Kabanata 2.

4.6K 111 14
                                    

Kabanata 2.

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! May nakakarinig ba sa'kin diyan!" Pagmamakaawang sigaw ng isang babae galing sa labas ng kuwarto. Napalingon ako,

Hindi lang isang sigaw nasundan pa iyon ng isa pang sigaw at isa pa galing sa mag kakaibang boses. Ilan kaming lahat na nandito?

Ilang beses nagmura ang lalaki kasabay ng pagtingin niya sa pinto.

"F*ck!"

Malutong niyang mura pagkatapos ay tumayo. Tinignan niya ako.

"They're so annoying. Should I kill them? what do you think my tinker bell." Inangat niya ang baba ko.

Pero dahil sa sobrang dilim hindi ko makita ang itsura niya. Umiiyak na umiling lang ako, takot na takot ako at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Pakawalan mo na ako!" Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay at lumuhod sa harap niya.

"I heard those lines everyday, try to think a new one."

Ipinatong niya ang isang binti niya sa kama kasabay ng paghawak niya sa pisngi ko na mas lalong nag paiyak sa'kin. Takot na takot ako lalo na kapag naiisip na siya ang lalaki sa video na pumatay sa babaeng katalik niya.

Natatakot ako na baka patayin niya din ako. Hindi pwede! kailangan ko pang balikan si nanay, sigurado akong nag aalala na siya sa akin.

"Hinihintay ako ni nanay," Nakapikit ako habang patuloy ang pag hikbi. "Siguradong nag aalala na siya sa'kin ngayon. Pakiusap pakawalanan mo na ako." Walang tigil ako sa pag iyak, dumadating na sa puntong hindi na ako makahinga.

Hindi siya sumagot hanggang sa maramdaman ko nalang ang mainit at medyo magaspang na kamay na humagod sa tiyan ko pataas sa dibdib.

Lumayo ako agad at binalot ng kumot ang katawan ko habang paulit ulit na umiiling. Narinig ko mahinang pagtawa niya. Nakakatakot ang boses niya, sobrang nakakatakot.

"Give me your mom's, number."

"I'll tell her to buy a new daughter, to replace you. Para hindi siya na siya malungkot."

Parang baliw na tumawa siya. Nasisiraan na ba siya ng ulo! Akala niya ganoon lang iyon kasimple!

"Your b**bs are too small."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag iyak. Paano pa siya nakakatawa ng ganyan. Bakit siya ganyan?!

"Help me, please help me! Tulong!"

Napatingin ako sa pinto nang may sumigaw na naman at nasundan pa iyon ng isa pa. Isa pang sigaw. Para akong nakakarinig ng sigaw galing impyerno. Oh' nasa impyerno na talaga ako?

"Hindi pa ito ang impyerno."

Muli akong napatingin sa sinabi niya.

Umalis na siya sa kama at naglakad papunta sa pinto, doon palang ako nakahinga ng maluwag. Tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong kuwarto.

"Patatahimikin ko lang sila. Babalik ako, huminga ka muna."

Sabi niya kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pag bukas ng mga ilaw.

Lumiwanag ang buong kuwarto. Kulay pula ang disensyo nito, mula sa kurtina, kama, sofa, kumot at unan.

Tinignan ko ang katawan kong tanging suot lang ay isang kulay berdeng underwear. Pumasok sa isip ko ang sinabi niyang ako si tinker bell ganito kasi ang suot ni tinker bell.

Tumayo ako at lalapit na sana sa terrace nang biglang sumara ang pinto nito. Tumingin ako sa bintana at sumara din iyon.

Nanlumo ako at muli nalang umiyak. Bakit nangyayari sa akin ito? Paano ako makaka alis sa impyernong ito?

No Escape Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin