Kabanata 3

4K 88 10
                                    

Kabanata 3.

"Don't move,"

Nagising ako nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa noo ko.

Pinilit kong dumilat kahit na hirap. Bumungad sa harapan ko si Xantheus nakaupo siya sa gilid habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko.

Mabilis akong bumangon dahil sa takot.

"Ayoko! Ayoko na!" Takot na takot akong ulitin niya ang ginawa niya sa'kin.

Lumayo sa kaniya. Binalot ko ng kumot ang katawan ko, halos siksik ko na ang katawan mo sa headboard ng kama.

"You're sick. How's your feeling?" Paos ang boses niya.

Sinubukan niya akong hawakan.

"Huwag please! Huwag!" Umiling ako nang paulit ulit habang umiiyak at takot na takot na baka may gawin na naman siya sa'kin.

"My hands are clean, I just wash it so why can't i touch you hmm?" Tumawa siya sandali pero sumeryoso rin agad.

Niyakap ko ang sarili ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko. At sobrang sakit ng ibabang parte ng katawan ko dahil sa paulit ulit na pang angkin niya sa'kin kagabi. Nakakadiri, ayoko na iyon maalala pa!

"H-Huwag kang lalapit please!" Umiiyak ako.

"Tama na! Ayoko na. Tama na! Please ayoko na!" Pumikit ako habang patuloy sa paghikbi. Sobrang hapdi na ng mga mata ko dahil simula nang napadpad ako dito ay umiiyak na ako.

Tulog lang yata ang pahinga ko dito.

Kahit sa panaginip ko hindi ko nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Hindi siya sumagot hanggang sa naramdaman ko ang pag angat ng kama. Idinilat ko ang mata ko at tinignan siya. Nakatayo siya at nakatalikod. Ang dalawang niyang kamay ay nasa bewang. Ilang beses pa siyang nagmura at hanggang ngayon ay wala parin siyang suot.

Nag iwas ako ng tingin. Hanggang sa makaramdan ng pagkahilo. Pinatong ko ang ulo ko sa kamay na nasa tuhod, katulad ng lagi kong ginagawa dati.

Ramdam ko ang init ng katawan ko at lamig. Patuloy parin ako sa pag hikbi habang iniisip si nanay at kung gaano nalang siya nag aalala ngayon.

"You look like a scared cat. Poor, tinkerbell."

Kung ganon bakit mo ito ginagawa sa'kin. Gusto ko lang umuwi, gusto ko ng umuwi.

"Kukuha lang ako ng gamot." Aniya at naglakad palabas ng kuwarto.

Doon palang ako nakahinga ng maluwag nang umalis siya. Pinilit kong tumayo para pumunta sa banyo. Nang makatayo tinignan ko ang kama kung saan niya kinuha ang kainosentehan ko at kung saan niya ako binaboy. May bahid ng dugo doon.

Tumulo nalang ang luha ko. Kahit hirap sa paglalakad pinilit ko hanggang sa makarating sa banyo. Agad kong nilinis ang katawan ko.

Sinabon ng sinabon na para bang mawawala ang mga bakas na iniwan niya kapag ginagawa ko iyon.

Kasabay ng pag-agos ng tubig ang pag-agos ng mga luha, habang paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang kahayupan niya.

Hanggang ngayon naririnig ko parin ang mga sigaw ko kagabi habang paulit ulit na nag mamakaawa na tumigil na siya. Pero wala siyang pinakinggan sa mga sigaw na iyon.

Napaka halimaw niya dahil hindi man lang siya nakinig. Wala siyang puso! Isa siyang baliw na rapist na mamatay tao. Isa siyang demonyo! Ang dapat sa kaniya patayin din para naman mabigyan ng hustisya ang mga babaeng pinatay niya.

"Tinker Bell."

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses niya. Nagsimula na naman manginig ang mga tuhod ko dahil sa takot. Nilock ko ang pinto at humarang doon para hindi niya mabuksan.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon