Kabanata 21

2.1K 60 27
                                    

Kabanata 21.

Nagising ako na masakit ang ulo at katawan ko. Bahagya akong bumangon para tignan kung nasaan ako. Napatigil ako nang makita si nanay na natutulog. Hawak niya ang kamay ko habang nakaupo siyang natutulog ang ulo niya ay nakapatong sa kama.

"Nay, Nay." Sinubukan ko siyang gisingin. Nakita kong gumalaw ang kamay niya at nag angat ng tingin.

"Diyos ko, Nana!"

Niyakap agad ako ni nanay.

"Ano bang nangyari? Bakit nawalan ka ng malay? Sinubukan ka daw niyang kuhanin ulit sabi ng mga pulis."

Kinuha? Hindi niya ako kinuha ako ang kusang lumapit sa kaniya. Mali ang akala nila! Ako ang gusto gustong sumama sa kaniya!

"Hindi po! Hindi niya po ako kinuha. Mali po iyon." Wala na akong maiyak.

Hanggang kaya ko didipensahan ko si Xantheus. Kahit alam kong mali.

Wala ng luha lumalabas sa mga mata ko. Posible bang maubos ang luha? Hinagod ko ang likod ni nanay. Humarap naman siya sa akin at hinagkan ako.

"Kung ganon ano ang nangyari?"

Alam kong dapat hindi ako nag lilihim sa kaniya dahil ina ko siya. Pero hindi ko alam kung matatanggap niya ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. Hindi ko alam kung dapat ba ako mag tiwala sa kaniya kahit ina ko siya. Oo mahal ko siya at mahal niya ako. Pero baka hindi niya ako maiintindihan.

Baka sabihin niya na nilason lang ni Xantheus ang utak ko kaya ko nasasabi na mahal ko si Xantheus. Baka isipin niya na tinatakot lang ako ni Xantheus. Baka mas lumala lang.

Pinili ko nalang na huwag magsalita. Nanatiling tikom ko ang bibig ko wala akong sinabi sa mga pulis na kumausap sa'kin.

"Pwede mo bang sabihin sa amin kung saan ka dinala ni Xantheus nang gabing iyon?" Ang babaeng pulis na ang nagtanong sa akin. "Miss, katotohan lang po ang sabihin niyo at huwag kayo matakot poprotekhan namin kayo." Dagdag niya.

Nagpapatawa ba siya? Bakit naman ako matatakot? Kanino kay Xantheus? Hindi ko kailangan matakot sa kaniya mas nanatakot pa nga ako sa kanila ngayon.

"Ang totoo ay..." Tumingin ako sa kaniya. "Ang totoo ay wala. Wala siyang ginawa sa akin nang gabing iyon. Namasyal kami iyon lang."

Nagtinginan ang dalawang pulis na babae pagkatapos ay umayos ng upo. Nag iwas ako ng tingin.

"Miss, Seryosong bagay po ito katotohan lang po ang sabihin niyo. Huwag kayong matakot na magsabi sa amin." Aniya.

Napatingin ako sa babaeng pulis na nagtatanong sa akin. Tinanong nila ako at sinagot ko siya ng totoo ano bang gusto niya? Ang mag sinungaling ako at gumawa ng kwento.

"Hindi po ako nag sisinungaling. Totoo ang sinabi ko! Hindi niya ako sinubukang kunin ako ang kusang sumama sa kaniya. Hindi niya ako sinaktan."

Nagtinginan ulit silang dalawa. Kita ko sa mukha nila na hindi sila naniniwala sa akin. Inaasahan ko naman ito, kaya hindi na ako nagulat.

"Anong relasyon meron kayo ni Mr, Xantheus?" Ang babaeng may maikling buhok na ang nagtanong.

Natahimik ako hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na iyon. Bumukas ang pinto at  pumasok si Bella kasama si Jane ang isang pang babae. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko siya maalala.

"Goodmorning can I talk to her?" Tanong ni Bella sa dalawang babaeng pulis.

Tumingin ako sa babaeng kasama niya. Pilit na iniisip kung sino siya at kung saan ko siya nakita. Mugto ang mata ng babae at mukha siyang stress.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon