Kabanata 1

5.5K 114 7
                                    

Kabanata 1.

"Kan, sumabay kana sa'kin."

lumapit sa akin si James. Nakangiting umiling ako habang isa isang pinapasok ang mga gamit ko sa bag.

Kakatapos lang ng group study namin dito bahay ni Mich. Lima kaming lahat, ako, si Mich, si James, Anna, Grace at si Jeremy. Kakatapos lang din namin panoorin yung movie tungkol sa serial killer na kumukuha ng mga babae at kinukulong ito.

"Hay naku, Kan. Huwag kang sumabay diyan baka kung saan ka niyan dalin alam mo naman 'yang si James." Sabat ni Grace habang naglalagay ng lipstick sa labi niya.

Natawa ako at ganon din ang mga kasama namin. Kilala ko si James alam kong ganon siya pero alam ko naman din na hindi niya iyon gagawin sa akin dahil mag bestfriend kami.

"Tsk, sa tingin mo gagawin ko iyon kay, Kanari?" Sabi ni James at tinignan si Grace. May galit sa Mata nito.

"Mukha lang akong manyak pero malaki respeto ko kay Kan, at sa inyong lahat." Dagdag niya.

"Sumabay kana, Kan." Tumayo si Jeremy kaya tumingin lahat kami sa kaniya. "Isasabay ko na 'tong si Anna, at si Grace." Dagdag nito kasabay din ng pagtayo ni Grace at Anna.

"Hindi na! Malayo pa ang bahay namin maabala ka lang." Dahilan ko. Nahihiya akong tumanggi, ayokong magtampo siya sa'kin.

Gusto ko na sanang sumabay kaya lang siniko ako ni Mich kanina at sinenyasan na huwag na. Hindi na nag salita si James at padabog na dinampot ang bag niya sa sofa at nagmartsa palabas.

"Nagalit yata?" Tumingin si Anna kay Mich pagkatapos ay sa akin.

Umiling iling si Jeremy na nasa tabi ni Anna.

"Oa." Sabi nito, agad naman siyang nilingon ni Mich.

"Anong oa doon, Jeremy? Hindi mo ba napansin na wala siya sa sarili?" Humalukipkip si Mich. "Naka drugs ba kayong dalawa? High na high kayo simula kanina. Tuwang tuwa pa kayo sa pinanood na'tin may nakakatawa ba doon, huh?"

"Oa ka lang talaga, Mich!" Sigaw ni Jeremy kaya natakot kaming lahat.

"Ano ba! Huwag kang sumigaw nandito ang parents ko! Umalis kana nga!" Pigil na pigil na sigaw ni Mich.

Nakita kong lumayo si Anne at Grace kay Jeremy. Padabog na naglakad palabas si Jeremy at padabog na sinara ang pinto.

"My Gosh! Mabuti nalang at hindi tayo sumabay." nagkatinginam si Anna at Grace.

Pansin ko rin na iba ang kilos ni Jeremy at James kanina. Tawa sila ng tawa kahit wala naman nakakatawa. Pero hindi ko naisip na naka-drugs sila. mabuti nalang pala at hindi ako sumama baka ano pang mangyari sa'kin.

Hinatid kami ni Mich sa labas ng bahay nila, pero hanggang doon lang dahil bawal na siyang lumabas ng subdivision.

"Mag ingat kayo. Kanari, Grace, Anna." Sabi nito at isa isa kaming tinignan.

"Oo, salamat!" Nakangiting sagot ko.

Tumuloy na kaming tatlo at nang makalabas ng subdivision ay nakahiwalay-hiwalay din. Habang naglalakad pansin kong sinusundan ako ng itim na kotse sa likod.

Hindi naman ako kinabahan dahil nasa highway lang naman ito at baka nagkataon lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa pumasok na ako sa isang kanto kung saan wala ng mga sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan ang oras, pasado alas dose na kaya pala wala ng mga tao sa kalsada.

Siguradong nag aalala na sa'kin si Nanay dahil hanggang ngayon wala pa ako.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon