Kabanata 20

2.2K 60 16
                                    

Kabanata 20.

"Done."

Kinuha ni Xantheus ang damit ko na nasa gilid ng upuan niya. Tinignan ko ang leeg ko na punong puno ng marks.

"Anong tawag dito?"

"Hickeys."

Sagot ni Xantheus.

"Hands up." Utos niya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti habang tinignan siya habang pinapasuot sa akin ang t-shirt kong suot kanina.

"Gusto mo rin?"

Umarko ang kilay ni Xantheus pagkatapos ay mahinang natawa. Ang kamay niya ay nasa bewang ko. Tumingin ako sa bintana malapit na pala kaming bumaba.

"What?" Tanong ni Xantheus.

Ngumiti ako at umiling.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gilid pagkatapos ay Tumingin ulit sa akin. Mahinang siyang natawa at halikan ang pisngi ko.

"Wear your jacket, let's go down." Utos niya.

Tumango ako at bumalik sa pwesto kanina. Sinuot ko ulit ang jacket ko sakto namang nasa baba na kami. Naunang bumaba si Xantheus para alalayan ako.

"It's late, I'll take you home." Sabi ni Xantheus.

Yumakap ako sa bewang niya at tinignan siya. Gusto ko pa siyang makasama, ayoko pang umuwi.

Ngumuso ako. "Pwede bang mamaya nalang." Parang batang sabi ko.

Tinignan niya lang ako. Hinawi niya ang buhok ko at inipit ito sa tainga ko. Para akong anak niya sa ginagawa niya.

"Aren't you tired?"

Dahan dahan akong umiling.

"Hindi pa. Ayoko pang umuwi."

"Fine." Sabi ni Xantheus at pinatakan ako ng halik sa labi.

"Talaga? Talaga?" Pangungulit ko.

"Yes." Tango niya.

Naglakad kami ni Xantheus papunta sa labas. Ngayon alam ko na hindi ito panaginip. Kasama ko nga siya at masaya ako dahil doon. Tinignan ko si Xantheus habang naka sakay sa motor niya. Saan kami papunta at bakit walang helmet?

"Get up."

Napatingin ako sa kaniya. Sasakay ako diyan? Pero takot ako sa mga ganyan.

"Safe ba iyan? Saka bakit walang helmet?"

"It's safe."

Nilahad ni Xantheus ang kamay niya.

"Trust me Tinker bell. Hindi kita ipapahamak." Sabi niya at tipid na ngumiti.

Huminga ako ng malalim bago sumakay. Humawak ako sa bewang ni Xantheus hindi nga hawak ang ginawa ko kung hindi yakap. Takot ako sumakay sa motor pero dahil kasama ko siya kakayanin ko ito.

Abot langit ang kaba ko nang nag simula na niya itong paandarin. Nung una sobrang takot na takot ako. Nakapikit ako at sobrang kapit na yakap ko sa bewang niya.

"Open your eyes tinkerbell, look the stars are following you."

Halos pasigaw na si Xantheus dahil kung hindi siya sisigaw hindi ko siya maririnig. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa langit. Nakita kong sinusundan ako ng mga bituin.

Ang ganda. Ang ganda ng mga bituin kumukutikutitap ito at ang gandang pagmasdan.

"Xantheus, ang ganda!" Manghang mangha ako sa nakikita ko.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon