sara! Eh layo ka na nga ng layo sa kanila eh, oh tapos anong nangyari?" Hindi nalang ako nag-salita pa at nag-isip nalang na kung anong pwedeng gawin para hindi na ma-ulit pa ang nangyari sa 'kin ngayon. Pero parang imposible 'yon.

"Alam mo pasalamat ka nga eh, kung hindi ka sana nahanap ni Shaun, nako siguradong wala ka na.." Teka.. Anong sabi niya?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin, niligtas ka ni Shaun kagabi.."

Niligtas ako ni Shaun kagabi? Na naman?

"Ahh.."

"Oh ayos ka lang?"

"Oo ayos lang ako, sumakit lang ulo ko.."

Naalala ko na ang lahat na nangyari kagabi bago pa ako nawalan ng malay.

My Door of HappinessWhere stories live. Discover now