Kabanata 30

1.8K 53 15
                                    

Kabanata 30.

Ang gabing iyon ay ang pinaka masayang gabi para sa akin. Buong gabi kaming sumaway na para bang ako si Cinderella at siya ang prinsipe.

Pero sana pala hindi nalang kami natulog at nanatili nalang kami magkasayaw. Dahil pagkatapos ng isang magandang panaginip kailangan ng harapin ang reyalidad.

Nakatayo ako sa pinto habang umiiyak na nakatingin kay Xantheus habang inaaresto siya ng mga pulis. Maraming pulis naka paligid sa kaniya. Pinosasan nila Xantheus mula sa likod saka ito pinadapa. Maraming reporter ang kinukuhan siya ng litrato. Walang magawa si Xantheus kung hindi ang yumuko, Hindi siya nagsalita ng kahit ano.

Hindi ko alam na susuko siya kinabukasan.

Gusto kong lumapit sa kaniya pero hindi ko magawa. Walang lakas ang mga binti ko. Hinang hina ako. Pakiramdam ko mamatay na ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

"Huwag! Please hindi niyo siya kailangan tutukan ng baril ibaba mo 'yan!" Sigaw ko sa isang pulis nang tutukan niya ng baril si Xantheus sa batok.

"Nana..." Dinaluhan ako ni nanay.

"Kan." Lumapit na din sa akin si Grace.

Napaluhod ako habang walang humpay sa pag iyak. Napakapit ako sa braso ni Grace. Nakita kong tumayo si Xantheus kasama ang mga pulis na naglakad na sila papunta sa kotse.

Tumayo ako at tumakbo. Bahagya ng umaandar ang sasakyan ng mga pulis. May mga reporter din ang humahabol dito para kuhanan ng testamento si Xantheus.

"Xantheus!" Sigaw ko.

Hinawakan ni nanay ang braso ko kaya napahinto ako sa pag sunod sa sasakyan.

Nilingon ko siya. "Nay. Sundan po natin si Xantheus." Niyakap ako ni nanay ng mahigpit habang hinahagod ang likod ko.

Isa isa naman lumapit sakin ang mga reporter. Nilapitan ako ng babaeng reporter at tinutok ang microphone niya sa akin pati ang camera'ng hawak niya. Ganon din ang ginawa ng iba pang reporter.

"Ms. Yuu, totoo bang kinidnap ka ni Mr. Biersack at tinago ka niya dito?" Tanong ng babaeng reporter sa akin. Napapikit ako sa bawat tama ng flash ng camera nila sa mukha ko.

"Ms. Hindi bat nirape ka ni Mr. Biersack? Balak mo bang mag sampa ng kaso sa kaniya?" Tanong pa ng isa pang lalaking reporter.

"Tama na po!" Hinawi ko sila.

Tinulungan na din ako ng mga pulis sa pagpapalayo sa mga reporter. Sa hindi kalayuan nakita ko si Aira na naka-sakay sa loob ng kotse niya habang umiiyak. Hindi na din nagtagal ay umalis na ang sasakayan niya.

"Ms. Kanari! Pwede ka ba naming ma interview?" Sabi ng babaeng reporter na mula sa sikat na station.

Umiling ako at tinakpan ang mukha ko. Naglakad kami ni nanay at ni Grace papunta sa isang sasakyan na maghahatid sa amin sa presinto.

Doon pa lamang kami tinigilan ng mga reporter nang makasakay na kami. Ayaw huminto ng mga luha ko sa pag labas. Sobrang sakit lalo na ng nagpaalam na si Xantheus sa akin kanina. Sinabi niya na susuko na siya sa mga pulis ngayong araw. Pinigilan ko siya pero mas pinili niya ang sumuko. Ginawa ko ang lahat para kumbinsihin siyang sumama nalang kay Aira sa America.

Matagal na niyang balak sumuko, gusto na niyang magbago.

Saktong alas syete ng umaga dumating ang mga pulis. Tinutukan nila ng baril si Xantheus saka ito sinikmuraan para mapaluhod. Ilan beses akong nagmakaawang huwag nila siyang saktan dahil hindi naman siya lalaban. Sunod sunod na din dumating ang mga reporter.

No Escape Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt