Kabanata 26

1.9K 63 9
                                    

Kabanata 26.

Pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Xantheus. Balot na balot ang katawan niya ng comforter. Sobrang lamig kasi dito sa kuwarto.

Tinanong niya ako kanina kung gusto ko daw bang hinaan ang aircon. Ang sabi ko hindi gusto ko ang malamig kaya wala na siyang nagawa kung' di ang matulog ng ganyan.

Tinusok ko ang pisngi niya. Naglikot siya at binaba ang kumot hanggang sa kaniyang tiyan.

"Ugh, Kanari! What are you doing?"

Sabi ni Xantheus. Pinatong niya ang braso sa mata niya.

Sumimangot ako. Ang sarap ng tulog niya habang ako eto dilat na dilat dahil hindi ako makatulog.

"Xantheus, hindi kasi ako makatulog." Ngumuso ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Just close your eyes tinkerbell, and wait until you fall asleep." Paos na sagot niya.

"Sinubukan ko na iyon! Pero ayaw pa'rin." Ngumuso ako.

Umayos ako ng upo habang nakatingin sa kaniya. Ano bang pwedeng gawin para makatulog?

"Uhm, what do you want me to do?"

Nanatili parin siyang nakapikit.

Kung kakantahan niya ba ako? Makakatulog ako? Siguro naman oo. Sige iyon nalang.

Pinatong ko ang kamay ko sa tiyan niya. "Kantahan mo ako,"

Sandaling tinitignan niya ako at pumikit din ulit.

"I don't sing, I don't know how to sing."

"You want milk? Gagawan kita para makatulog ka."  Dagdag niya.

Hindi ako sumagot. Ngumuso lang ako at tumingin sa mga daliri ko. Pinaglaruan ko mga ito. Hindi ako makatulog kaya ayoko din siyang matulog. Alam ko ang childish non pero gusto samahan niya ako.

Umupo si Xantheus at hinawakan ang kamay ko. Huminga siya ng malalim habang nakatitig sa akin.

"Anong gusto mo?" Bulong niya habang hinaplos ang pisngi ko.

Hindi ako sumagot. Nanatili ang mga mata kong nakatingin sa baba. Hindi ko siya tinignan. Narinig ko ang muling pag hinga niya ng malalim.

"Hey,"

Hinalikan niya ang noo ko. Hindi parin ako sumagot at nanatili parin sa baba ang tingin. 

Nakita kong tumingin si Xantheus sa relo niya pagkatapos ay muling tumingin sa akin.

"Kukuhanan lang kita ng gatas."

Napatingin ako sa kaniya nang tumayo siya. Inayos niya ang suot na puting v-neck tshirt. Nilingon niya ako kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Wait for me. " Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan niya hanggang sa dumating siya. Bitbit niya ang tray na may lamang gatas at hot chocolate pati na din mga cookies. Nilapag niya ang mga ito sa kama sa harap ko.

"Milk or chocolate?" Tanong ni Xantheus.

Tinignan ko ang gatas at tinignan ko din ang hot chocolate. Parang mas gusto ko iyong hot chocolate.

Tinuro ko ang hot chocolate pero hindi parin ako ang nag salita. Kinagat ni Xantheus ang labi niya para magpigil ng tawa. Mas lalong humaba ang nguso ko.

"Here's your hot chocolate, honey."

Sabi niya at inabot iyon sa akin.

Kinuha ko iyon at agad na iniinom. "Ahh! Ang init." Daing ko. Ang tanga Kanari! Hot nga e ibig sabihin mainit.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon