Kabanata 7

2.9K 85 8
                                    

Kabanata 7.

Na-aawa ako sa kaniya pero sa tuwing naiisip ko ang lahat ng kasamaan niya at pagpapahirap niya sa mga babae dito ay nawawala ang awa'ng iyon at napapalitan ng galit at pagkasuklam.

Kinabukasan ay ganon pa rin ang nangyari. Walang pagbabago nakakulong lang ako sa kuwartong ito habang wala siya. Pero ngayon nakalock na ang kuwarto ko kaya gustuhin ko man puntahan si Bella at si Jane para damayan sila ay hindi ko magawa.

Alam niya siguro na lumalabas ako ng kuwarto kapag wala siya.

Buong araw lang akong naka-upo sa kama habang nag iisip. Madaming bagay ang pumapasok sa isip ko. Katulad nalang kung paano ako makakaalis dito. Kung bakit ganon siya ka brutal at kung anong dahilan niya.

Kung dahil lang ba sa pera kung bakit niya ito ginagawa? Dahil sa tingin ko hindi.

Maganda ang pamumuhay niya base sa bahay niya masasabi kong hindi siya basta basta nangangailangan ng pera. Pero posibleng nakuha niya iyon dahil sa ransom money o galing sa illegal na paraan.

Napabuntong hininga nalang ako at muli nalang nagdasal.

Hapon nang bumalik si Xantheus. Pumasok siya sa kuwarto ko dala dala ang limang paper bag.

Nilapag niya ito sa harap ko habang nakatingin sa akin. Tinignan ko sandali ang paper bag at nag iwas agad ng tingin.

Hindi ko kailangan ng material na bagay. Ang kailangan ko ay ang nanay ko at kalayaan. Ang kailangan ko ay maka-alis dito at mabigyan ng hustisya ang ginawa niya sa akin.

Gusto ko siyang makulong. Hindi lang makulong pati ang mamatay.

"I bought you some clothes."

Sabi niya nakatayo siya sa harap ko.

"Don't worry it's not green."

Nitong mga nakaraang araw puro kulay green ang pinapasuot niya sa akin. Kagaya ng suot ni tinker bell.

Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatingin sa baba. Napapaisip ako kamusta na kaya ni Jane. Lulong siya sa droga kahapon okay na kaya siya ngayon?

"May gusto ka pa ba? Do you need something else? Tell me, ibibiga sayo lahat."

Tanong niya. Nakita kong hinubad niya ang jacket niya.

Napatingin ako sa braso niya nang makitang tumulo ang dugo doon. Anong nangyari sa kaniya? Hindi ko alam pero nag aalala nang makita iyon. Malaki ang sugat niya at tumutulo ang dugo nito.

"Are you hungry? I'll cook." Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad.

Tinawag ko siya. "May sugat ka."

Sabi ko nilingon niya ko.

"Yeah."

Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.

"Bakit hindi mo ginamot? Masakit ba?" Hindi ko namalayan hinahaplos ko na ang sugat niya.

Matangkad si Xantheus kaya kailangan ko pang tumingala kapag tinignan ko siya.

Tinignan niya lang ako sandali bago ito biglang napangiti.

"No I'm fine."

"Thank you for asking my tinker bell."

Napakurap kurap ako at agad na tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Tumalikod na ako at bumalik sa pwesto ko kanina.

Hindi na siya nagsalita at lumabas nalang ng kuwarto ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napailing iling ako at tinignan nalang mga damit ng binili niya.

No Escape Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum