Kabanata 28.

1.8K 52 20
                                    

Kabanata 28.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naka lugay ang mahaba kong buhok. Nilagyan din ako ng konting make up ni Airen.

Lumunok ako habang pilit na binaba ang suot kong dress. Hanggang hita ko lang ito. Parang konting galaw ko lang ay masisilipan na ako.

"Don't be shy, you're beautiful." Sabi ni Airen.

Napatingin ako sa kaniya. Naka de-kwatro siya ng upo sa kama habang maarteng nirorolyo ang buhok niya. Artista nga siya. Sa galaw palang mahahalata mo na.

"Hindi naman, mas maganda ka." Nahihiyang ngumuti.

"I know! Pinanganak akong maganda." Tipid na ngumiti si Airen.

Medyo mayabang pala siya. Tipid na ngumiti nalang ako.

Tumayo siya at lumabas ng pinto pagkatapos ay nilingon ako. "Let's go. Seduce your boyfriend." Sabi niya at tumalikod na.

Marahan akong tumango at naglakad na pababa. Nang malapit ng makababa narinig ko ang boses ni Xantheus at Reckless. Tumigil ako sandali para pakinggan sila.

"Alam mo kung anong kahahantungan mo. It's either you'll die or you'll be in prison. Tell me bro are you ready? Handa ka bang iwan siya." Dinig kong sabi ni Reckless.

Huminga ako ng malalim. Nanikip ang dibdib ko sa narinig pero pilit kong nilabanan 'yon. Ayokong umiyak, gusto kong kalimutan ang posiblidad na iyon.

"Yeah. I know. Just keep your mouth close." Sagot ni Xantheus.

Nag iwas ako ng tingin para pigilan ang pag patak ng luha ko. Pareho kami ng nararamdaman ngayon. Takot, takot sa mangyayari sa hinaharap.

Ilan ulit pa akong huminga ng malalim bago napagdesisyunan na tumuloy na sa baba. Nagsalubong ang kilay ni Xantheus ng makita akong pababa sa hagdan. Humalukipkip siya at matalim akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Change." Walang pag aalinlangan sabi niya.

Naalala ko ang sinabi ni Airen kanina. Huwag kang pumayag kapag inutusan ka niya. Kailangan ba talagang mag matigas? Pwede naman na mag palit nalang ako.

"Ayoko!" Ngumuso ako.

Ang hirap naman makipag usap sa kaniya kapag ganyan ang aura niya.

Mariing pumikit si Xantheus. Tinagilid niya ang ulo niya at Mahinang nag mura. Kinagat ko ang labi ko. Napatingin ako kay Airen nang sikuhin niya ako.

"Do not listen to him. Go, ipakita mo kung sinong boss sa inyong dalawa." Bulong sa akin ni Airen habang hilaw na nakangiti.

Tumango ako at nag bow. Hindi naman ako lumaki sa Japan pero hindi ko alam kung bakit nakukuha ko ang ganong kultura nila.

"Are you a Japanese? Why are doing that?" Ang tinutukoy niya ang pag yuko ko.

Hilaw akong ngumiti. "Half Japanese."

Tumango si Airen at masamang nakipag titigan kay Reckless. Sila ba? Bakit parang hindi? Parang ayaw ni Airen kay Reckless.

"Stop staring at me. Manyak!" Inirapan nito si Reckless.

"Oh no! I'm not. You are." Tumawa si Reckless.

Napatingin ako kay Xantheus. Masama ang tingin niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Magpapalit na ba ako? O mag mamatigas pa kagaya ng sinabi ni Airen.

"In your dreams." Sagot ni Airen at inirapan siya. Palagi ba talaga silang nag aaway?

"Hindi kami sasama umalis na kayo." Sabi ni Xantheus.

No Escape Where stories live. Discover now