Kabanata 5

3.3K 99 3
                                    

Kabanata 5.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa tv. hindi pa siya bumabalik simula kanina. May isa pang tumawag sa kaniya kaya lumabas siya at iniwan ako dito sa sala.

Hindi mawala sa isip ko si Aira at si Erich. Naaawa ako sa kanila sa dinanas nila sa impyernong ito na posibleng danasin ko din sa mga susunod na araw. Naawa ako sa inosenteng bata sa sinapupunan ni Aira.

Hindi ako makapaniwalang maatim niyang patayin ang anak niya na mismong nanggaling sa kaniya at siya ang gumawa. Gusto kong tulungan si Aira pero hindi ko alam kung paano.

Napatingin ako sa gilid ko ng maramdamang gumalaw ang sofa.

Umupo si Xantheus sa tabi ko. Humarap siya sa'kin. Ang isang paa niya ay naka akyat sa sofa at isa naman ay nasa baba. Napatingin ako sa lamesa nang ilapag niya doon ang cellphone niya. Kailangan ko 'yon para makahingi ng tulong.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ako ang mukha sa kaniya.

"Why didn't tell me you're eighteen years old?"

Tumingin siya sa akin. Nag iwas ako ng tingin.

"If I only know I won't hurt you."

Sabi niya at dinampian ng mababaw ng halik ang pisngi ko. Ginawa niya din iyon sa kabila.

"Natakot ako... natakot ako na hindi ka tumagal ng tatlong buwan dito." Aniya.

Ano bang sinasabi niya, baliw siya.

Binatawan niya ang baba ko at kinuha ang remote sa gilid saka niya pinatay ang tv.

"Kanari Briseas Yuu. Is that your name right?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon. Paano niya nalaman ang apelyido ko.

Tumango ako. Sinandal niya ang likod niya sa sofa habang nakatingin sa akin.

"Ka.na.ri." Isa isa niyang binigkas ang bawat letra." So you're half japenese?"

Muli akong tumango. Tumango- tango rin siya at nagsindi ng sigarilyo. Wala siyang suot na pang itaas ngayon kaya kitang kita ko ang mga tattoo niya.

Pero may isang tattoo'ng naka agaw sa pansin ko. Ang tattoo niya sa braso na si tinker bell. Halata nga favorite niya ito.

"Where do you live?"

Bakit niya tinanong, hindi naman niya ako iuuwi. Teka! Nasaan ba ako ngayon. Nasa Rizal pa ba ako o wala na?

"Sa Rizal."

Nanginginig ang labi ko. Natatakot ako sa kaniya kahit na wala naman siyang ginagawa sa akin ngayon.

"Are you scared? You're trembling."

Lumapit pa siya lalo sa akin. Hinawi niya ng kamay niya ang buhok ko at inipit iyon sa tainga ko.

Sinong hindi matatakot sa kaniya. Pumapatay siya ng tao, nang rarape siya ng mga babae. Masama siya kaya sinong hindi matatakot sa kaniya!

Napatingin ako sa kaniya nang bigla nalang siyang tumawa.

"Of course, who wouldn't." Aniay, habang mala demonyong tumatawa.

"Tungkol kay Aira." Utal utal na sabi ko.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Pero kailangan ko munang isintabi iyon. Wala naman sigurong mawawala kung susubok akong pakiusapan siya.

"What about her?"

Napatingin ako sa kaniya ng bigla nalang tumayo at pumwesto sa likod ko. Nilagay niya ang mag kabilang paa niya sa gilid ko. Ramdam ko ang matigas na bagay na tumutusok sa likod ko.

No Escape Where stories live. Discover now