Kabanata 11

2.6K 74 5
                                    

Kabanata 11.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Sa halip ngumiti nalang ako para mawala ang pagkailang.

Hindi na rin nagsalita si Xantheus. Naglakad siya palapit sa dagat. Naiwan akong nakatayo. Huminga ako ng malalim bago siya nilingon.

Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa karagatan.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Napansin ko ang mabagal na pag galaw ng balikat niya. Nanatili lang akong nakatayo sa likod niya. Pakiramdam ko nalungkot siya sa sinabi ko kanina kaya siya natahimik.

Pinaglaruan ko ang buhangin sa paa ko habang nag iisip ng pwedeng sabihin. Mag so-sorry ba ako sa kaniya dahil sa sinabi ko? Pero wala naman mali doon.

"Xantheus, Magkaibigan na tayo hindi ba?"

Hinintay kong lingunin niya ako pero hindi siya lumingon, nanatili lang siyang nakatalikod. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang patuloy sa paglalaro ng buhangin.

Ngumuso ako at yumuko nalang. Magsasalita pa ba ako? E hindi naman siya sa sumasamagot.

Tumingin ako sa paligid, sa 'di kalayuan ay puro kakahuyan na. Nasa isla kami, masyadong liblib kung tatakas ako paano naman ako makakatakas. Nakita ko ang mga sangang nagkalat. Tumakbo ako at pinulot iyon isa isa.

Nakita kong sinulyapan niya ako ng sandali.

Nilingon ko si Xantheus na nakatayo pa'rin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang ginagawa. Nang makakuha ng maraming sanga ay nilapag ko iyon sa buhangin at sinalansan ng maayos.

"What are you doing?"

Nagulat ako sa biglang pagharap niya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.

"May lighter kaba?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang lighter sa bulsa saka iyon binigay sa akin. Agad na sinindihan ko ang kahoy na sinalansan ko kanina.

"Bonfire?"

Nakangiting tumango ako. Kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin.

"D*mn! that smile. Why you're always smiling?"

Mahinang bulong niya pero narinig ko pa'rin.

Tumayo ako at humarap sa kaniya.

"Dahil sabi ng mga taong nagmamahal sa akin maganda daw ako kapag ngumingiti." Mas lalo pa akong ngumiti.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"They were right." Ngumisi siya.

"But your smile is killing me." May lungkot niyang sabi.

Hindi ako nakasagot. Lagi nalang ganito na kapag siya na ang nagsasalita hindi na ako makasagot. Nawawalan ako ng sasabihin.

Umupo siya sa paligid ng siga na nag u-umpisa ng lumaki ngayon. Umupo na rin ako sa harap niya, naka gitna ang apoy sa aming dalawa.

"Hi, Mr Xantheus. I'm Kanari Briseas Yuu, Half dalagang pilipina and half dalagang haponesa. I'm Eighteen years old nice to meet you!" Nakangiting pakilala ko na para bang nagpapakilala lang sa klase.

Napanguso ako nang hindi niya pansinin ang pagpapakilala ko.

"Hello, sir?"

Para naman akong mag a-apply ng trabaho nito. Nakita kong ngumiti siya pero sandali lang at sobrang tipid lang.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong ko, marahan siyang tumango na ikinatawa ko ng mahina.

"So Mr. Xantheus, how old are you?" Tanong ko. Matagal ko na talagang gustong itanong to sa kaniya.

No Escape Where stories live. Discover now