Wakas

3K 159 70
                                    

Wakas.

"Xan, you have to go."

Sabay kaming napalingon ni Xantheus sa likod. Tumatakbong lumapit sa amin si Reckless. Tumingin siya sa likod niya at muling binalik ang tingin sa amin. Tumayo si Xantheus kaya tumayo na din ako.

"Fuck." Bumuntong hininga siya.

Problemadong ginulo ang buhok niya habang walang tigil sa pag mumura. Tumingin ako sa likod ni Reckless, wala pa naman ang mga pulis. Pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit pa kasi siya tumakas!

"You should leave, Xan. Bago ka nila maabutan." Sabi ni Reckless.

Nakita kong kinuha ni Reckless ang baril sa likod niya at inabot kay Xantheus. Bakit kailangan ng baril? Tumingin ako kay Xantheus.

"Use this, incase na gusto mong magpakamatay."

Hinawi ko iyon.

"H-Hindi niya iyan kailangan! Xantheus, sumuko ka ng maayos. Please." Pagmakakaawa ko.

"Kailangan niya to, hindi siya sasantuhin ng mga pulis."

"Pero hindi din makakatulong kung lalaban siya!" Ramdam ko ang tension sa aming dalawa ni Reckless.

Magsasalita pa sana si Reckless kung hindi lang siya tinapik ni Xantheus sa balikat.

"I won't use that." Sabi ni Xantheus.

Nilingon niya ako.

"Huwag mo akong pupuntahan kahit anong mangyari, naiintindihan mo?"

"Bakit? Hindi!" Umiling ako. "Pupuntahan kita araw araw. Araw araw kitang bibisitahin." Pinilit kong huwag umiyak.

"No."

"Ano ba! Bakit ba ayaw mo! Pupunta ako, pupuntahan kita! Kahit araw araw pa akong nandoon!" Sabi ko. Halos sumigaw na ako para maintindihan niya ako.

"Please." Hinalikan niya ang noo ko.

Wala na akong nagawa. Bakit ayaw niya ako pabisitahin sa kaniya sa kulungan. Dahil ba nahihiya siya? At ayaw niyang makita ko siya sa ganong sitwasyon.

"Nakita ko na lahat kaya hindi kita iiwan, ngayon pa ba? hindi ako mahihiya kapag sinabi nilang criminal ang boyfriend ko. Hindi ko iyon ikakahiya ipagmamalaki ko na ikaw ang mahal ko. Na ang lalaking mahal ko ay kayang gawin ang lahat para babaeng mahal niya. Ang swerte ko sayo!" Paos na sabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako pabalik.

"I'm just protecting you, Kanari. I am sorry."

"Damn! Stop this f*cking drama." Sabi ni Reckless.

Napatingin kami sa kaniya. Narinig ko ang tunog ng sasakyan ng mga pulis medyo hindi kalayuan mula sa amin. Mas dumoble ang tibok ng puso ko dahil doon. Napatingin ako kay Xantheus nang bitawan niya ang kamay ko.

"I love you."

Sabi niya bago tumalikod. Humarap siya kay Reckless.

"Ikaw na bahala, take care of her, she's my life kaya kapag nawala siya mamatay ako. I trust you bro." Nag iba ang tono ng boses ni Xantheus. Basag ito garagal.

"Is that your last will? Ingat bro." Biro ni Reckless. Nagyakap silang dalawa.

Buong akala ko lilingunin niya pa ako pero hindi na. Tumakbo si Xantheus papunta sa kotseng nakaparada 'di kalayuan samin. Nag iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa dagat.

"Hey, My tinkerbell. Kanari! I love you so much more than anything in this world. When I've said that you could not be able to escape from me, I was wrong. Because I'm the one who cannot escape from you. From your love. Mahal na Mahal kita!" Sigaw ni Xantheus.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Escape Where stories live. Discover now