Kabanata 24

1.8K 62 14
                                    

Kabanata 24.

"Xantheus, ihatid mo muna ako sa bahay mag pa-paalam lang ako kay nanay." Sabi ko.

Nilingon ako ni Xantheus.

"Okay." Sabi niya at humarap ulit sa kalsada.

Ayoko naman umalis na hindi nag papa-aalam kay nanay. Ayoko na ulit nag mag alala siya dahil sa biglang pagkawala ko. Kailangan ko nalang ngayon ay lakas ng loob para sabihin kay nanay ang tungkol sa amin ni Xantheus.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pag kagat ko sa labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Kinabahan ako hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. At kinakabahan din ako sa magiging reaksyon ni nanay.

"Can I come with you?"

Napatingin ako kay Xantheus dahil sa sinabi niya. Nagtatakang tinignan ko lang siya hinihintay kung may sasabihin pa siya.

"Saan?"

"Sa bahay niyo. I want to meet your mom, Kung okay lang sa'yo."

Seryosong sabi ni Xantheus pero diretsyo lang tingin niya. Sandali akong natahimik at nag isip muna. Gusto niyang makita si nanay bakit?

"Bakit?"

"Because she's your mom and I want to apologize to her personally. Sa pagkuha ko sayo at hirap na binigay ko sa mommy mo."

Pumiyok ang boses ni Xantheus kasabay ng mahina niyang pag-mumura. Hinawakan ko ang kamay niya at pinag siklop iyon.

"Xantheus kasi... kasi baka magkagulo lang kapag nakita ka niya... B-baka tumawag siya ng pulis at i-pakulong ka."

Tumango si Xantheus at nilingon ako

"I understand. It's okay, honey." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

Kung alam mo lang kung gaano ko gustong ipakilala ka kay nanay at sa mga mahal ko sa buhay. Kung alam mo lang Xantheus, kung gaano ko gustong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita.

Huminga ako ng malalim at hinalikan rin ang kamay niya katulad ng ginawa niya sa akin natawa siya sa ginawa kong iyon.

"Sorry, gusto kong ipakilala ka kay nanay kaso galit siya sa'yo. Baka magkagulo lang ayokong mapahamak ka."

Nahihiya ako kay Xantheus baka isipin niya na ayaw ko lang talaga siyang ipakilala. Pero ang totoo ayoko siyang mapahamak.

"Hindi kita kinahihiya, Xantheus." Malungkot na sabi ko.

"I know, Kanari. I know." Malambing ang boses niya.

Tumango ako at tumingin ulit sa bintana. Alam kong medyo nalungkot si Xantheus kahit hindi niya sabihin kita ko sa mga mata niya.

"Dito mo nalang ako ibaba." Sabi ko nang makarating kami sa kanto.

"Hindi pa dito ang bahay niyo." Niilingon niya ako.

"Baka kasi may mga pulis sa tapat ng bahay namin kaya dito mo nalang ako ibaba."

Dinilaan ni Xantheus ang labi niya.

"Okay, take care."

Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay sa pisngi. Tumango ako at ngumiti. Tinanggal ko ang seatbelt at baba na sana nang hawakan niya ang braso ko.

"Bakit?" Tanong ko.

May kinuha si Xantheus sa bulsa niya. Nilabas nito ang isang maliit na papel na nasa itim na sobre. Inabot niya sa akin iyon. Kinuha ko iyon at tinignan, letter para kay nanay.

Tumingin ako kay Xantheus. "Gusto mong ibigay ko to kay nanay?"

"Yes, I wrote that letter for your mom. Hindi ako pwedeng humingi ng sorry sa kaniya sa personal kaya isinulat ko nalang. At hindi rin mababawasan ang kasalanan ko dahil sa sulat na 'yan. Pero kahit paano makakahingi ako sa kaniya ng patawad."

No Escape Where stories live. Discover now