Kabanata 23

1.8K 66 18
                                    

Kabanata 23.

Sumunod sa'kin si James. Tumabi siya at sinubukang mas lumapit pa. Medyo nag dikit ang kamay naming dalawa kaya lumayo ako agad.

Nilingon niya ako. Hindi ako makatingin sa kaniya.

"Mamaya na kita ihahatid samahan mo muna ako." Sabi niya at mas subukang dumikit pa.

Nilingon ko siya. "Saan? Pwedeng ikaw nalang? Kasi kailangan kong umuwi ng maaga."

Tipid akong ngumiti.

"Kung gusto mo huwag mo na akong ihatid." Dagdag ko pa dahil ayaw ko talagang sumama.

"Sandali lang naman yon. May ihahatid lang ako sa bahay nila tito. Saka hindi kita pwedeng iwan baka kung ano pang mangyari sayo, delikado." Pilit niya.

"James, kasi."

Hindi ko Alam kung paano ko sasabihin ayokong sumama sa kaniya.

"Sige na, Kan! Parang ito lang." Aniya.

Sa tono ng pananalita niya parang kinokonsensya niya ako.

"Pero kasi... kailangan ko na talagang umuwi, James."

Hindi siya sumagot nagtuloy tuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa maiwan na ako. Sa tingin ko nagalit siya. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kaniya kailangan Kong mag sorry kung na offend man siya

"Sandali lang ha." Bulong ko

Huminto si James sa paglalakad pagkatapos ay nilingon niya ako. Nakokonsesya ako kaya ko siya sasamahan, iyon lang.

"Oo naman! Hindi naman tayo magtatagal." Lumapit siya sa akin. "Mabilis lang tayo ako na bahala kay nanay." Aniya niya at ngumisi.

Iba ang dating sa akin nang sinabi niyang iyon. Parang kakaiba at hindi maganda sa pandinig. Huminga ako ng malalim masyado yata akong paranoid.

Tahimik lang ako habang panay ang salita ni James. Tango lang ang isinasagot ko o kung hindi naman tango ay oo at hindi lang. Hindi naman sa ayoko kay James nai-ilang lang kasi ako sa kaniya. Lalo na sa mga kilos niya, naninibago ako.

Lahat ng ginagawa niya sa akin ay kakaiba, hindi naman siya ganito dati.

Pinanuod ko siyang binubuksan ang pinto ng bahay ng tito niya. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba o hindi. Wala kasing tao sa tingin ko.

"Pasok na tayo."

Sabi niya sinalubong niya ako sa pamamagitan ng pag hawak sa siko ko. Marahang akong tumango. Pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay.

Madilim sa loob at parang walang tao. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng pinto.

Nang mapansin niyang hindi ako umaalis sa tabi ng pintuan. Lumapit na siya at hinawakan ang kamay ko palayo roon. Nakita kong sinara ni James ang pinto at nilock iyon.

"Pwede bang hayaan nalang natin naka bukas yung pinto?"

Nagkamot ng ulo si James.

"Hindi pwede, Kanari. Gusto kasi ni tito na nakasara lagi ang pinto."

Tumango ako.

"Sa labas nalang ako maghihintay." Palabas na ako.

Hinarangan ako ni James, hinawakan niya ang siko ko.

"Ano ba, Kanari!" Bulong ni James, napapikit ako.

"Bakit ba iwas ka ng iwas sa akin?" Tumindig balahibo ko nang haplusin niya braso ko pababa sa kamay.

Please... halos magka-awa na ako sa sarili ko na sana hindi tama ang kutob ko.

"James, bitawan mo ako!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa'kin.

No Escape Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt