Kabanata 14

2.2K 61 6
                                    

Kabanata 14.

Kalmadong humiga si Xantheus sa tabi ko pagkatapos ng pangatlong beses na pag iisa ng katawan namin. Hindi ko na alam kung ilang beses kong naabot ang sukdulan ko. Pagod na pagod na ako habang siya ay parang walang kapaguran. Pero kahit pagod ay ayaw ko paring tumigil siya.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko at humiga. Ginawa kong unan ang braso niya. Pareho kaming tahimik habang nakatingin sa kisame.

Bakit ko ito ginawa? Bakit hindi ako nagsisi sa ginawa kong ito.

"Are you happy? Masaya ka bang makaka uwi kana?"

Biglang tanong niya. Nilingon niya ako at hinaplos ang pisngi ko.

"Masaya, saan?"

"Dahil makakabalik kana."

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Oo. Masayang masaya ako dahil makikita at makakasama ko na si nanay. Xantheus, mangako ka hindi mo sasaktan ang sarili mo at hindi kana kukuha nga mga babae."

Tinignan niya ako sandali bago nag iwas ng tingin.

Tumagilid ako ng higa at yumakap sa bewang niya. Ito ang pinaka komportable posisyon sa lahat.

Hindi ko alam kung bakit ko nagagawa ito ngayon. Siguro dahil ito na ang huli at hindi na ito kailaman mauulit.

Ang isiping iyon ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang hindi na siya makita ulit ay nagpapalungkot sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

"Hindi mo dapat ito naranasan. An angel like you doesn't deserve this. Hindi mo dapat nararanasan umiyak, malungkot at mag hirap. I'm sorry, I'm sorry, my love"

Pumiyok ang boses ni Xantheus.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag umalis ako?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ni Xantheus.

"I don't know? Back to my normal life I guess."

Bumalik sa dating buhay? Ang ibig ba niyang sabihin ay kukuha ulit siya ng mga babae at pahihirapan ito. Bumangon ako at humarap sa kaniya. Nag tatakang tinignan niya ako kasabay ng pag ayos niya sa buhok niya.

"Ang ibig mo bang sabihin na babalik ka sa dati mong buhay. Ay kukuha ka ulit ng mga babae at papahirapan mo?" Bahagyang tumaas ang boses ko. "Akala ko nagbago kana. Mali pala ako." Dismayadong sabi ko

Umupo si Xantheus at Humarap sa akin.

"Magbago... Para kanino?"

"Para sa'kin? Hindi ba pwede iyon?"

"Paano mo makikitang nagbago na ako kung wala kana. That's stupid right?"

Paano ko nga malalaman na nagbago na siya kung hindi ko naman nakikita. Tama siya.

"Kahit na hindi ko makita. Gawin mo." Hinawakan ko ang kamay niya. Nakakatingin lang si Xantheus sa akin. "Gawin mo para sa sarili mo hindi para sa'kin!"

"Command me. I'll do everything you say..." Aniya.

"Xantheus..."

"I will only do bad things if I follow myself. But if I follow you I will do everything you say. My life has depended on you since I met you." Nagmamakaawa ang boses niya.

"Hindi... Hindi, Xantheus." Umiling ako.

Ayoko ng ganon.

"Do you love me?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nakakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal, mahal ko siya? Hindi ko siya mahal! Siguro bilang kaibigan oo pero hanggang doon lang.

No Escape Where stories live. Discover now