Kabanata 8

3.1K 105 18
                                    

Kabanata 8.

"Pababain mo ako, Xantheus! Pababain mo ako please! Pupuntahan ko ang nanay ko. Ihinto mo!" Tumingin ako sa kaniya at muling tumingin sa likod. "Pababain mo ako!" Sigaw ko.

"Kung hahayaan kitang puntahan ang mama mo. Will you come back?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Kung papakawalan niya ako ngayon at hahayaan akong puntahan si nanay ay hindi na ako babalik. Sinong nasa matinong pag i-isip ang babalik pa sa kaniya!

"Hindi! Sinong nasa matinong tao ang babalik pa sayo!" Sigaw ko dahil sobrang galit.

"Exactly! Thats the reason, now you know the answer so please stop shouting."

Sagot niya nang hindi Tumingin sa akin.

Walang tigil ang mga luha ko habang siya ay seryosong nagmamaneho. Mas lalong sumiklab ang galit sa puso ko dahil sa ginawa niya ngayon.

"Halimaw ka! Wala kang puso Xantheus." Nanginginig ang labi ko at ang boses ko.

"Wala kang puso! Makaka-alis din ako at matatakasan din kitang hayop ka! At anong inaasahan mo na babalik pa ako kung sakaling pakawalan mo ako? Hindi! Hindi na ako babalik!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi na ako babalik kahit na mamatay kapa. At hinihiling ko na mamatay kana ngayon! Sana mamatay kana! Mamatay kana ngayon!" Buong lakas kong sigaw sigaw.

Pinaghahampas ko ang braso niya pero hindi niya inalintana iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho, ni hindi niya ako tinignan at sinagot.

Namanhid ang kamay ko sa kakapalo sa kaniya hanggang sa kusa nalang itong tumigil.

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kanina pa ako umiiyak. Habol habol ko ang hininga kong tumingin sa kaniya. Naninigas ang panga niya habang kagat kagat ang labi niya.

"Soon Kanari, soon." Nilingon niya ako.

"Pray for my death, my tinkerbell.."

Masamang tumingin siya sa akin sandali at binalik din ang mata sa kalsada.

"Make sure you won't cry when that day comes. If I die I want you to be happy."

Pumiyok ang boses niya sa huling katagang sinabi niya.

Ako ang magiging masayang tao sa mundo kung sakaling mangyari iyon, kung sakaling mamatay siya. Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin nalang sa labas. Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Xantheus kaya tinignan ko siya.

"Damn, checkpoint!" Hinampas niya ang manobela.

Checkpoint? Anong ibig niyang sabihin? Tumingin ako sa harapan. Sa malayo nakita ko ang mga pulis habang sinusuri ang mga sasakyan sa unahan namin.

"This is your chance my tinker bell." Sabi ni Xantheus at pinaandar na ang sasakyan.

Ang akala ko tatakasan namin iyon pero masunurin siyang huminto.

Nang makalapit doon ay kinatok ng isang pulis ang bintana ng kotse. Ang isang pulis naman ay nasa likod at tinignan ito.

"What happened, sir?"

Tanong ni Xantheus sa pulis na kausap na, kalmado lang siya.

"May hinahanap lang boss. Patingin ng lisensya." Sabi nito.

Nilabas ni Xantheus ang lisensya niya sa mula sa wallet at binigay ito sa pulis.

Pagkakataon ko na ito para humingi ng tulong at sabihing siya ang hinahanap nila.

No Escape Where stories live. Discover now