Kabanata 4

3.3K 83 3
                                    

Kabanata 4.

Lumabas ako sa kuwartong iyon at isa isang lumapit sa mga iba pang pinto. Lahat ng buksan kong pinto ay naka lock bukod sa nag iisang pinto. Ito nalang ang hindi ko pa nabubuksan, iyon ang kuwarto ni Rapunzel.

Ang babaeng nasa loob nito ay isang modelo. Pinihit ko ang pinto kahit natatakot, kailangan ko ng makakasama para makalabas dito.

Kung magtutulungan siguro kami ng mga babaeng nandito baka matakasan namin siya. Kailangan naming magtulungan para maka alis na sa impyernong ito at makabalik na sa mga pamilya namin.

Katulad ng kuwarto ni Erich madilim at wala akong makitang kahit ano. Nangingig ang mga kamay ko habang kinakapa ang swicth ng ilaw sa pader sa gilid ng pinto hnggang sa makapa ko na ito. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang on button.

Please, ayoko na makakita ng babaeng walang buhay. Dalangin ko at nagsimula ng umilaw ang paligid.

Wala akong nakita na kahit ano bukod sa mga basag na bote na nagkalat sa sahig. Tumingin ako sa kama. Wala ang babae nasaan siya?

Babalik na sana ako sa labas nang makarinig ng mahinang pag hikbi. Lumingon ako agad, hinanap kung saan nanggaling ang boses.

Sa gilid ng kama nakaupo doon ang babaeng may mahabang buhok hanggang sa bewang habang walang kahit anong saplot. Katulad sa naunang babaeng nakita ko, punong puno ng pasa ang katawan niya at may bakas din ng latigo sa likod niya at tagililaran.

Bumaba ang tingin ko sa paa niya na nakatali ng kadenang bakal. Ang bakal ay nakatali sa paa ng kama. Awang awa ako sa itsura ngayon halatang hirap na hirap siya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harap niya. Nag angat siya ng tingin sa akin. Basang basa ang mata niya at magang maga ito.

"A-yos ka lang?" Nangiginig ang mga labi ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi siya sumagot at umiyak lang. Hinagod ko ang likod niya napansin kong nakahawak siya sa tiyan niya.

"May masakit ba sa'yo?"

Tanong ko pero hindi siya sumagot. Kinuha ko ang kumot na nasa kama at binalot iyon sa hubad niyang katawan.

"Magtulungan tayo, magtulungan tayo para makaalis na dito. Please tulungan mo ako." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Bakit nangyayari sa'kin to!" Mas lalong lumakas ang pag iyak niya habang nakahawak sa tiyan niya. "Bakit binigay pa siya sa akin, bakit ngayon pa!" Paulit ulit na sabi niya.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Gusto ko siyang mabuhay." Yumuko siya at umiyak.

Napatakip ako sa bibig sa narinig. Buntis siya. Buntis siya at ang demonyong iyon ang ama.

Napakawalang puso niya para gawin pa ito sa babaeng ito gayong dala dala niya sa sinapupunan niya ang anak nila.

Nasaan ang puso niya o may puso pa ba siya.

"Buntis ka?" Utal utal na Tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tumango.

"Hindi na dapat nabuhay at nabuo ang batang ito. Dahil hindi naman siya mabubuhay. Hindi niya kami hahayaan mabuhay, kahit gustuhin ko."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Paano kung mabuntis din ako. Anong mangyayari.

"Gusto ko ng makalaya. Gusto kong buhayin ang batang ito." Sabi niya, niyakap ko siya.

Alam kong hindi kami mag kakilala pero sa ganitong pagkakataon okay lang naman siguro kung yakapin ko siya dahil sa tingin ko kailangan niya iyon.

"Tomorrow is my three months here. I'll die tomorrow kasama ang anak namin." Sabi niya.

No Escape Where stories live. Discover now