Kabanata 9

2.8K 95 6
                                    

Kabanata 9.

"Bitawan mo ako!" Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. Nakaupo kami sa kama, sa gilid niya ay may bandage at alcohol.

Binawi niya ulit ang kamay ko.

Wala na akong nagawa dahil ayaw niya iyon bitawan. Pinanood ko siya habang ginagamot ang sugat ko. Nahawakan ko ang mga bubog galing sa basag na vase.

"Kung naawa ka sa'kin..." tinignan ko siya. "Bakit hindi mo nalang ako pakawalan." Mahinang sabi ko, hindi siya sumagot.

"Alam mo ba kahit gaano ka kasama hindi ko kayang patayin ka? Alam mo tama ka naman hindi naman ako makukulong kung papatayin kita. Pero hindi ko kaya, hindi ako..."

"Hindi ka masamang tao." Tinignan niya ako. "I know." Aniya bago ilapag ang bandage sa gilid ng kama.

"Pakawalan mo na ako." Nakikiusap ang boses ko.

Hindi siya sumagot napanggap siya na hindi ako narinig. Binawi ko ang kamay ko at lumayo sa kaniya. Tumayo ako sa tabi ng bintana.

"Patayin mo nalang ako. Kung hindi ako nalang papatay sa sarili ko." Nilingon ko siya ng konti. "Ayokong makasama ka." Parang batang pinunasan ko ang mata ko.

"Come here, Kanari." Nilahad niya ang kamay niya.

Umiling ako at sumampa sa bintana. Kung hindi niya ako papatayin. Ako nalang papatay sa sarili ko. Hindi ko kayang pumatay ng iba pero kaya kong patayin ang sarili ko!

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko nang subukan niyang lumapit.

Kinagat niya ang labi niya at umatras.

"Are you planning to kill yourself. Akala ko ba relihiyoso ka? bakit hindi mo alam na kasalanan ang 'yan. " Mahinang sabi niya. Parang walang pakialam at mas sinusubukan pa ako.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Ayaw mo akong patayin dahil ayaw mong magkasala..." Lumakad siya. "Taking your own life is also a sin. Tama ba ako, Kanari?" Aniya.

Hindi ako sumagot. Ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa likod ko. Gusto akong hilahin pababa.

Lumapit siya sakin at walang kahirap hirap niya akong binuhat pababa. Bakit ba ako nakinig sa kaniya. Bakit niya alam iyon!

"You can't die, I won't allow it." Sabi niya at hinalikan ako.

Mariin akong pumikit.

Nilingon ko si Xantheus. Nakadapa siya ng higa at mahihimbing na natutulog. Ang isang braso niya ay nakadantay sa tiyan ko.

Pinilit kong tanggalin ang braso niya na nakadantay sakin. Nang matanggal ito ay bumangon na ako. Tinignan ko ang katawan ko na walang kahit anong saplot.

Mariing napapikit ako nang maramdam ang sakit sa ibaba ko, pinilit ko paring tumayo. Isa isa kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig saka iyon sinuot.

Napaupo ako sa maliit na sofa habang nakatingin kay Xantheus na mahimbing na natutulog.

Pagkakataon ko na iyon. Pagkakataon ko na iyon sana pinatay ko na siya. Edi sana tapos na, edi sana naka-uwi na ako ngayon pero bakit hindi ko ginawa!

Anong katangahan ang meron ka, Kanari? Ang tanga-tanga mo!

Kinuyom ko ang kamao ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Bakit ako naawa sa demonyong 'yon, bakit ako naawa sa kaniya kung siya nga hindi siya naawa sa'kin.

Pakiramdam ko napakadumi ko na. Pakiramdam ko ang dami daming lason sa katawan ko dahil sa mga panglalaspatangan niya sa akin.

Hindi ko alam makakaalis pa ba ako dito. Kung matutuloy ko pa ba ang pag aaral ko. Kung magiging nurse pa ba ako, kung magkakaroon pa ba ako ng pamilyang pinapangarap ko.

No Escape Où les histoires vivent. Découvrez maintenant