Kabanata 13

2.4K 68 6
                                    

Kabanata 13.

Hindi ko alam kung mabilis lang talaga ang paglipas ng araw at oras o ako lang ang nabibilisan. Ito na ang pang anim na araw ko sa tabi ni Xantheus. Bukas ang pang pitong araw.

Bukas aalis na ako.

Makakabalik na ako sa pamilya ko, makaka alis na ako sa lugar na ito. Kung tu-tuusin dapat masaya ako pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako nalulungkot.

Isang buwan at kalahati na akong nandito, pero sa isang buwan na iyon hindi naman puro masama ang nangyari sa'kin.

Ang pangalawa, pangatlong araw na kasama siya ay naging maayos para sa akin. Nangisda kami at ang nahuli naming isda ay 'yon ay ang kinain namin biglang tanghalian.

"Why are you crying?"

Tanong ni Xantheus habang iniihaw niya iyong isda. Suminghot ako, kawawa kasi iyong isda.

"Xantheus, kawawa iyong isda. Parang ayoko na siyang kainin huwag mo na siyang lutuin ibalik na natin siya sa dagat."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"We can't. It's almost cook."

"Pero..."

"It's okay, ako naman pumatay sa kaniya wala kang kasalanan." Malambing aniya.

Ang pangatlong araw naman ay pumunta kami sa sikat na pasyalan dito. Hindi ko talaga iyon inaasahan, hindi ko inaasahan na ilalabas niya ako.

"You want that?"

Tanong niya ang tinutukoy niya ay iyong tinitignan kong teddy bear.

"Ha? hindi naman masyado. Pero gusto ko, ayon iyong kulay pink.'

"Okay." Sagot niya.

Lumapit siya sa tindahan at binili ang teddy bear na tinutukot kom.

Medyo nawawalan ako ng hiya minsan.

Hindi siya nag isip na baka kapag nandoon na kami sa lugar na maraming tao ay mag sumbong ako. Hindi niya iyon inisip at hindi ko din iyon ginawa.

"Ano kayang iniisip niya."

Nakatingin ako kay Xantheus. Kanina pa siya naka upo sa buhangin sa dalampasigan.

Kanina pa siyang umaga nandoon. Magdadalawang oras na siyang na nakaupo lang habang nakatingin sa dagat. Huminga ako ng malalim at umupo sa hagdan sa tapat ng bahay.

Sa mga araw na magkasama kami masasabi kong hindi naman siya ganon kasama. Sa kabila ng kasamaan niya may natitira pa din itong kabutihan.

Paano ko nasabi iyon? Dahil sa pagligtas niya sa isang matandang lalaki na muntik na masagasaan ng kotse. At ang mga taong nakasakay doon ay pinagalitan pa ang matanda dahil sa katangahan nito. Na kung tutuusin kasalanan naman ng hambong na iyon dahil siya ang hindi huminto.

Kitang kita namin ni Xantheus iyon. Ang akala ko ay wala siyang pakialam pero nang tatayo na sana ako para lapitan ang mga ito ay inunahan niya ako.

Tinulungan niya ang matandang lalaki sa mga lalaking muntik na makasagasa sa kaniya na sila pa ang galit. Humanga ako kay Xantheus dahil sa ginawa niyang pag tatanggol sa matanda. At sa pagdadala niya dito sa hospital at pagbibigay ng pera.

Bare minimum kung tutuusin pero hindi ko kasi inaasahan iyon sa tulad niyang killer.

Siya na din nakipag areglo sa mga taong iyon. Hindi ko na makita ang Xantheus noon sa Xantheus na nakakasama ko ngayon.

Pakiramdam ko magka ibang tao na sila.

Sa tuwing binabasahan ko siya ng bible tuwing gabi, kunwari hindi siya nakikinig at natutulog siya. Pero ang totoo ay gising naman talaga siya at nakikinig sa akin.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon