Kabanata 19

2.3K 75 29
                                    

Kabanata 19.

Sinulyapan ko ang dalawang bodyguards na nakabantay sa akin. Nakatingin sila sa akin kaya hindi ko pwedeng habulin si Xantheus.

"Sandali! Kinakausap pa kita." Sigaw ni James kay Xantheus.

Muli kong tinignan si Xantheus. Wala na siya hindi ko na siya makita. Gusto kong siyang puntahan pero kapag ginawa ko 'yon ay mapapahamak siya.

Nangingilid ang luha ko. Tumingin ako sa langit para pigilan ang pagtulo nito, ayokong sagutin si James kung magtanong siya kung bakit ako umiiyak.

"Ang yabang naman 'non kala mo kung sino." Komento ni Grace. Nakita Kong umirap siya.

"Oo nga! Pero mukha siyang gwapo." Sabi ni Mich kay Grace.

Nanatili lang akong tulala. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo halo, pananabik at takot.

"Kanari." Tawag ni James.

Palapit sana siya sa akin pero umatras ako palayo sa kaniya na ikinagulat niya.

"Huwag!" Pigil ko sa kaniya.

"Huwag mo kong lapitan o hawakan. Please lang James huwag!"

Pigil ko at lumayo sa kaniya, alam kong nandito si Xantheus, baka mapahamak si James kapag pinag patuloy pa niya ang paglapit lapit sa akin. Bakas sa mukha ni James ang pagkabigla sa ginawa ko. Ganon din si Jeremy at Mich.

"Bakit, Kanari. May problema ba?" Tanong ni Mich.

Tumingin ako sa kaniya.

"Wala naman."

Nag iwas ng tingin si James. Alam kong na offend ko siya sa sinabi ko. Pero wala akong pakealam kung na offend ko siya. Pinoprotektahan ko lang siya.

"Oo nga naman, Kanari. Bakit ayaw mong mag pahawak kay James." Sabat ni Jeremy.

"Walang sakit si James." Biro niya at tumawa.

"Hayaan niyo na tara na." Sabi ni James at naunang naglakad. Bakas sa boses niya ang inis.

Napailing iling nalang si Jeremy habang nakatingin sa akin. Sinundan niya si James kaya kami nalang ni Grace at Mich ang naiwan. Tumingin sa akin si Mich.

"Na offend yata si James." Sabi ni Mich.

"Hindi ka namin maiintindihan, Kanari." Dismayadong sabi ni Grace.

Huminga ako ng malalim. Yumuko ako dahil nahiya ako sa kanila. Alam kong mainit ang dugo ni Xantheus kay James kaya mapapahamak siya kung patuloy siyang lalapit sa akin. Bumuntong hininga si Mich. Si Grace naman ay sinundan na si James at Jeremy.

"Ang laki talaga ng pinagbago mo ngayon, Kan. Parang hindi kana yung dating, Kanari." Dismayadong sabi ni Mich bago sumunod sa kanila.

"Sorry." Iyon lang tanging nasabi ko.

Ngumiti lang si Mich pagkatapos ay sumunod na kay Grace. Isang beses ko pang tinignan kung saan dumaan si Xantheus bago maglakad para sundan sila.

Sa likod ko alam kong naka sunod lang sa akin ang mga bodyguards ni Bella. Kaya limitado ang mga galaw ko hindi ko alam kung paano ko sila matatakasan.

Nandito lang si Xantheus malapit lang siya sa akin. Ang kailangan ko lang gawin ay takasan sila para mapuntahan ko si Xantheus.

Tahimik lang ako habang panay ang tawanan nila Mich Jeremy at Grace. Tahimik lang din si James. kanina niya pa ako hindi kinakausap. Na offend nga talaga siya sa sinabi ko.

"Kanari, sakay tayo doon?" Sabi ni Grace. Tinuro niya ang roller coaster.

Takot ako sa mataas kaya hindi ko kayang sumakay doon.

No Escape Where stories live. Discover now