Kabanata 6

2.9K 88 1
                                    

Triger warning!!
Contains rape.

Kabanata 6.

Nakatingin ako sa bulto ni Xantheus na papalayo hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng tumulo ang luha ko.

Gusto ko na rin umalis at umuwi kay nanay na alam kong sobrang alalang alala na sa akin ngayon. Pero hanggang sa mamatay yata ako ay hindi na ako makaka-alis sa impyernong ito.

Napa-upo ako sa sahig habang patuloy sa pag-iyak.

"Anong nangyari?" Tanong ni Bella sa loob ng kuwarto niya. Humarap ako doon at sumandal sa pinto.

"Ilan buwan ka ng nandito?" Pinunasan ko ang labi ko. Diring diri ako sa kaniya. Diring diri ako sa mga ginagawa niya sa akin.

"Two months." Sagot ni Bella.

Medyo matagal na din at sigurado akong matagal na ding siyang nag hihirap.

"Anong ginagawa niya sayo? Sinasaktan kaba niya?" Tanong ko. Narinig ko ang biglang pag hikbi niya dahil sa tanong kong iyon.

"Hmm, Kung ano anong klaseng pananakit ang ginagawa niya." Paulit ulit na sinabi niya ang salitang demonyo habang mas lumalakas ang pagtangis.

Hindi na ako sumagot. Hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Xantheus na papakawalan niya ang mga babe dito kung gusto ko. Pero ako ay mamanitili sa lugar na ito.

Ilang araw palang akong nandito at hirap na hirap na ako. Paano pa si Bella at si Jane na matagal na dito at hirap na hirap na.

Siguro may dahilan kung bakit ako nandito ngayon, iyon ay para maka-alis sila dito.

"Makaka-alis ka rin... kayo... dito. Pangako. Uuwri rin kayo." Pangako ko kay Bella. Kung si Aira nga nakaalis makakaalis din sila at ako. Pero mahuhuli lang ako.

Siguro naman kapag naka alis sila sa lugar nito ay mag isusumbong sila sa mga pulis. Doon nalang ako kumakapit at umaasa ngayon.

Tumayo ako at naglakad papunta sa baba. Nang makaka baba ay tumakbo ako palapit sa pinto para buksan iyon pero naka lock. Ganon din ang bintana, at lahat ng pwedeng labasan ay naka kandado.

"May nakakarinig ba sa akin! May tao ba diyan sa labas!" Sigaw ko habang malakas na pinagpalo ang pinto para makalikha ng ingay.

Ilan beses pa akong sumigaw hanggang sa mapagod ako. Namanhind na din ang kamay ko sa kakapalo ng pinto.

Umalis ako doon at inikot pa ang buong bahay. Umaasang may bukas na bintana na pwede kong madaanan palabas.

Hingal na hingal ako dahil sa kakatakbo. Kanina ko pa iniikot ang buong bahay para maghanap ng pwedeng labasan pero wala akong nakita. Sinubukan kong basagin ang salamin ng bintana pero hindi man lang iyon nabasag kahit konti.

Habol habol ko ang hininga ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong bahay, nawawalan na ako ng pag-asa. Hanggang sa nakita ko ang isang puting pinto sa tingin ko ito ang kuwarto niya.

Naglakad ako palapit doon at nang makalapit ay binuksan ko agad ang pinto hindi iyon nakalock. Pumasok ako at hinanap ang swicth ng ilaw. Nang mahanap iyon ay agad kong pinindot ang on botton kaya lumiwanag ang paligid.

Kumpara sa kuwarto na nasa taas mas maaliwalas ang kuwartong ito dahil kulay puti. Malinis at ma-aliwalas hindi katulad ng kuwartong nasa taas na parang impyerno at wala kang makitang liwanag.

Naglakad ako papunta sa drawer niya. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa akin ang malaking plastic. Ang laman non ay puting maliliit na bato na parang asin may mga capsule na parang gamot. Sa tingin ko droga ang mga ito, drug addict siya.

No Escape Where stories live. Discover now